CHAPTER 49 Nagplano kaming matulog sa condo niya. Kaya nung pauwi na ay dinaanan na lang namin si Lolo at kumuha na rin kami ng mga gamit para sa aming dalawa ni Sam- Sam. "Lo, kakain po ba kayo ng apple? May mga prutas po sa ref," Tuwang- tuwa na si Lolo habang nanonood ito ng tv sa sala. Simula nung dumating kami at binuksan ni Isidro ang tv ay hindi na siya muling tumayo sa kinauupuan niya. Nagluluto pa kasi si Isidro ng ulam namin para sa hapunan. Si Sam- Sam ay nakatulog sa byahe namin papunta rito sa condo niya at tulog pa rin ang bata hanggang sa ngayon. “Sige, apo. Maraming salamat,” Nagkaroon naman kami ng tv nung bata pa ako. Pero nasira na iyon at hindi na ulit kami nakabili ng bago. Imagine kung ilang taon na kaming walang tv. Madalas pumupunta si Lolo sa bahay ng k

