Mula sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng mukha si Arth nang makita ang pagpasok ng ama sa loob ng kaniyang opisina. Agad niyang napansin ang nakaguhit na ekspresyon sa mukha nito. Mukhang masama na naman ang timplada. Ano nga ba naman ang bago? Sanay na si Arth sa ganoong sistema. Sanay na siya sa ganoong pakikitungo sa kaniya ng kanyang ama. Walang araw o pagkakataon na humarap ito sa kaniya na nakangiti at maaliwalas ang mukha maliban na lamang kung tungkol sa kompanya o pera ang pag-uusapan. "G-Good morning, Si'ir!" Nauutal na bati ng sekretarya ni Arth kay James ngunit dinaanan lamang siya nito. Halata pa rin sa kaniyang mukha ang matinding takot hanggang sa makabalik na siya sa sariling pwesto saka ipinagpatuloy ang naudlot na paperworks. Hindi pa rin maalis ang matinding tako

