HERA Kinakabahan ako ngayon dahil ito ang unang araw ng pasukan namin. Political Science ang course na kinuha ko. Kanina pa ako lakad nang lakad dahil hindi ko alam kung saang banda ang CAS building. Hindi ko pinansin ang mga babaeng nagbubulungan sa gilid ko. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila tungkol sa akin. Paliko na sana ako sa isang pasilyo ng may nakabanggaan ako. "Ano ba, huwag kang tatanga-tanga!" malakas na bulyaw niya sa akin. Nagulat ako ng makita ang mukha ng taong nabangga ko. Tsk, ang malas naman nang bungad sa akin ng first day of school dahil si Amanda pa talaga ang nabangga ko. Dito pala sa Antonio University nag-aaral ang bruhildang ito. "Sorry, hindi ko sinasadya." Pinulot ko isa-isa ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Pupulutin ko na sana ang ID niya n

