HERA "Nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo kagabi," nag-aalala na sabi ni Camilla sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at sinuri niya ang buo kong katawan. Ang bilis naman niyang makasagap ng balita, sino kaya ang nagsabi sa kan'ya? "Hmh, kanino mo nalaman?" Umiwas siya ng tingin sa akin at bigla siyang natahimik. Mukhang ayaw niyang sabihin sa akin kung kanino niya nalaman kaya hindi ko na lang siya kinulit. "Hala, nakalimutan ko sa loob ng sasakyan ko ang ibibigay ko sa 'yo." Napatampal siya sa kan'yang noo at walang pasabi na tumakbo siya palabas ng room namin. Napailing na lang ako sa kan'yang inasta, akala siguro niya ay kukulitin ko siya. "Diba siya 'yong babaeng pokpok na sinasabi nila Amanda?" rinig kong tanong ng kaklase ko sa kaibigan niya. "Oo, siya nga,"

