CONSTANTINE Naiinip na ako sa kakahintay kay Hera, kaya sinundan ko siya sa labas. Biglang nagdilim ang paningin ko ng makita si Osvaldo na masayang nakikipag-usap kay Hera. Damn it, kumikislap pa ang mga mata ni Osvaldo habang nakatingin siya kay Hera. Mabilis ko silang nilapitan at mapang-akin kong pinulupot ang aking kamay sa bewang ni Hera. Gusto kong ipaglandakan sa kaniya na pag-aari ko ang babaeng kausap niya ngayon. Ano ang ginagawa ng gago kong pinsan dito? Si Lola Ising ba ang pakay niya o si Hera? Tang ina, si Hera ba ang tinutukoy nila Chito na kinababaliwan ni Osvaldo ngayon? "Kumain ka na ba?" biglang tanong ni Hera kay Osvaldo. Huwag niyang sabihin na iimbitahan niya si Osvaldo na kumain sa loob ng apartment niya? Hindi ako papayag! Ako lang dapat ang pwedeng pumaso

