CHAPTER 70 Lumipas ang isa pang araw at wala pa rin akong naging balita kay Isidro. “Umalis si Ninong Leandro kahapon, Ilaw. Kasama niya si Senyorito Alejandro, sinusundo na nila ang kapatid nila,” Iyon ang sinabi sa akin ni Ligaya. Wala akong maayos na tulog at kain simula nung umalis si Isidro. Nasa kanya ang lahat ng atensyon ko. Nananatiling tanong sa aking isipan kung bakit ito umalis ng walang sinasabi sa amin. Bakit kailangan niyang umalis bigla- bigla. Marami kaming nag- aalala sa kanya. Kahit ang mga kapatid niya ay napasugod na sa kanya. Kasi kahit sila ay nagtataka rin. Binabalitaan na lang ako ni Ligaya, at kung hindi ko siya napigilan ay baka sumugod na rin ito sa condo ni Isidro upang samahan ako. Upang maaliw ko ang sarili ko, naglilinis na lang ako ng condo. Bawa

