CHAPTER 2

1724 Words
CHAPTER 2 Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang lalaking nakauna sa akin. Wala akong sinabihan kung sino ang ama ng anak ko. Kahit nung tinanong ako ni Lolo. Dahil wala naman akong pangalan na maisagot sa kanya. Ngayong lang ulit nagkrus ang landas naming dalawa sa loob ng dalawang taon. Siya ang pinakahuli ko. Hindi na ulit ako sumama sa kanila ni Saddie dahil nailabas ko naman si Lola sa ospital. Apat na buwan bago ko nalaman na buntis ako. Naging mahirap ‘yon para sa akin lalo na at ako lang ang mag- isang may trabaho. Si Lola ay bedridden na. Si Lolo ang nagbabantay sa kanya. Kaya nung mabuntis ako ay kahit kabuwanan ko na ay pinapatay ko pa rin sa trabaho ang sarili ko para may maigastos ako sa panganganak ko. Nabaon kami sa utang at hanggang ngayon ay binabayaran ko pa rin ‘yon. “Clean the mess, why are you standing there?” napaigtad ako nang magsalita ang isang lalaki. Marahil ay hindi niya rin ako nakilala bilang inaanak niya dahil never pa naman kaming nagkita. Kinuha ko agad ang mop. Yumuko ako upang kunin ang mga bubog sa sahig. May suot naman akong gloves kaya hindi masusugatan ang kamay ko. Kung wala akong gloves baka nabalot na ng sugat ang kamay ko dahil nanginginig ito sa sobrang kaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Nakita ko ulit ang lalaking nakauna sa akin! “Zandro, get me another cup of coffee,” utos niya na agad namang sinunod. Double ang naging kaba ko nang maiwan kaming dalawa. “It’s been what? Two years since the last time we saw each other?” Pagnanakaw ba ang ginawa ko? Na kahit tulog siya ay kumuha lang ako ng pera sa pitaka niya. Natapon pa nga ang iba nun sa sahig dahil sa aking pagmamadaling umalis. Takot na takot akong baka magising siya. Tumakbo ako palabas kahit masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko. “Ang tahimik mo pero pagdating sa kama…” Namula ang aking mukha nang humalakhak siya. Naging alerto ako nang tumayo ito. Lumingon ako sa pintuan at gusto ko na lang na tumakbo palabas. Si Saddie ang nagbigay sa akin ng trabahong ito. Hindi ko inaasahan na magkikita kaming dalawa rito. “What’s your name? I am not able to ask for your name. Masyado akong nadala sa init ng katawan kaya nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo. When I woke up I am already alone,” Plano kong ‘wag sabihin ang pangalan ko. Pero rito ako nagtatrabaho sa kanya at malalaman niya rin naman kahit hindi ko sabihin. “Ilaw po,” “Ilaw… Ilaw… Are you willing to spend another night with me?” Nung una at huling beses nating dalawa nagtanim ka ng bata sa tiyan ko. Na trauma na ako. Baka magtanim ulit. Paano ko na bubuhayin ang dalawang bata? Bumukas ang pintuan at dumating na si Zandro bitbit ang kape niya. Mabilis kong tinapos ang paglilinis ko para makaalis na sa loob ng office niya. Kailangan kong magmop malapit sa kanya dahil may mga kape na kumalat malapit sa paa niya. Naririnig ko ang pagsipol nito bago magsalita na sapat lang na kaming dalawa ang makarinig. “What’s your answer?” Umiling ako at pinagpatuloy ang pagmamop sa sahig. Ayaw ko na. Isang beses ko lang gagawin ‘yon at hindi ko na uulitin pa. “Bakit ba ayaw mong magsalita? Nagtitipid ka ba sa laway? Dalawang salita pa lang ang sinasabi mo,” napalakas ang boses niya kaya napalingon na ‘yong Zandro. “Is there any problem, Sir?” “Wala, Zandro. Kinakausap ko lang itong bagong janitress natin na…” biglang humina ang boses niya. “Na maganda,” Nang tumayo ako ay nasagi ko ang pen holder niya kaya kumalat iyon sa sahig. “Sorry po! Sorry po!” Mabilis kong pinagdadampot ang ballpen niya at nilagay ito pabalik sa penholder niya. “Kumalma ka nga. Apat na salita nga ang sinabi mo pero paulit- ulit naman. Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon, mabilis ka pa ring mataranta. Kinakabahan ka ba na nakita mo ako? ‘Wag kang kabahan, ito naman parang…” biglang humina ang boses niya. “Parang wala tayong pinagsamahan sa kama,” Uminit ang tainga ko hanggang sa aking mukha. Aalis na ako. Wala pa akong isang oras dito pero ang dami ng nangyayari sa loob ng office niya. “Sir, the board members are complete inside the conference room and they are already waiting for you,” Dinampot ko na ang mop at ang balde na hawak ko para umalis na. “Excuse me po,” mahinang sabi ko. “Kilala mo ba ‘yon, Sir? Bakit parang close kayong dalawa?” Iyan ang huli kong narinig bago ako lumabas ng office niya. Hindi na ako nakarinig ng sagot dahil lumabas na ako. Bumalik ako sa locker room namin upang uminom ng tubig. Napasandal ako sa dingding at saglit na napatitig sa kawalan. Dalawang taon na ang anak ko. May pagkakataon na nalulungkot ako sa tuwing iniisip kong kawawa ang anak ko dahil tatanda siyang walang kinikilalang ama. Kasi imposible naman ng magkrus ang landas naming dalawa ng ama niya dahil pakiramdam ko nasa magkabilang mundo na kaming dalawa dahil sa laki ng agwat ng estado namin sa buhay. Ngunit pagtatagpuin pala kaming dalawa ng tadhana. Matatanggap niya kaya ang anak ko? Natatakot ako na baka kapag sinabi ko ay kunin niya na lang ang anak ko sa akin. Aaminin ko, marangyang buhay ang sasapitin ng anak ko kapag nasa piling siya ng ama niya. Hindi niya mararanasan ang kumain na asin at tubig lang ang ulam. Ngunit nais kong maging makasarili. Nilinis ko ang buong floor na iyon. Bukod sa pagiging janitress ko rito na tatlong araw lang sa isang linggo, ang natitirang araw naman ay namamasukan ako bilang cashier sa isang barber shop. Ang haba na ng listahan ng mga utang ko sa tindahan. Oras ng lunch at ang ibang mga kasamahan ko ay lumabas para kumain. Pero nagpaiwan ako dahil may baon naman akong kanin at itlog para sa ulam. Ang pera na dala ko ay sakto lang para sa aking pamasahe papunta at pauwi. Sa ibang floor naman ang nilinis ko nung hapon na. Dalawampung minuto na lang ay matatapos na ang shift ko ngayong araw. Hindi na ulit kami nagkita ni Sir Isidro. Pero iyon ang akala ko. Dahil personal akong pinuntahan nung Zandro na secretary niya at na may ipapalinis daw ito sa akin. Akala ko magtatapos na ang araw na ‘to na hindi ko na siya makikita ulit. Dala ang aking kaba ay pumasok ako sa loob dala- dala ang aking mga panlinis. “Saan po banda ang ipapalinis n’yo, Sir?” Tapos ko na itong linisan kanina. “Ang buong pagkatao ko pakilinis masyado na kasi akong madumi,” Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Anyways, ‘yan ang ipapalinis ko,” Tinuro niya ang sofa na may nakakalat na mga papeles. Ang iba ay nasa sahig pa. Lumipat na ako doon upang isa- isahing damputin iyon. “May sagot ka na ba doon sa tanong ko?” Narinig kong napaubo sa aking likuran si Zandro. Sunod- sunod ito at hinampas- hampas niya pa ang kanyang dibdib. “Labas ka nga muna, Zandro! Baka mahawa pa kami sa ubo mo! Mukhang malala na ‘yan ipacheck- up mo na kaya? Lumabas ka muna!” Umiiling na lumabas si Zandro pero may ngiti sa mga labi nito. “Ilaw, may sagot ka na ba sa tanong ko?” ulit nito. Tumayo pa siya at nilapitan ako. “Ano po ang tanong n’yo, Sir?” Napahilamos ito sa sariling palad at ginulo pa ang buhok niya. “’Yong tanong ko na are you willing to spend another night with me? May sagot kana ba doon?” “Hindi po ako pwede, Sir. Matagal na po akong umalis sa trabahong ‘yon,” Akala ko kapag nagkita ulit kami, susumbatan niya ako dahil walang paalam kong kinuha ang pera sa loob ng pitaka niya at hindi na muling nagpakita. Pero hindi niya iyon ginawa at tinanong pa ako kung pwede ako ng isang gabi. Nangangapa ako nung gabing ‘yon. Kahit sa paghalik ay tinuruan niya pa ako. “Really? That’s good… buti na lang umalis ka,” Tipid na tango lang ang sinagot ko. “What are your other jobs? Bukod dito?” Bakit nakikiusisa siya sa buhay ko? Chismoso rin pala ‘tong CEO. “Cashier po ako,” “Marami kaming bakante rito. You can try,” “Senior High School lang po ang tinapos ko sa pag- aaral at hindi na nakatungtong ng college. Kaya limitado lang po ang pwede kong applyan,” Mataas ang standards ng kumpanya niya. Hirap na nga akong makapagtapos ng senior high school paano pa kaya kung nasa college na? Maswerte ako nun kasi kinupkop ako nung teacher namin para tapusin ko ang dalawang taon sa senior high. Pero pagkatapos nun ay wala na rin. Tumango ito. Umupo siya sa ibabaw ng mesa niya at pinagkrus ang kamay sa dibdib. Nagpatuloy ako sa pag- aayos ng mga papeles. Bakit nagkalat ‘to rito sa sofa? May mga punit din akong nakita. Ang iba ay wala pang mga sulat. I S I D R O ‘S P O V “Zandro, magkalat ka!” I commanded my secretary. Earlier, even while I was still in the conference room, I already couldn’t sit still, my hands kept fidgeting, and I found myself shifting in my chair every few moments, unable to focus on a single thing around me. Lagi siyang pumapasok sa aking isipan. It was two fvcking years. “Bakit ako magkakalat, Sir?” Zandro asked me, his brow furrowed with confusion. Zandro is my secretary for five years. Para na kaming magtropa nito. “Basta! Magkalat ka lang kunin mo 'yong mga bond paper d'yan ilagay mo rito sa sofa. Ikalat mo para may lilinisin siya. Tapos tawagin mo 'yong janitress na nandito kanina at siya ang palinisin mo,” “Sir, ang daming babae d'yan. Kahit janitress sa kumpanya mo hindi mo man lang palalagpasin?” “Shut up and do your job. I'll give you ten thousand pesos for this task,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD