CHAPTER 6
Hindi ko na tinuloy ang aking pagsubo. Bigla akong tinubuan ng hiya na makita niya akong ginawang ulam ang binigay niya kape kanina.
“Kain po kayo, Sir,” pag- aaya ko sa kanya.
Sinuri ng mga mata nito ang kinakain ko.
“Masarap bang gawing ulam ‘yan?”
Inukupa nito ang pwesto sa aking harapan. “Masarap naman, Sir.”
“I wanna try it. Feed me!”
Dahil nasa ere pa rin ang aking kamay ay hinawakan niya ang aking pulupulsuhan at giniya iyon papunta sa labi niya. Gulat na gulat ako nang makitang kinain niya nga. At wala man lang akong pandidiring nakita sa mukha niya. Tumango- tango ito habang ngumunguya.
Biglang nagliwanag ang mukha niya at tinuro ang baonan ko.
“It taste good! One more! One more!” maligalig na sigaw nito sa akin.
Kahit puno ng kaguluhan ang aking isip ay nilagyan ko pa rin ng kanin ang kutsara. Kape lang ang ulam ko tapos nagustuhan niya?
“Lagyan mo ng kaunting sabaw,” utos nito sa akin. Nilagyan ko iyon ng kaunting sabaw bago sinubo sa bibig niya. Nag- aalangan pa akong subuan siya dahil ‘yong bigas namin ‘yong mumurahin lang at medyo may amoy pa. Baka sumama ang tiyan niya at manibago sa bigas.
“Nagustuhan n’yo po ba ang lasa? Sigurado po ba kayo d’yan?” tanong ko. Nilunok muna niya ang kanin bago ako sinagot. Hindi na rin tuloy ako makasubo ng maayos. Kasi, iisang kutsara lang ba ang gagamitin naming dalawa?
“Masarap siya siguro dahil may halo na ng laway mo dahil sa kutsarang ginamit.” Sinamaan ko ito ng tingin kaya agad niyang binawi ang sinabi niya. “I’m just kidding! It’s taste good, Ilaw! Ipapatikim ko rin ‘to kay Zandro sa susunod. Sa susunod doon ka sa cafeteria kumain. Libre naman ang lunch doon,” seryosong sabi nito.
“Libre lang po ba?”
Akala ko may bayad kaya hindi ako kumakain doon! Kung libre pala sana hindi na ako nagbabaon ng pagkain! Pwede kaya mag take- out? Dadalhan ko lang ang anak ko.
“Hindi ba kayo nasabihan niyan? Next time doon ka kumain. Ikaw naman ang sumubo,”
Kinuha niya sa akin ang kutsarang hawak ko. Parang tumigil ang aking mundo nang itinapat niya sa bibig ko ang kutsarang may laman ng kanin.
“Open your mouth,”
Dumadampi na ang kutsara sa nakatikom kong bibig. “Nangangalay na ang kamay ko. Hahalikan kita kapag hindi mo binuksan ang bibig mo,”
Natawa ito nang parang isang kidlat na nawala ang kanin dahil sinubo ko iyon ng mabilis.
“Sir,”
Napapikit siya at ako lang ang lumingon sa pumasok.
“Sir, Zandro. Kain po tayo,” aya ko.
“Thanks, Ilaw,” Si Sir Isidro ay hindi pa rin lumingon sa kanya. “Sir, we have to go. Naghihintay na raw ang mga kapatid mo,”
“Kakaltasan ko ng limang libo ang sweldo mo, Zandro,”
Napakamot si Sir Zandro sa batok niya. “Tumawag na po si Sir Alejandro na magkikita kayo. Didiretso na lang po tayo sa meeting n’yo mamaya,”
“I have to go, Ilaw. I’ll see you later. Continue eating,” kumindat pa ito sa akin bago umalis. Nauna siyang lumabas kay Zandro. “Tang inang trabaho ‘to,” huling sabi nito bago sumunod sa amo niya.
Buong maghapon ay ginawa ko lang ang aking trabaho. Naliligpit na ako ng aking mga gamit kasabay ng ibang mga kasamahan ko.
“Pumasok daw si Sir Isidro dito kanina?” rinig kong tanong nung isa. Iba- iba ang nakakasama ko araw- araw kaya mahirap makahanap ng makakasundo mo. Lalo na at matagal- tagal na rin silang nandito kaya magkakilala na silang lahat.
“Narinig ko sa banyo na nakasalubong daw nila na lumabas mula dito,”
Tahimik lang akong nakikinig sa pag- uusap nila. Pumasok nga naman dito kaninang pananghalian.
Natahimik silang lahat kaya napalingon ako. Sa akin na pala nakatuon ang mga mata nila.
“Ikaw lang ang naiwan dito, ‘di ba?”
“Hindi naman pumasok si Sir Isidro,” pagtatanggi ko pa. Kung sasabihin ko kasi ang totoo ay magtatanong sila kung ano’ng ginagawa ni Sir Isidro dito sa locker area.
“Teka, nasaan ang pera ko? Nandito lan ‘yon sa bag ko, ah?”
Nawala sa akin ang atensyon nila. Iyon na ang naging hudyat ko para makaalis at umuwi.
“Hoy! ‘Wag ka munang umalis! Ikaw lang ang naiwan dito kanina, ah? Patingin nga ng bag mo!”
Pinagbibintangan ba nila akong magnanakaw?
