CHAPTER 1
CHAPTER 1
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Ilaw? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Saddie. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi niya ay nakuha pa nitong lumingon sa akin.
“Wala ng atrasan ‘to, Saddie. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?”
Nasa loob pa kaming dalawa ng van kasama ang ibang mga babae. Ako lang ang baguhan dito. Lahat sila ay sanay na sanay na sa ganitong buhay. Ito ang unang gabi kong sasama sa kanila. Matagal na akong inaalok ni Saddie na magtrabaho rito dahil malaki raw ang kinikita nila. Pero tumatanggi lang ako palagi kasi hindi ko kaya na makipagtalik sa ibang lalaki para lang sa pera. At hindi ko akalain na ngayong araw ay kinain ko lang din ang mga sinabi ko. Sumama pa rin ako sa kanila dahil nangangailangan ako ng pera pambayad sa pagpapa- ospital kay Lola. Limang araw ng nasa ospital si Lola. Lahat ng ipon namin ay naubos lahat sa mga gamot na binili para sa kanya. Hindi malaki ang sinasahod ko bilang isang katulong. Sakto lang ang kinikita ko para sa pang araw- araw naming tatlo. Na stroke ang Lola ko at hirap na itong makapagsalita ng maayos at hindi na rin makalakad.
“Isang gabi lang, ‘teh. Lunukin mo na lang ang dignidad mo kapag ito ang trabaho mo. Malaki naman ang kikitain natin ngayong gabi dahil mamahaling bar naman ‘tong pupuntahan natin. Paniguradong malaki ang laman ng mga bulsa nila,”
“Malaki ang ibibigay nila sa ‘yo lalo na kapag nalaman nilang bago ka. Pag- aagawan ka pa nung mga matatanda,”
Naririnig ko pa lang ang sinasabi nila ay para na akong masusuka. Nag- aalala akong tiningnan ni Saddie pero pilit akong ngumiti sa kanya.
Pumasok kami sa loob. Sumakit ang aking mga mata sa paiba- ibang kulay ng ilaw. May mga lasing na nagsasayawan sa dance floor. Ito ang unang beses na pumunta ako sa ganitong klaseng lugar.
Kanya- kanya ng umalis ang mga kasamahan ko at naiwan akong mag- isa sa isang sulok. Parang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Namataan ko na kumakausap na sila ng mga lalaki, halos lahat sila ay matatanda ang mga sinasamahan.
“Ilaw, ito si Mr. Sue gusto ka niyang sumama sa table nila,”
Lumapit na sa akin ang manager namin na may kasamang isang matandang lalaki. Suot pa nito ang isang shades kahit sobrang dilim naman na sa loob. Matanda, malaki ang tiyan, kulubot na ang balat, at kulay pula pa ang suot niyang polo.
“She’s new and very ano… very fresh,”
Hinila na ako ng manager namin at dinala sa tabi nung matanda na agad namang umakbay sa akin.
Dinala niya ako sa taas kung saan mayroong naglalaro ng casino. Hindi ako naging kumportable nang akbayan niya ako. Ngunit tinatak ko sa aking isip na gagawin ko ‘to para sa Lola ko.
“My lucky charm,” anunsyo niya nang huminto kami sa isang mesa. Sa dulo ng mahabang mesa ay nakita ko ang isang lalaki.
Hinihimas nito ang kanyang babae habang nakatitig sa amin. Mayroong nakapaskil na ngisi sa mga labi nito. Suot niya lang ang isang sleeveless at may kwintas ito na kadena. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang hikaw nito sa labi, sa magkabilang tainga, at sa kilay niya. Puno rin ng tattoo ang kaliwang braso nito. Malaki ang paniniwala ko na malaki ang agwat ng edad naming dalawa. Sa tingin ko nasa 40’s lang siya. Pero mas matanda naman itong katabi ko ngayon. Mukhang sinadya ring magulo ang buhok niya.
“Let’s start,” sabi niya at umayos ng upo.
“If I win, I’m not gonna ask for your money. Instead, that girl beside you will be mine tonight,”
Napalunok ako nang ituro niya ako. “Deal,”
Wala akong ideya kung paano ‘yon laruin. Nagbabase lang ako sa mga reaksiyon nilang dalawa. ‘Yong kaharap namin ay malapad na ang ngiti. Ngunit itong si Mr. Sue ay kanina ko pa naririnig na nagmumura. Dumidiin din ang hawak nito sa aking hita. Kanina pa ako nakakaramdam ng pandidiri sa tuwing nararamdaman ko ang kagaspangan ng palad niya. Tahimik din akong nananalangin na sana manalo iyong isang lalaki kesa rito kay Mr. Sue.
Tumayo na ang lalaki at pumalakpak. Napahilamos naman sa kanyang palad si Mr. Sue at nanlulumo itong tumingin sa akin. “I’ll get you next time, okay? Lapitan mo agad ako kung bumalik ka rito. Sayang ka, ang bata mo pa sana,”
“That’s enough. She’s already mine,”
Mabilis akong tumayo. Nang tumayo ako ay pinisil pa nung matanda ang aking pw3t kaya mangiyak- ngiyak na ako. May inilagay siya sa aking kamay. “It will become double if I can bed you next time,”
Apat na libo ang nilagay niya sa kamay ko. Kaya kong kitain ang ganito kalaking pera sa isang gabi lang. Pero mas pipiliin ko pa ring magpunas ng kubeta kesa ganito ang trabaho ko.
Nanginginig ang aking tuhod habang naglalakad papunta doon sa lalaki.
