bc

Not You and Me

book_age16+
205
FOLLOW
1K
READ
forbidden
sporty
bxg
lighthearted
brilliant
city
coming of age
school
actress
like
intro-logo
Blurb

Miela Kerriane is already an established actress. She has been in the industry for how many years already. She has received various awards from different roles. At the age of 20, she's already one of the most sought out artist of her generation. Just as when she was about to be given a mature role to further enhance her acting career, a memorandum from their home network was released saying that all actress below 25 years old shall not be given any mature roles because of a scandal that has been fired to their network. That's when her path was shifted away from the limelight. From a popular actress, she was told to go to school first and graduate before she can finally pursue a mature role.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: An Issue
Awang ang bibig ni Meila habang nakatitig sa kabubukas niya lang TV. Nasa living room siya ng kanyang condo. Mag-aalas-nuebe na ng umaga noon at supposed to be ay maghahanda na siya para sa kanyang call time sapagkat ang location nila ay nasa isang malayong beach resort. Sobrang excited pa nga niya kagabi dahil sa wakas, after how many months ay magsisimula na rin ang pinakaabangan niyang project sa tanang buhay niya.  It was just last month when she was informed that she was the final lead role for the mature teleserye that her network is cooking. Pam-primetime ang naturang teleserye at nagsisimula pa lang siyang mag-artista ay pinangarap na niya talagang mag-primetime. Sino nga ba naman ang hindi? Bukod sa malaki ang talent fee kapag sa primetime ang palabas mo ay isang karangalan din ang maihanay sa mga artistang established na at sobrang sikat na sa primetime. Isa pa ay matagal na rin niyang gustong sumubok ng mature roles dahil sawa na rin siya sa mga pa-tweetums na mga roles niya. Gusto rin naman talaga niya ang mag-grow at sabi ng kanyang manager, para raw mag-grow siya dapat subukan niya ang mga mature roles. Kaya naman pinaghandaan niya talaga ang audition ng teleseryeng iyon. Sa kabutihang palad naman ay natanggap nga siya.  Ang kaso, mukhang mauudlot ang lahat ng iyon dahil sa nangyayari ngayon. Kaninang alas-siyete ay tinawagan siya ng kanyang manager na hindi raw muna tuloy ang taping nila ngayon at may aberya raw. Bahagya siyang nanlumo at nalungkot, syempre. Ang inisip niya na lang ay baka minor na aberya lang naman. Kaya lang ay tumawag ulit ang kanyang manager nang mag-alas-otso at sinabihan siyang mag-abang ng TV. At ito na nga siya ngayon, hindi makapaniwala sa nakikita niya sa TV. “Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit kadalasang mga mature role ay naibibigay sa mga kabataang artist ng ABC Network? Totoo kaya ang ipinapakalat ng insider umano na ang mga kabataang ito ay ini-exploit ng network sa isang underground syndicate at request ng mga kliyente na bata ang kunin dahil isasalang sila sa mga pronographic contents? Iyan ang pumutok na balita mula sa isang article na sinulat ng isang hindi nakikilalang writer sa isang media outlet. Nitong madaling-araw lang lumabas ang naturang article at labis na nababahala ang mga manonood, fans at mismong mga talent sa balitang ito. Sa ngayon, wala pang ibinibigay na statement ang naturang network at kinokontak pa namin para hingan ng pahayag ang presidenteng si Carlos Flores. Para sa iba pang nagbabagang balita, tumutok lang dito live sa Unang Chismis." Halos sabay na suminghap si Meila at ang kanyang dalawang tita na kasa-kasama niya ngayon.  "Oh my gosh, ano na naman iyang rumor na iyan! Anong basehan?!" hysterical na sambit ng kanyang Tita Mera. Sapo-sapo pa nito ang ulo habang walang humapay sa pagpabalikbalik na lakad.  "Cut it, Mera! Nakakahilo ka! Can we just wait for the memo for RJ?!" ani ng kanyang Tita Ira naman. Tinutukoy nito ang manager niya.  Nakagat ni Meila ang kanyang kuko at saka niyakap ang kanyang dalawang tuhod. Nakasiksik siya sa gilid ng couch habang nakatitig sa kanyang dalawang tita na aligagang-aligaga na sa mga nangyayari.  Wala siyang ideya kung anong nangyayari at kung ano ba ang nasa balita. Her head was haywire. Ni hindi niya alam kung anong mararamdaman. "Meila! Stop biting your nails!" Otomatikong naibaba niya ang kanyang kamay at paa nang tapikin siya ng Tita Ira niya na katabi niya.  Sumimangot siya rito at saka ipinagkuros ang kanyang mga hita. Bumuga siya ng hininga, ang kanyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid niya.  "This is insane! What is happening, and where the hell is RJ?!" Napanguso na lang si Meila nang marinig ang hinanaing ng kanyang Tita Mera.  Natahimik silang tatlo, wala ni isa ang umimik o gumalaw man lang. Lahat sila ay nakatitig lang sa TV na nasa kanilang harapan. Palihim na kinuha niya ang kanyang cell phone at tiningnan ang mga texts ng mga kaibigan niya. Nakagat niya na lang ang kanyang labi at saka ni-reply-an ang mga ito.  Wala rin talaga siyang ideya kung anong nangyayari kaya wala rin siyang maisagot na maayos dito. Naghintay na lang muna siya roon. She checked her social media accounts at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang halos pumutok ang kanyang notifications sa dami ng mga nagco-comment at tina-tag siya sa article na pumutok. 'Oh my gosh. What is this thing?!' Hindi niya alam pero habang tumatagal ang pagbabasa niya sa mga comments at mga quote tweets ay umaahon ang isang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.  Natuod pa siya sa kanyang kinalalagyan nang biglang magpop-up sa kanyang cell phone ang message ng kanyang manager. Dumiin ang pagkakagat niya sa kanyang labi habang tinitingnan ito. Hindi pa man niya ito natitingnan ay parang kinakabahan na siya na ewan. Hindi rin talaga niya maintindihan, e. Pakiramdam niya lang ay parang hindi magandang mangyayari at ayaw niya sa feeling na iyon.  “Meila! Ano? Nag-text na ba si RJ?” Muntikan na siyang mapatalon nang marinig ang  kanyang Tita Mera.  Nakagat niya lang ang kanyang labi at saka napabuga ng hininga. Tumikhim siya. “I’ll see pa, po,” sabi niya na lang. Narinig niya pa ang pag-ungot nito at saka nag-walk out papunta sa kusina nila. Ngumuso lang siya at patagong tiningnan ang message ng kanyang manager.  From: Sir RJ Meila, bad news! Cancelled ang shooting natin ngayon. Maging ang buong show ay halted daw muna until further notice. Nagmi-meeting pa ang production at buong team about the fate of the show. I’m so sorry, Meila. I think this show is going to be cut off. Hindi na matutuloy ang first mature role mo because of these rumors and issues. I still need to confront the management with regards to this. Let’s meet later.  Kusang nalaglag na lang ang panga ni Meila habang nakatitig sa message ng kanyang manager. Para siyang nabato sa kanyang kinauupuan at tila hindi pa nag-sink in ang mga itinext nito sa kanya. Parang ang tanging pumasok lang sa kanyang utak ay ang kaisipang hindi na matutuloy ang kanyang first ever mature lead role. Napanganga na lamang siya at saka hindi agad nakagalaw. Parang nabato siya sa kanyang kinalalagyan. She wanted to wake up from this bad dream! Sana panaginip lang ito!  ‘Oh my gosh, this cannot be. This cannot be! Oh my gosh!’  Kumakalabog ang kanyang dibdib na tiningnan niyang muli ang text ng kanyang manager.  “Tita!” Pumalahaw siya nang iyak at agad na napaayos ng upo.  “Oh my god, why, hija?! Why?” Agad namang dumalo ang Tita Mera at Tita Ira sa kanya. “What is it, hija?” tanong ng kanyang Tita Ira.  Nag-aabang na rin ang kanyang Tita Mera sa kanyang sasabihin. Nakagat niya ang kanyang labi at saka isa-isang tiningnan ang mga ito.  “What is it, Meila?!” impatient na tanong pa ni Mera. Lumunok siya at mas dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi.  “Tita, look.” Lumabi siya at saka iniabot ang kanyang cell phone sa dalawa. Halos mag-agawan naman ang dalawa niyang tita roon. Kagat-kagat niya ang kanyang labi habang nakasandal sa likod ng upuan. Narinig na lang niya ang pagsinghap ng dalawa niyang tita.  “This cannot be! Oh my gosh, Ira!” “I know right, bakit sila magpapaapekto sa rumors na ito? ‘Di ba, hindi naman ito totoo?! This is not good! Not good at all! I’m gonna call my connections! Hindi pwedeng mag-cancel na lang sila nang ganoon-ganoon na lang!” “I’ll call RJ, too!” Halos sabay na tumayo ang mga tita niya at naiwan siyang mag-isa roon at tulala. Halos mag-overlap na ang mga boses ng dalawa niyang tita at halos wala na rin talaga siyang marinig sa ingay ng mga ito. Parang nag-hang na naman ang kanyang sistema at hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Naitakip niya na lang ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha. Doon niya ibinuhos ang kanyang frustration at pagkainis.  ‘This cannot be! This cannot freaking be! Oh my gosh! Paano na ang career ko?! Paano na ang magiging career ko?! What will I do now?! What is happening to me?! Bakit ngayon pa?! Why freaking now?!’ Bumuga siya ng hininga at saka tiningnan ang kanyang cell phone. Kagat-kagat niya ang kanyang labing binuksan ang group chat nila ng mga kaibigan niya sa Messenger.  To: Gurls For Life I need to see you! You guys free ba?! Huhuhuh Dumiin ang pagkakagat niya sa kanyang labi at hinintay ang reply ng mga ito. Ilang sandali pa ay isa-isang nagsipasukan ang mga messages. Saktong lunchtime kaya free ang tatlo sa mga trabaho. They decided to meet in their usual spot sa tapat ng school na pinagta-trabahuan ni Mindy. Teacher kasi ito sa isang university. Iyong si Karrie naman ay isang accountant at si Rehane ay isang abogado. Iyong cafe na iyon ang kanilang meeting place dahil iyon ang mutual place na malapit sa tatlo. Busy ang Tita Ira at Tita Mera niya sa pag-contact ng mga kakilala nila sa showbiz kaya hindi napansin ng mga ito na nakalabas siya ng condo. Isang simpleng white tee shirt ang suot niya at maong shorts. Naka-black facemask siya at black din na baseball cap para hindi siya makilala ng mga tao. She took her car out, and drove to their meeting place. Medyo malapit lang din naman ang kanyang condo roon kaya hindi rin nagtagal ang biyahe. Pagka-park niya sa parking ay iginala niya muna ang kanyang tingin sa buong paligid tapos ay tiningnan ang kanyang cell phone. The girls just chatted that they’re already there, so agad na rin siyang bumaba. Nakatungo lang siya at dire-diretsong umakyat sa second floor ng cafe, kung saan ang kanilang usual tambayan. Kagat-kagat niya ang labi habang papunta sa itaas. Agad niyang nakita ang tatlo nang mag-signal si Karrie sa kanya.  Mabilis siyang lumapit sa mga ito at umupo sa bakanteng upuan katabi ni Karrie. Huminga siya nang malalim at saka tinanggal ang kanyang mask at cap. Ngumuso siya sa mga ito. Agad na tumaas ang kilay ni Rehane at sumipsip sa frappe nito.  “What now? May news ka na about the issue? It’s all over the media outlets and internet, Meil,” sabi nito sa kanya.  Kita niya ang pag-aalala sa mga mukha nina Karrie at Mindy.  “Oo nga, Meil. What did Sir RJ say about it? And oh my gosh, is it true?!” Mindy exclaimed.  “If it’s true, then blessing in disguise iyong rumor,” Karrie added. Mas tumulis ang kanyang nguso  at halos isubsob na niya ang kanyang sarili sa kanilang lamesa.  “What is it, Meil?” ulit ni Mindy. Napaungot na lang siya at tuluyan nang isubsob ang kanyang mukha sa lamesa.  “Oh my gosh, cut the drama, Meila! Anong nangyari?” Rehane said. Doon siya nag-angat ng tingin at halos maiiyak nang tumingin sa mga kaibigan.  “My show got cancelled...indefinitely! I don’t know what to do na! My first mature role is freaking cancelled! My dream role, guys! My dream role!” Nasabunutan niya na lang ang kanyang sarili sa sobrang frustration. Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.  “Oh my gosh, so totoo iyong rumor?” tanong ni Mindy sa kanya. Marahas niyang iniling ang kanyang ulo. “I don’t know! I don’t know, okay? He didn’t tell me! He just said na halted indefinitely, and then no news na! It’s frustrating and it’s oh my gosh! I can’t even say it!” hysterical na sabi niya at tuluyan nang umiyak sa kanyang mga kamay. Agad na nagsinghapan ang kanyang mga kaibigan.  Mabilis na dumako sa kanyang likod ang kamay ni Karrie habang umiiyak siya sa kanyang kamay. She just can’t really believe kung gaano siya kamalas. All she thought, magiging maayos na ang lahat at mas magiging masaya siya dahil isang goal na naman niya ang natupad, which is ang mag-star sa isang mature role. Ilang years na rin kasi siyang na-stuck sa mga tweetums na mga role. Thankful pa rin naman siya sa mga iyon dahil iyon ang nag-build ng kanyang career pero syempre may gusto rin siyang ma-achieve na iba pa at gusto niya ring mag-grow sa ibang field ng acting pero ito nga at puro problema naman ang dumating sa kanya. Napakagaling lang. “Gosh, sis, tahan na. Baka makilala ka ng mga tao at dumugin tayo, no,” sabi pa ni Mindy. Sa lakas kasi ng iyak niya ay talagang mawiwindang ang mga customers ng cafe. Kahit nasa itaas sila ay siguradong maririnig sila sa ibaba kung sobrang lakas ng paghikbi niya.  Kinagat niya ang kanyang labi at saka nag-angat ng tingin sa mga kaibigan. She’s sure as hell na sobrang haggard na ng mukha niya pero wala na siyang pakialam doon at gusto niya na lang talagang umiyak nang umiyak.  “Everything is just so hard to digest…” halos pumiyok na siya nang sabihin iyon.  Kitang-kita niya ang pag-aalala at awa sa mukha ng mga kaibigan.  “Meila...shh. Hush now.” Mas lalo lang siyang naiyak nang yakapin siya ni Karrie mula sa gilid. She rested her head on her shoulder habang humihikbi pa rin.  Nakatingin lang sa kanya pareho sina Mindy at Rehane. Ilang minuto silang natahimik bago bumuga ng hininga si Rehane at tumayo.  “Get up,” anito sa kanya.  Umayos siya ng upo at saka kinunutan ito ng noo. “Why? Where are we going?” takang tanong niya pa.  “Oo nga, Re. Saan naman tayo pupunta?” Si Mindy.  “Kailangan ko pang bumalik ng office, ha.” Si Karrie naman.  Umirap si Rehane sa kanila. “Just get up, okay? We’re going somewhere. I’m cancelling my appointments today. I’m not asking you, two, do the same. Okay lang naman na ako lang ang sumama kay Meila,” sabi pa nito sa kanila.  Kunot na kunot pa rin ang noo ni Meila at confused na nakatingin sa abogadang kaibigan. Maging sina Mindy at Karrie rin ay hindi rin ma-gets si Rehane.  “O, come on, let’s go!” Nataranta lang silang tatlo nang mauna na itong maglakad. Nagmamadaling sinuot ni Meila ang disguise niya at agad din silang sumunod dito. Mabilis na naglakad sila palabas ng cafe. Siya at si Rehane lang ang may dalang sasakyan kaya nakisabay si Karrie sa kanya at si Mindy naman kay Rehane. “So, where are we going nga?” She heard Karrie. Katawagan nito si Mindy na nasa sasakyan ni Rehane.   “Mall.” Si Rehane ang sumagot.  Agad na nagkatitigan sina Karrie at Meila.  “What are you talking about, Re?” takang tanong ni Meila. Nagkibit-balikat naman si Karrie.  Narinig nila ang pagbuntong-hininga ni Rehane sa kabila. “You need to clear your mind, Mei. Don’t worry, it’s on me. We just need to distract you, Meil. Trust me. Tara na. And Mindy, Karrie mag-decide na kayo kung sasama ba kayo o hindi,” pinal na sabi nito at saka ibinalik na ang tingin sa harapan. Napatingin na lang si Meila sa katabing si Karrie at maging kay Mindy na nasa screen.  Nagkibit-balikat si Mindy. “Well, I can adjust my sched and maluwag naman ang day ko ngayon.” Tipid na ngumiti ito sa kanila.  Karrie smiled, too. “I’ll be fine din. I’ll call na lang din.” Nakagat na lang ni Meila ang kanyang labi pero pinanatili pa rin ang pokus sa harapan. “You’re really gonna do this for me?” mangiyak-ngiyak niya pang sabi.  “Chill out, Meil. Of course. Now, stop crying,” sermon pa ni Rehane sa kabila.  Mas napalabi tuloy siya. Saglit niyang nilingon ang cell phone ni Karrie. “Fine. See you there na lang?” “Yep! Bye! Be safe, ha!” Si Mindy.  “Bye!” Si Karrie na ang sumagot. Pinatay na rin nito ang tawag pagkatapos noon. Bumuntong-hininga si Meila at saka tiningnan si Karrie. Tipid na nginitian niya ang kaibigan.  “Thanks, Karr,” sabi niya.  Tumingin naman ito sa kanya at agad siyang tinaasan ng kilay.  “Of course, what friends are for, ‘di ba,” sabi pa nito.  Nakagat na lang ni Meila ang labi at saka tumango na rin. Ibinalik na niya ang tingin sa harap.  Sobrang traffic pa rin kaya kahit na malapit lang naman iyong mall na pupuntahan nila ay halos ilang minuto rin silang na-stuck sa daan. Nagkita na lang sila sa pinakamalapit na entrance ng mall mula sa parking lot kasi hassle na kung maghahanapan pa sila. Nauna sina Mindy at Rehane sa loob kaya pagka-park na pagka-park niya ng kanyang sasakyan ay agad na rin silang lumabas ni Karrie. Nakayuko siya at hawak-hawak niya ang kanyang cap habang papasok sila ng mall. Pagkarating sa entrance na pinag-usapan ay agad silang kumaway sa dalawa at lumapit. “Let’s go. So, saan mo gusto ngayon?” agad na tanong pa ni Rehane sabay angkla sa kanyang kanang braso. Umangkla rin sa kabila si Karrie at si Mindy ay umangkla kay Karrie.  Sabay-sabay silang naglakad papasok. Tila nawala sa isip ni Meila ang sitwasyon  niya at na-distract na siya sa usapan nila noong nasa Gucci store na sila kaya hindi na niya nasuot ang kanyang sunglasses. They were so busy talking with their shopping bags clinging to their arms that they didn’t notice the vast crowd that was approaching.  “s**t,” ani Rehane na siyang unang nakapansin sa mga batang kumukuha na ng picture sa kanila. Dahil sa paghinto ni Rehane ay napahinto na rin si Meila kasama ang dalawa nilang kaibigan.  “What, Re?” tanong niya pa sa kaibigan. Tiningnan siya ni Rehane. Her friend looked at her apologetically.  “What is it-” “Oh my gosh! Si Meila!” “Meila!” “Shocks idol!” “Hello po!” “Papa-picture po kami!” “Oh my gosh!” Halos hindi na nakagalaw si Meila sa kanyang kinatatayuan nang palibutan na siya ng napakaraming fans. Ni hindi na niya alam ang gagawin nang iba’t ibang flash ng camera ang nakita niya. “s**t. s**t! We need to get out of here, Meil!” She heard Rehane said, and the next thing she remembered, sinusuong na nila ang dagat ng mga tao para lang makaalis doon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.6K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.6K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook