CHAPTER 57 Nanghina ang aking buong katawan habang nakahawak ako sa aking tiyan. “Ilaw! Tang ina ka, Romero ‘wag mong idadamay dito ang kaibigan ko! Tulong! Tulungan n’yo kami!” Dahan- dahan akong napaluhod sa sahig at namimilipit na sa sakit ng aking tiyan. Sinikap ni Cianne na tumayo at makapunta sa aking direksiyon ngunit muling nahawakan ng kanyang kasintahan ang buhok niya. “Pare- parehas lang kayong mga malalandi! Buhay prinsesa ka na nga rito sa akin ayaw mo pang makuntento? Malandi ka!” Sumigaw si Cianne dahil sa sakit nang suntukin ng lalaki ang tiyan niya. “Saddie…” nanghihinang wika ko at ang tanging nagawa lang ay ang itaas ang aking kamay. Hindi na rin ako makatayo lang sobrang sakit ng tiyan. Dalawang beses niyang sinuntok si Saddie. “Tama na! Romero! Tama na. Nag

