KABANATA 9 (KAKAIBANG INIT SA DIBDIB)

2108 Words

"A-Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Yvionna kay Arth habang patuloy pa rin na naghahabol ng hininga. Matapos ay dahan-dahan nang itinuwid ang tayo saka pumukol ng tingin kay Arth. Abot tenga pa rin ang ngiti nito na halos kita niya ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. "Bakit hindi ka sa akin tumawag o nag-text man lamang bago pumarito?" Abot-abot pa rin ang matinding kaba sa dibdib ni Yvionna na kulang na lamang ay atikihin siya sa puso. Pinaka-ayaw niya pa naman sa lahat ay 'yong ginugulat siya. Mabuti sana kung magandang balita ang dala-dala. Paano kung hindi pala at iyon pa ang maging mitsa ng maaga niyang pamamaalam sa mundong ibabaw. "Humm... Hindi ka ba masaya na makita ako?" tudyo ni Arth kasabay ang pagsungaw ng mapanuyang ngiti na ikinakunot naman ng noo ni Y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD