CHAPTER 37 "Ipapaalala ko lang sa 'yo na hindi pa tayo nakakapag- usap, Sir. Nagdududa pa rin ako sa 'yo kung seryoso ka ba talaga dito sa panliligaw mo o baka pinagtitripan mo na lang ako," Minulat niya ang kanyang mga mata. Umiiling ito sa akin. "Seryoso ako sa 'yo, Ilaw. I have no other girls," Hindi pa naman kami magkakilala ng matagal. Kahit sa nakaraang dalawang taon ay nagkaroon kami ng anak, wala naman kaming nagka- ugnayan bukod pa doon. One night stand lang naman ang nangyari. One night stand lang sana pero nagkaroon ng bunga at binigyan ako ng pinakamagandang regalo sa buong buhay ko. Sam- Sam is my greatest gift. Nagkaroon ulit ng buhay ang mundo ko simula nang maisilang ko siya. "Baka naninibago ka lang, Sir. Kasi hindi pa naman umaabot sa isang buwan na magkakilala tay

