CHAPTER 29

1339 Words

CHAPTER 29 “Lolo, magsisimba po muna kami ni Sam- Sam. Dadaan na rin po kami sa bayan para bumili ng damit niya. Medyo malaki- laki rin po kasi ang binigay ng amo ko kagabi,” Limang libo ang binigay ni Sir Isidro sa akin. Pero ang perang binigay niya ay gagamitin ko lahat para sa anak niya. Ibibili ko 'yon ng mga bagong damit ni Sam- Sam dahil maliliit na sa kanya ang mga damit niya. “Sige, apo. Mag- iingat kayong dalawa ni Sam- Sam. Ang bait- bait niyang amo mo, apo. Marami ka pang ulam na dinala kagabi pag- uwi. Dalawang beses pa nating mauulam 'to iinitin ko palagi,” Ngumiti ako kay Lolo. Napakabait nga ni Sir Isidro. Tinagilid ni Lolo ang ulo niya at may tiningnan ito sa aking leeg. “Mukhang maraming lamok sa kwarto mo, Ilaw. May kagat ka ng lamok sa leeg,” Kinakabahan kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD