Kabanata 98 MATAPOS lapitan ang anak na si Savier ay muling binalingan ni Homer si Althea na noo’y nakatingin sa kanya at sa batang si Gregory. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng babae dahil umaakto ito ng sobrang natural. Hindi niya alam kung masaya ba ang babae o hindi sa muli nitong pagbabalik. Tiningnan niya si Althea sa mga mata nito upang sinsero niyang itong pasasalamatan dahil iyon ang pinakamahalaga. Iyon dapat ang kanyang sasabihin pero iba ang nabanggit ng kanyang bibig. “Kumusta ka na? Sobrang tagal na nating hindi nagkita, Althea,” aniya sa babae. Nakita niyang napalunok ito ng laway ngunit ngumiti rin kalaunan. “I am very fine Homer, tama ka, matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita. Kung hindi dahil kay Shasmael ay mananatili pa sana kami sa Spain ni Savier. Sobrang g

