CHAPTER 4
Hindi pa rin ako makapaniwala kay Sir Isidro. Nalilito na ako sa inaasta niya.
Pumasok ako sa office niya at agad na kumunot ang aking noo. Ano’ng nangyayari sa office niya? Ang dami na namang punit- punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din akong namataan na mga nakakalat na mga bote ng beer sa center table niya. Ang daming namang lilinisin! Bakit ang dami namang papel sa mesa niya?
Inuna kong kunin ang mga papel sa sofa at niligpit ko muna ‘yon. Sa bawat galaw ko ay ramdam ko na may mga matang nakasunod sa akin. Sa tuwing nililingon ko si Sir Isidro ay nahuhuli ko pa siyang nakatitig sa akin pero palagi naman siyang umiiwas ng tingin kung hindi titingin sa kisame ay kay Zandro naman.
“Zandro, could you grab me some coffee? Not the stuff from the cafeteria though. I'd really like you to get it from Starbucks. At their farthest branch,” rinig kong utos nito kay Zandro. Napakamot sa kanyang ulo si Zandro pero tumayo pa rin ito.
“Pwede naman tayong magpadeliver dito, Sir. Nagiging madali na nga ang buhay natin dahil sa internet papahirapan mo pa akong pumunta sa branch nila ang traffic- traffic ngayon. Matatagalan ako. Parehas lang naman ang lasa kung malapit o malayong branch. Kape pa rin naman galing sa Starbucks,”
Napatayo rin si Sir Isidro. Padabog nitong nilapag ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. Kahit ako ay napaigtad din sa ginawa niya.
"Sino ba ang boss sa ating dalawa? Ikaw na lang dito ako na d'yan,"
Matagal na bang nagtatrabaho si Zandro sa kanya? Parang magtropa na lang silang dalawa.
"Sa pinamalayo talaga, Sir? Malamig na 'yong kape pagdating dito. Tapos traffic pa. Baka kapag bumalik ako rito ay uwian na,"
Nang makitang naging masama ang titig ni Sir Isidro sa kanya ay mabilis nitong binawa ang kanyang sinabi.
"Ito na nga at aalis na. Sa pinakamalayong branch ng starbucks para matagal akong makabalik. Didiskarte na nga lang idadamay pa akong nagtatrabaho ng tahimik," narinig kong bulong ni Zandro habang naglalakad na bitbit ang wallet niya.
"Are you saying something, Zandro? Kung hindi mo ako susundin ihanda mo na lang ang resignation letter mo at dalhin mo sa akin,"
"Aalis na nga po ako, Sir Isidro," wika ni Zandro at mariin ang bawat bigkas niya sa salitang 'Sir Isidro'.
Nagkatinginan kaming dalawa nang magsara na ang pintuan at lumabas na si Zandro.
"Continue working, Ilaw." Nakangiting sabi nito sa akin.
Nagpatuloy na lang ako sa aking paglilinis para mabilis akong matapos. Balak kong tapusin 'to bago ako lumabas at kumain ng pananghalian.
Limang minuto lang na naging tahimik ang opisina niya ay nagsalita ulit ito.
"Kailan ka tumigil sa pagtatrabaho mo sa bar, Ilaw?" tanong niya.
Tinigil ko muna ang pagkuha sa mga papel bago siya sinagot.
"Matagal na rin po. Dalawang taon na," tipid na sagot ko.
Isang beses ko lang ginawa 'yon at hindi ko na inulit. Inaalok pa rin ako ni Saddie na pumasok sa trabahong 'yon pero tumatanggi na ako. Kaya sa tuwing nanghihingi ako ng trabaho sa kanya ay 'yong maayos na trabaho lang ang tinatanggap ko. Kahit gaano pa kahirap basta 'wag lang maulit na ibebenta ko ang sarili ko. Kasi parang bangungot pa rin 'yon sa akin. Nanatili 'yong lihim hanggang ngayon dahil hindi ko sinabi sa Lolo at Lola ko na ang ginamit kong pera para mabayaran ang mga bayarin sa ospital kita ko galing sa pagbebenta sa aking sarili. Natatakot akong malaman nila.
"Two years ago? As far as i can remember, first time mo nung may nangyari sa atin. Ako ba ang first and last na customer mo?"
Mabilis akong tumango. "Kailangan ko lang kasi ng malaking pera nung panahong 'yon,"
At kinuha ko ang pera mo ng walang paalam. "Kaya pasensya kana, Sir, kung kinuha ko man ang pera mo."
'"Hey, it's okay. Kung ginising mo ako mas malaking pera pa ang ibibigay ko sa 'yo,"
"Malaking pera ang ibibigay n'yo sa akin kapag ginising kita dahil gagamitin n'yo ulit ako?"
Humagalpak ito ng tawa. "You are very judgemental, Ilaw! Ganyan ba kauhaw ang tingin mo sa akin? Of course, you need money so I will give it to you. Mabuti pang itulong ko na lang sa iba 'yon kesa maubos ko lang sa pag- inom,”
Sa dalawang taon ay dinala ko ang takot ko na makita siya dahil akala ko magagalit siya sa akin dahil kumuha lang ako ng pera sa pitaka niya. Tapos para sa akin. Niligtas niya ako doon sa matandang unang binigay sa akin nung manager ko. Hamak na mas mabuting sa mga kamay niya ako napadpad kesa naman doon sa matandang 'yon.
"Salamat dahil hindi mo ako sinumbatan sa perang kinuha ko sa 'yo. Kung pababayaran mo sa akin 'yon, kahit paunti- unti na lang, Sir."
"No, no, no," sunod- sunod na pagtanggi nito. "Your performance was good and you deserve that money! Kaya nga ako nagrerequest ng kahit isang gabi sa 'yo dahil napabilib mo ako kahit first time mo. Kaso hindi kana pala available ngayon,"
Nagustuhan niya pa ang performance ko na wala nga akong kaalam- alam kung ano ang mga sunod na gagawin. Katulad ako ng isang grade one na bata na tinuturuan pang magsulat at magbasa.
"Matinong trabaho na po ang hinahanap ko ngayon,"
Habang nag- uusap kaming dalawa at malaya kong napagmamasdan ang kabuuan ng mukha niya ay malaki ang pagkakatulad nilang dalawa ng anak namin. Sa tuwing ngumingiti siya ay nakikita ko ang anak ko sa mga mata niya. Marangyang buhay ang maibibigay niya sa aking anak kapag napunta ito sa puder niya. Marangyang buhay ang naghihintay sa anak ko.
Masama ba akong ina kung ipagkakait ko 'yon sa anak ko? Na ayaw kong magkita silang dalawa?
"That's good. In our life, we have to make sacrifices for our family. And that's very brave of you for carrying that burden at a very young age. Being a breadwinner is hard. Especially that you are still young. Not all people can do that. Some girls your age are out there partying and wasting their money for useless stuff. But look at you, you're out there working your fingers to the bone, pushing yourself every single day. You have a choice to leave them and live on your own. But you chose to stay with them even if it means sacrificing your happiness and your life,"
"Dahil mahal ko sila. Pamilya ko sila,”
Hindi ko man lang naisip na darating ang oras na magkakaroon kami ng ganito kalalim at seryosong pag- uusap.
"I know. We make sacrifices for our family because we love them.”