CHAPTER 18 Doon pala nanggagaling ang trauma niya. Natatakot siyang sumubok ulit dahil sa nangyari sa kanyang nakaraan. “Pero hindi naman po ibig sabihin na nabigo kayo sa una n’yong pag- ibig ay mabibigo na kayo sa mga susunod pa. Ang sarap kayang mainlove,” “Pero alam mo kung ano ang mas masarap?” “Ano?” tanong ko. “Mas masarap kung maghahalikan na tayong dalawa,” Syempre, si Sir Isidro ‘to. What do I expect? Kahit sa seryosong usapan isisingit niya pa rin ang pagiging hayok niya sa halik. Magseseryoso nga pero hindi naman kayang magtagal at babalik na naman ulit sa dati. “Kailangan talagang isingit mo ‘yang kaadikan mo sa halik, Sir?” Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib ko. I want to dig deeper about his past. Pero uunti- untiin ko na muna para ang pagtatanong sa kanya para

