HERA "Magpahinga ka na lang muna kaya, Hera?" nag-aalala na sabi ni Jenny sa akin. Napansin siguro niyang pagod na pagod ako ngayon. Hindi pa ako kumakain ng hapunan dahil nagmamadali ako kanina na pumunta dito sa bar. "Okay lang ako, Jenny." masiglang sabi ko sa kan'ya at hinila siya palabas ng staff room. "Sigurado ka?" "Oo, okay lang ako." Kinindatan ko pa siya para maniwala siya sa akin. Habang naglilinis ako ng lamesa ay napansin kong kanina pa tinititigan ng matandang lalaki ang katawan ko. Hindi ko siya pinansin at binilisan ko ang ginagawa ko dahil naaasiwa ako sa kan'ya. Sa tatlong araw kong pagiging waitress dito sa bar na ito ay hindi ko maiwasang makatagpo ng lalaking maniac. Minsan ay pasimple nilang hinihipuan ang binti ko kaya hindi ko maiwasang sungitan sila. Marami