“Baka naman po nasa loob lang ng bag mo. Tingnan n’yo lang po ulit,”
Napaigtad ako nang bigla niyang tinapon sa sahig ang kanyang bag kaya nagkalat ang mga gamit niya.
“Wala nga! Nasa bag ko lang ‘yon kanina! Ikaw lang ang naiwan dito nung tanghalian! Matagal ko ng iniiwan ang pera ko rito pero hindi naman nawawala! Ngayon lang!”
Humigpit ang hawak ko sa aking bag nang sabay- sabay silang lumapit sa akin. Tatlo sila at mas malaki ang katawan kesa sa akin.
“Patingin ng bag mo,” sigaw niya sa akin. Wala akong kinuha. Mataas ang tiwala ko na ilahad ang aking bag sa kanila upang ipakita iyon sa kanila. Sigurado naman akong wala akong kinukuhang pera. Alam kong hirap din sila sa buhay. Kung magnanakaw man ako ay pipiliin ko rin ang mayaman. Pare- parehas lang kaming nagkakayod dito.
“Kumain lang po ako rito. Wala po akong kinuhang pera. Baka nakalimutan n’yo lang po kung saan n’yo nilagay ang pera,” pagsasalita ko. Patuloy lang silang naghalungkot sa aking bag.
“Pera ko ‘yan!” sigaw ko sa kanila nang makitang kahit ang aking pitaka ay hinahalungkat na nila. May nakita silang bente. Pamasahe ko na sana ‘yon. Ngunit binuksan nila ang isang bulsa kung saan nakalagay ang matagal ko ng tinatago na dalawang daan. Tinago ko ‘yon at hindi ginagastos dahil nakalaan ang perang ‘yon tulad ng kapag may sakit si Sam- Sam. Tinatabi ko ‘yon.
“’Wag ‘yan! Para sa anak ko ‘yan!”
Sinubukan kong lumapit sa kanila ngunit hinarang ako nung dalawa. “Sa anak ko ‘yan! Please! ‘Wag n’yong kunin!”
Sinubukan kong itulak ang isa. Ngunit sa aking pagtulak ay nagalit ito sa akin.
“Ano ba? Matapang ka? Baguhan ka lang dito kaya ayos- ayusin mo ang ang ugali mo! Wala siyang pera kaya bigyan mo muna,”
Dinampot na nung isang kasama nila ang bag na tinapon niya kanina. Pero hindi pa rin ako pinapakawalan ng dalawa. Nakakuyom na ang aking kamao at pilit akong lumalapit doon sa babaeng kumuha ng pera ko.
“Wala rin akong pera! Mahirap lang din ako! Ako lang ang bumubuhay sa anak. Kailangan ko ang perang ‘yan,”
“Kailangan ko rin ‘to. Bitawan n’yo na ‘yan umalis na tayo,”
“Nagmamakaawa na ako! Ibalik n’yo sa akin ang pera ko,”
Nanlumo ako nang isa- isa silang lumabas at walang pumansin sa akin. Wala akong nagawa kung hindi tahimik na umiyak. Matagal kong tinago ang perang ‘yon tapos mapupunta lang sa kanila?
Tumutulo ang aking luha sa sahig nang dinampot ko ang aking lumang wallet. Kahit ang benteng inilaan ko para sa aking pamasahe ay hindi nila pinalagpas at kinuha rin.
Kinuha ko ang aking bag at hinalughog iyon. Nagbabakasakaling may pera akong makita. Ngunit kahit bali- baliktarin ko na ang bag ko ay kahit piso wala akong makita.
Nanghihina akong lumabas. Sinimulan ko ang aking paglalakad pauwi sa bahay. Dalawang oras. Dalawang oras ang aabutin ko kung maglalakad ako.
Pahinto- hinto ako sa tuwing hinihingal na ako. Padilim na nang padilim. Kahit pambili ng tubig ay wala rin akong pera. Kanina pa ako naglalakad ngunti malayo pa ‘to sa bahay namin. Bawat hakbang ko ay nanginginig na ang aking binti. Ang bigat- bigat na ng dalawang paa ko. Sinikap ko pa rin na makauwi sa bahay namin.
Bakit may mga ganoong tao? Ang hindi marunong lumaban ng patas? Pinaghirapan ko ang perang ‘yon. Kahit hindi malaki pero mahalaga sa buhay ko ang perang para sa anak ko. Sa mga naging trabaho ko dati, hindi naman maiiwasan na may katrabaho kang hindi mo makakasundo. Ito ang kauna- unahang beses na may kumuha sa pera ko. Kung sino pa ang kapos ‘yon pa ang napili nilang pagtripan.
Umupo ako sa gilid ng daan. Pinatong ko ang aking magkabilang siko sa aking tuhod. Marami ang mga dumadaang sasakyan sa paligid. Dahil ganitong oras ang uwian ng mga tao galing sa trabaho.
Ginalaw ko ang aking mga daliri sa paa at natuklap na ang suot kong half shoes. Hinubad ko muna ‘yon at nilagay sa aking gilid. Nakita ko ang paltos sa aking paa. Naiiyak kong pinagmasdan ang mga daliri ko, ang sitwasyon ko.
Biglang may umilaw sa aking pwesto. Galing sa likod ng isang sasakyang huminto sa aking harapan. Mahirap aninagin kung sino ang lalaking bumaba dahil nakakasilaw ang ilaw.
“Ilaw?”
“Sir Isidro…”