bc

Beyond Lies (Filipino R-18)

book_age18+
11.4K
FOLLOW
77.4K
READ
possessive
contract marriage
drama
tragedy
female lead
male lead
city
seductive
like
intro-logo
Blurb

"Please, Yonna. Don't say no! It will kill me if you do," pagmamakaawa ni Arth sa labis na pagnanasang nararamdaman.

Ang mga kataga nito'y parang himig ng musika. Kay sarap pakinggan at isang paraan ng panunukso. Sino mang babae ay mawawalan ng lakas at labis na makakaramdam ng panghihina. Walang magagawa ang katawan upang labanan ang ganoong klase ng panunukso.

Napapakit ng mariin si Yvionna.

Paano niya malalabanan ang tuksong tumatawag sa kanyang katawan?

Kailanma'y hindi pa siya nahagkan ng katulad ng ginagawang paghalik sa kanya ni Arth. Ang maiinit at mapupusok nitong mga halik na nagagawa siyang dalhin sa ibang panig ng daigdig.

Sa mga sandaling iyon ay hindi na matiyak ni Yvionna kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Naroon ang labis na kaba't  excitement na ngayon niya lamang naramdaman.

Tama ba ito?

Tama ba ang lahat ng mga nararamdaman niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Araw ng Lunes. Ika-apat na araw ng Disyembre, taong 2020. Maagang gumising si Yvionna suot ang masayang ngiti sa kanyang mga labi. Agad na siyang bumangon saka isinuot ang kanyang tsinelas. Humakbang siya patungo sa may bintana at marahan itong binuksan. Nakangiti siya habang dinadama ang bawat pagdampi ng malamig na simoy ng hangin. Kasabay nito ang unti-unting pagsilip ng araw sa asul at maaliwalas na kalangitan. Isang napakagandang umaga para sa isang espesyal na araw. Nagmamadaling bumaba si Yvionna sa hagdan saka agad na tinungo ang kusina. Nadatnan niya ang kanyang ina na abala sa paghahanda ng agahan habang ang ama naman ay nagbabasa ng diyaryo. Lumapit siya sa tabi ng kanyang ina at mahigpit itong niyapos. Ito ang pinakamahalagang araw sa buhay ng kanyang ina dahil ngayong araw ang ika-singkwenta taong kaarawan nito. Kaya naman plinano nila ng kanyang ama na bigyan ito ng isang surprise birthday party. Hindi mo mapaghahalata na nasa singkwenta anyos na ang ina ni Yvionna. Bata pa itong tingnan. Malinis at maalaga sa sarili kaya naman kapag magkasama silang dalawa ay lagi silang napagkakamalang magkapatid. Bagay na tinatawanan lamang nilang mag-ina. "Happy Birthday Mama! I love you po!" masayang bati ni Yvionna sabay halik sa pisngi ni Stella. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Stella. "Salamat nak. Maupo ka na't saluhan mo na kami ng Papa mo." ani Stella at hinainan na si Yvionna ng sinangag at pritong itlog sa pinggan. Naupo na si Yvionna sa tabi ni Stella, at nagsimula na sa pagsubo. "Baka gabihin na ako mamaya sa pag-uwi. Ikaw na muna anak ang bahala sa paghahanda ng hapunan mamayang gabi." "Opo Mama! Ako na po ang bahala!" agad na tugon ni Yvionna habang panay ang subo. "Ay sus! Baka mamaya niyan sunog na naman ang sinaing mo." pagbibiro ni Fernando. "Si Papa talaga, kainis!" nguso ni Yvionna. Malakas na napahalakhak ang mag-asawa sa reaksyon ng mukha ni Yvionna. Kahit dalaga na si Yvionna ay parang batang paslit pa rin kung ituring nila Stella at Fernando. Nag-iisang anak na babae lamang nila si Yvionna, kaya ganoon na lamang nila ito kamahal. Ngunit, sa kanilang dalawa ay mas malapit itong si Yvionna kay Fernando. Lihim na napangiti si Fernando habang pinagmamasdan ang mukha ni Yvionna. Parang kelan lang. Ang dating maliit at makulit na bata, ngayo'y ganap ng dalaga. Naaalala pa niya noong maliit pa ito. Maiwan at makalimutan niya na lamang ang lahat huwag lang ang bitbit niyang pasalubong kay Yvionna. Maliit man o malaki ang anumang bagay ay marunong magpasalamat at magpahalaga si Yvionna. Bagay na hanggang ngayon ay walang pinagbago. Mahal na mahal nilang mag-asawa si Yvionna, at walang anumang bagay sa mundo ang siyang makapagbabago doon. *** Matapos makaalis ni Stella patungong trabaho ay saka isinagawa nina Yvionna at Fernando ang kanilang plano. Sa isang pabrika ng pagawaan ng mga de lata nagtatrabaho si Stella. Halos mag-lilimang taon na rin itong nagtatrabaho dito kaya naman kahit papaano ay nakapagpundar na din sila ng sariling bahay. Bagay na matagal ng pinangarap ni Stella na nabigyan na ng katuparan. Samantala naman, ang asawa nitong si Fernando ay nagtatrabaho bilang isang mason sa isang construction site sa bayan. Magkatuwang silang mag-asawa sa paghahanap-buhay upang matugunan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahirap ang buhay kaya naman mas mas lalo pa silang nagsisipag upang mabigyan ng magandang edukasyon si Yvionna. Sa ganitong paraan man lamang ay mabigyan nila ng magandang kinabukasan si Yvionna sa kabila ng kanilang kahirapan. Mag-aalas otso y medya na ng umaga ng marating nila Yvionna at ng kanyang ama ang bayan. Kakaunti pa lamang ang mga taong namimili sa mga sandaling iyon kaya naman maaga silang natapos sa pamamalengke. Matapos ay agad silang dumiretso sa Burac Street para bumili ng cake. Hindi lamang kilala ang Pink Plater sa masasarap at dekalidad na itinitindang cake, kundi mura lamang ang mga ito at talagang nakakatipid ng husto ang mga costumers. Patok ang lahat ng cakes na ginagawa rito sa lahat ng okasyon. Kaya naman, kahit medyo may kalayuan ito sa bayan ay talaga namang dinarayo. Dalawang kilometro ang distansya ng bakeshop na ito mula sa pinagtatrabahuhang construction site ni Fernando. "Alin kaya dito nak ang mas gusto ng Mama mo?" tanong ni Fernando habang tinitingnang maigi ang mga cakes na naka display. Sa mga disenyo pa lamang ng nga cake na naka-display ay talagang matatakam ka na. "Hmmmmm... Mukha naman pong masasarap ang lahat ng 'yan Papa. Pero, mas gusto ni Mama yaang chocolate cake." tugon ni Yvionna habang tinuturo sa ama ang chocolate cake na nasa tabi ng braso de mercedez. "Okay, sige anak dalawa ang kukunin natin." Matapos makabili ng cake ay nag-abang na sila ng masasakyan sa tapat ng bakeshop. Halos magkakalahating oras na silang nag-aabang ngunit wala ni isang sasakyan ang dumadaan. Napabuntong hininga na lamang si Yvionna ng mapasulyap sa ama. "Mukhang matatagalan pa tayo rito, Papa." aniya habang bitbit ang dalawang kahon ng chocolate cake. Muling tiningnan ni Fernardo ang suot na relo. Mag-aalas dos na pala ng hapon. Kailangan na nilang magmadali ni Yvionna, dahil kung hindi ay tiyak na mauunahan pa sila ng kanyang asawa na maka-uwi ng bahay. At kapag nangyari iyon, ay tiyak na mabubulilyaso ang plinano nilang sorpresa dito. "Sa kabilang kanto na lamang tayo mag-abang ng masasakyan anak." anito at binitbit na ang mga pinamili habang palinga-palinga. Magbabaka-sakaling may maligaw na taxi sa kabilang kanto. Sumunod na lamang si Yvionna at tahimik lamang na pinagmamasdan ang ama. Lihim siyang napangiti. Napakaswerte nilang dalawa ng kanyang ina dahil hindi lamang ito mabait at responsableng ama. Kundi hindi matatawaran ang pagmamahal nito sa kanilang pamilya. Hindi man nito maibigay ang karangyaan at luho sa kanilang buhay, ay hindi nito kailanma'y pinabayaan ang lahat ng kanilang pangangailangan. Para kay Yvionna ay The Best Tatay ang kanyang ama sa buong daigdig at walang sinuman ang makakahigit pa dito. Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Sobra-sobrang biyaya na ang pagkakaroon ng mabubuti't mapagmahal na mga magulang. Isang masaya't kompletong pamilya ay higit pa sa anumang kayamanan na maibibigay sa kanya ng daigdig. Bagay na lagi niyang ipinagpapasalamat sa araw-araw. Halos ilang metro na ang distansya ni Fernardo kay Yvionna. Naiwan sa kabilang dako ng kalsada si Yvionna nang makita niya ang nagraragasang pulang kotse. Paekis-ekis ito na tila nawawalan ng preno at tinutumbok ang direksyon ng kanyang ama. "Papa!" malakas na tili ni Yvionna. Napatigil si Fernando sa gitna ng kalsada ng marinig ang malakas na pagtili ni Yvionna. Napalingon siya at nakita ang nagraragasang kotse na patungo sa kanyang direksyon. Hindi niya matiyak kung saang direksyon patungo ang humahagibis na sasakyan. Mabilis ang naging pangyayari. Kasabay ng malakas na pag sigaw ni Yvionna ang pagkabunggo ng kanyang ama. Malakas na tumilapon si Fernando ilang hakbang mula sa kinatatayuan ni Yvionna. Nagkalat ang mga pinamili nila sa gitna kalsada. "Papa!" sindak na tili ni Yvionna na halos nanlalaki ang mga mata sa labis na pagkabigla. Nabitiwan niya ang bitbit na dalawang kahon ng cake. "Papa!" Labis na panlulumo ang kanyang naramdaman nang makitang naliligo sa sariling dugo ang kanyang ama. Naramdaman niya ang biglang pangangatog ng kanyang mga tuhod. Malakas siyang napahagulhol nang lapitan ang nakahandusay nitong katawan. Halos matumba siya sa labis na panghihina nang makita ang mapait na sinapit ng ama. Hindi niya sukat akalain na mauuwi sa isang trahedya ang espesyal na araw ng kanyang ina. "Papa! Tulong! Tulong! Tulungan ninyo ang Papa ko!" humahagulhol na sigaw ni Yvionna na halos hindi na maigalaw ang mga binti dahil sa nararamdamang panghihina. Napansin ni Yvionna ang pulang kotse na tumigil ilang hakbang mula sa kinaroroonan nilang mag-ama. Maya-maya pa ay dahan-dahang nagbukas ang pinto nito, at lumabas ang isang lalaki na sa pagkakatantsya niya ay halos kasing edad lamang ng kanyang ama. Sinuyod niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng isang itim na tuxedo. Mariin lamang itong nakatingin sa kanila mula sa kinatatayuan. Matapos ay tumalikod na at akma sanang bubuksan ang pinto ng sasakyan. "Tulungan po ninyo ang Papa ko!" malakas na sigaw ni Yvionna habang patuloy lamang na humahagulhol. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan ng lalaki. Wala na siyang pakialam kahit magkanda dapa-dapa man siya sa katatakbo, maabutan niya lamang ito. Napalingon ito sa kanya. Nagkatinginan lamang sila ng ilang sandali pagkatapos ay nagmamadali na itong bumalik sa loob ng kotse at agad na isinara ang pinto ng sasakyan. Mangiyak-ngiyak na lamang si Yvionna dahil sa mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan at basta-basta na lamang na iniwan ang kanyang ama. "Bumalik kayo! Bumalik kayo! Bumalik kayo! Wag niyong iwan ang Papa ko!" Patuloy lamang si Yvionna sa pagtakbo kasabay ang paglinga-linga sa paligid para humingi ng tulong. Humagulhol siya ng malakas. Masasaganang luha ang patuloy na lumalabas mula sa kanyang mga mata. Halos mamaos at gumaralgal na ang kanyang boses sa lakas ng kanyang sigaw ngunit ni walang sinuman ang lumapit sa kanyang ama para magbigay ng tulong. Mabilis na tinakbo ni Yvionna ang kinalugmukan ng kanyang ama. Maraming dugo ang umaagos sa katawan nito at halos hindi na ito makagalaw. Labis na takot ang namamayani sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Hindi niya na alam kung ano ang kanyang gagawin. Nanginginig at nanghihina ang kanyang buong katawan na tila handa ng bumigay sa anumang oras. "P-Papa!" Mahigpit niyang niyakap ang kanyang ama saka ibinaon ang mukha sa dibdib nito. "Tulong! Tulong! Tulong!" paos na humahagulhol niyang usal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.3K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook