HERA Nakalabas na ako ng ospital at nandito na ako ngayon sa apartment ko. Akala ko ay uuwi na si Camilla sa bahay nila pero laking gulat ko ng sabihin niyang dito siya matutulog ngayong gabi. Ilang araw na siyang hindi umuwi sa kanila at nababahala na ako. Baka kasi pagalitan siya ng mga magulang niya at isipin nilang may ginagawang katarantaduhan ang anak nila. "Baka hanapin ka na sa mansion n'yo," mahina kong sabi. "Pinayagan ako ni Daddy na dito ako matulog sa apartment mo." masayang sabi niya sa akin. Inirapan ko siya, hindi ba nagsasawa si Camilla sa pagmumukha ko? Papasok sana ako sa Aqua Bar mamayang gabi, pero bantay sarado naman ako ng kaibigan ko. Sinabi niya sa akin na itigil ko na ang pagtatrabaho bilang waitress doon at siya na lang ang magbibigay ng allowance ko. Hindi