“Follow me,” aniya at naunang maglakad sa akin. Ni hindi niya ako hinawakan katulad nung matanda.
Pumasok kami sa isang VIP room at umupo siya sa isang pulang sofa na mahaba nakaparte pa ang mga hita nito.
Nakatayo lang ako at hindi alam kung ano ang sunod na gagawin.
Nangangapa pa ako sa trabaho ko.
“Sit down,”
Umupo ako sa pinakadulo, malayong- malayo sa kanya.
“Closer,”
Humalakhak ito nang maliit na espasyo lang ang naging galaw ko.
“What the… wala naman akong nakakahawang sakit! Ako na nga lang ang lalapit,”
Sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya.
Hinapit niya pa ang aking bewang. “Sit on my lap,”
Naiilang man, tumayo ako upang umupo sa kanyang kandungan. “That’s better,”
Amoy na amoy ko na ang panlalaking pabango nito na hindi naman gaanong masakit sa ilong.
Nilagyan niya ng alak ang isang baso na nasa mesa. Nasa kalahati na ang laman nung isang boteng alak.
Nakatingin lang ako sa kanyang mukha nang sumimsim ito ng alak sa baso na hawak. Niyugyog niya iyon ng mahina upang gumalaw ang ice sa loob bago tumingin sa akin. Natingnan ko ng mabuti ang mga tattoo nito sa braso. Mayroon din akong nakita tattoo malapit sa leeg nito. Kahit ang mga daliri nito sa kamay ay may tattoo rin.
“How much is your night?”
Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako sumagot, nakatitig lang ako sa mga mata nito.
Napunta ang isang kamay nito sa aking hita at dahan- dahan niya iyong hinaplos. “Let’s book a hotel,”
Nang lumabas kaming dalawa, nakapulupot na ang kamay nito sa aking bewang. Nang makita ko si Saddie ay napathumbs up ito sa akin. Kinakabahan na ako. Ang lakas na ng t***k ng aking puso at ilang beses na ring akong natalisod dahil hindi ako sanay magsuot ng heels at dahil na rin nanginginig ang aking mga tuhod.
Pinasok niya ako sa mamahaling sasakyan niya. Pagpasok pa lang namin ay inatake na niya ako ng marahas na halik.
Humalaklak ito nang hindi ako gumalaw. Wala akong experience kung paano humalik. Wala pa naman akong naging boyfriend sa buong buhay ko.
Tumatawa na ito at amuse na amuse ng nakatingin sa akin. “You don’t know how to kiss? Damn…”
Pinaandar na nito ang kanyang sasakyan. “First kiss ko po kasi ‘yon…” mahinang sabi ko. Ni hindi makatingin sa mga mata niya.
“Naiisip ko pa lang na ako ang makakauna sa ‘yo tinitigasan na ako,”
Mabilis ang mga naging galaw nito nang pumasok na kami sa room. “When I saw you a while ago together with that old man you know that I said to myself that I will not let this night slip without kissing you? Open your mouth wider, baby. I will make sure that this would be the most unforgettable night of your life,”
A F T E R T W O Y E A R S
Talaga naman na iyon ang gabing pinakahindi ko nakalimutan kahit dalawang taon na ang dumaan. Nung umaga iyon, nauna akong magising sa kanya at kumuha na lang ako ng pera sa pitaka niya. Nasa mahigit twenty- five thousand ang nakuha kong pera sa kanya. Umalis ako ng walang paalam at hindi ko na ulit ito nakita.
“Ma! Am! Am!” sigaw ng anak ko sabay pakita sa laruan nitong mga prutas.
“Hindi ‘yan nakakain, anak,”
Ito ang naging bunga nung gabing ‘yon. Nagkaroon kami ng anak na babae. Nagkaroon kami ng anak nung lalaking hindi ko kakilala.
Nandito na ako sa harap ng isang mataas na building. Ito ang unang araw ko sa trabaho kung saan isa akong janitress.
“Sa top floor ang lilinisan mo. Nandoon ang office ni Mr. Guevarra kaya pagbutihan mo. Kasama rin ‘yan sa mga lilinisan mo,” wika ng kasamahan ko.
Sumakay ako ng elevator papunta doon sa taas. Sa labas pa lang ay nakita ko na ang pangalan ng CEO
“Isidro Guevarra?” malakas na pagbabasa ko at saglit na nag- isip dahil pamilyar ang pangalan niya. Ito ang nakasulat na pangalan na isa sa mga Ninong ko sa binyag! Simula nung bata ako ay hindi siya nagpakita sa akin.
Napaigtad ako nang bumukas ang pintuan at niluwa nun ang isang lalaki.
“Get inside. Mr. Guevarra spilled his coffee clean the mess immediately,”
Natataranta akong sumunod sa kanya sa loob. Nang pumasok ako ay nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki. Tinuro ng lalaki ang lilinisan ko kung saan nandoon ang nabasag na baso. Naglakad ako papunta doon sa mesa.
Malapit na malapit na ako nang humarap ang isang lalaki. Pero napako ako sa aking kinatatayuan at hindi na nakagawa ng isa pang hakbang nang tuluyan kong makita ang mukha nito.
Nabitawan ko ang mop na aking hawak. Tumunog iyon nang tumama sa tiles.
Kahit dalawang taon na ang lumipas, natatandaan ko pa rin ang mukha niya. Siya ang Ninong ko? Ang ama ng aking dalawang taong gulang na anak?
“Oh, long time no see,”