CONSTANTINE Today is my Lola's birthday. Napatingin ako sa maliit na box na nasa gilid ng kama ko. Kinuha ko ito at binuksan, tumambad sa akin ang kumikining na gold enchanted rose necklace. Sigurado akong bagay na bagay ito kay Hera. "Woah, idol na talaga kita, Constantine." Kantyaw ni Chito sa akin at kinuha niya ang hawak kong maliit na box. "Hayop, iba pala magmahal si De Vera, Jasper." Binatukan ko siya, kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga niya. "Tang ina mo, Chito." Bigla kong naalala ang mga pinagsasabi niya sa akin nung araw na sinugod si Hera sa ospital. Ang galing talagang gumawa ng kwento ang lalaking ito, kaya minsan ay nagdadalawang-isip ako kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. Loko-loko talaga minsan si Chito, kaya hindi siya pinapansin ni Camilla dahil sa ugali

