CHAPTER 16 Hindi ko alam kung paano nangyari, bigla na lang akong parang hinihila ng kung anong pwersa. Ang mukha ni Sir Isidro ay dahan- dahang lumalapit sa akin. Hanggang sa hindi na ako makapagpigil ng hinga nang maramdaman kong unti- unting lumapat ang mga labi niya sa akin. Parang nabigla ang buong katawan ko at nanlaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay tumigil sa pag- ikot ang mundo sa mga sandaling 'yon. Gumagalaw ang mga labi niya. I felt like I needed to respond to his kisses. Kaya naman dahan- dahan kong ibinuka ang mga labi ko at hinayaan ang sariling malunod sa mga halik niya. Dahil sa aking pag- atras ay bumangga ang aking likod sa mesa niya. Iniwas ko ang aking mukha nang may narinig akong nahulog. His kisses ended up on my cheeks. “May nahulog, Sir...” napapaos na w

