bc

Tricking the Billionaire (El Amadeo Series #1)

book_age18+
151
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
age gap
arranged marriage
kickass heroine
powerful
bxg
lighthearted
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

Young Everleigh Zarina Altarejos promised to do everything when she fell in love with Reigan De Alba, ang anak ng matalik na kaibigan ng kaniyang ama. Noon pa lamang ay minahal niya na si Reigan, ngunit bigo iyon. She can’t have him. He’s seven years older than her! At nakatakda na itong ikasal sa ibang babae. But her young and stupidly in love heart couldn’t take it. That’s why she did everything to make Reigan slip and fall for her. Kahit pa nga sa hindi kaaya-ayang paraan, and that is to ruin his supposed marriage to Camila.

At nagtagumpay siya. Nakuha niya si Reigan. He married her. But she left him after. It was too late when she realized that what she did was wrong, ngunit sa kaniyang pagbabalik para tapusin ang kasal ay ayaw na siyang pakawalan pa ni Reigan...

But hell, she can do it! Nagawa niya nang lokohin noon si Reigan. She can trick him again for sure! Tutal ay kasal lang naman silang dalawa sa papel.

Pero bakit ganoon? Imbes na lokohin ito ay siya pa yata ang naloloko? At imbes na tuluyan limutin ay mas inibig niya lamang si Reigan?

chap-preview
Free preview
Prologo
“Buntis ako.” Mabilis kong sinabi iyon habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Pero wala akong natanggap na sagot, sa halip ay ang madilim niya lamang na mga matang nag-angat ng tingin sa akin. Mas nanggigil ako. “Hindi ikaw ang ama!” dagdag ko, hinihintay ang reaksyon niya. I expected him to get mad at me, to tell me na tama siya all this time. That he shouldn’t have agreed to marry me! Pero wala akong natanggap at sa halip ay nag-angat lamang ng tingin si Reigan. Nagsalubong ang mga kilay niya at bahagyang nangunot ang noo sa biglaan kong anunsyo. His eyes were ruthless and rough... parang nanlambot bigla ang aking mga tuhod. Kinuyom ko ang aking palad. Don’t you ever forget why you came back here, Everleigh! Iyon ay walang iba kundi para makipaghiwalay sa kaniya. Lumapit ang secretary ni Reigan na pumasok dito sa opisina niya. Gusto kong magtaas ng kilay nang makitang babae ang kaniyang sekretarya. Who is that? Iba ang secretary niya noong huling punta ko rito sa kompanya at lalaki iyon! What the hell happened? Sinundan ko ng tingin ang babaeng secretary at sinamaan ng tingin na mabilis nitong ikinayuko. Reigan raised his hand to tell that secretary na ayos lamang ang lahat. Tumango naman ito at agad nang lumabas habang iniiwasan ang matalim kong tingin. So, girl secretary, huh? Damn you, Reigan! “What did you say?” malamig na tanong ni Reigan. Napabalik sa kaniya ang mga mata ko. Napalunok ako sa matalim niyang boses at muntik pa akong mapaatras sa takot dahil sa lamig nito. I want to take back what I said, but of course I won’t do that! Tinatagan ko ang aking loob at agad na nilapag sa desk niya ang ilang dokumento upang ipakita sa kaniya, the copy of the petition and summons for the annulment that I just submitted. “Ang sabi ko ay buntis ako at hindi ikaw ang ama. I love someone else... at magpapakasal na kami! Maghiwalay na tayo, Reigan,” matigas na sabi ko na halos ipagnuknukan sa kaniya ang mga dokumento. He glanced at the papers with his cold, dark eyes, bago isang ngisi ang lumitaw sa labi niya. “At sino ang nakabuntis sa ‘yo, hmm? Your non-existing lover?” Nanlaki ang mga mata ko. The devil, Reigan, was smirking, sitting comfortably on his swivel chair. Sa kaniyang mesa ay ang name plate na nagsasabi ng katayuan niya sa kompanya namin, the CEO of our hotel chains, the biggest operating hotel chain in different regions of Asia, making him one of the youngest billionaires to be known. Oo nga naman, Everleigh. This is Reigan De Alba we’re talking about! Malamang hindi iyan maniniwala agad sa mga sasabihin ko! He’s pretty smart and I know I can’t fool him! Kaya nga naman naghanda ako... It was now my turn to smirk. Inilapag ko sa kaniyang table ang isang engagement ring. At hindi lang ‘yon. I even prepared fake ultrasound results just to prove to him my claim! Dumilim ang kaniyang tingin sa nakitang nilapag ko. Tagumpay akong napangiti. What now, Reigan? Are you now disgusted with your wife? That’s right! Ma-disappoint ka ulit sa ‘kin! “That’s not true,” malamig niyang sabi nang hindi man lang tinitingnan ang mga iyon. “Yes, it is! Totoo ang mga ito. Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi na kita mahal? Huh, Reigan? Nawala na ang lahat ng pagmamahal ko sa ‘yo. Pinagsisisihan kong pinakasalan kita. Maybe I should’ve just gave you up to that girl!” Tumayo si Reigan sa kaniyang upuan dahil sa mga sinabi ko. His tall physique towered over me and all of a sudden, ang kaninang parang tigre sa loob ko ay para na lamang biglang naging isang kuting at maamong pusa habang nakatingala sa kaniya. Oh... “Then who the f*ck is it, Leigh?!” galit niyang tanong. Napalunok ako. “I-I have a boyfriend and he w-wants to marry me! Magkakaanak na kami, Reigan... please, pakawalan mo na ako. Pagod na ako sa kasal na ‘to! Maghiwalay na tayo!” Sinigaw ko iyon kahit hindi ako sigurado kung kapani-paniwala ito. Bahala na! Ayaw kong masayang ang pagpunta ko rito para lang maisagawa ang plano kong ito! I supressed every personal emotion inside of me. Ang tinira ko lamang ay ang bahaging pilit na pinagnunuknukan sa kaibuturan ko na hindi ko na siya mahal. Dahil talaga namang hindi na... hindi ko na siya mahal! “What is this, Everleigh? Are you f*cking kidding me?” Halos malukot sa kamay niya ang dokumento. Napapalunok akong nakatingin sa kaniya habang nagagalit. “H-Hindi kita niloloko. Totoo i... yan.” Galit na siya at ramdam ko na iyon. Natakot ako. Not because I think he’d hurt me. He doesn’t hurt me. No, he never did that. He never cheated on me, too. Pero sana nga. Sana niloko niya na lang ako! Baka mas madali pa iyon! Pero wala, wala siyang ginawa para hiwalayan ko siya. Pero pagod na ako... at alam ko namang sinasakal ko lamang siya. Na ako ang nagkulong sa kaniya sa kasal na ito gayong may mahal siyang iba... kasi makasarili ako. Noon. And now, I am tired. I am so sick of it! I want to break up with him. “It’s true, Reg... hindi kita niloloko. May mahal na akong iba. May nakilala akong mas mamahalin ko pa... at buntis ako. Hindi ikaw ang ama...” For the dramatic effect, I let my tears fall. Reigan stared at me. Lumambot ang kaniyang ekspresyon sa pagluha ko. Nagkatitigan kami at bago pa niya mapagtanto lahat ng kasinungalingan ko ay nag-iwas na ako ng tingin at nagkunwaring mas umiiyak. I faked my tears and the way I beg him to break up with me. Sinadya ko pang pumunta rito na medyo namumutla ako. Everything was planned perfectly. Ang kailangan ko na lamang ay mahulog si Reigan sa pinagsasabi ko. But the pain, the pain that striked my heart... I don’t think it’s fake. “We’re not breaking up—” matalim niyang sinabi. “Yes, we are—” “We’re not, Leigh!” putol niya. Nagngitngit ang mga ngipin ko at halos magbuga ng apoy. “I-I told you I’m pregnant with another man’s child!” sigaw ko. “You’re not. Kung buntis ka, I’m sure that’s my child!” mariin niyang sinabi. “Paano ka magiging tatay ng anak ko kung walang nangyari sa atin, huh?!” Halos hampasin ko ang mesa. Ipipilit niya pa yata iyang gusto niyang paniwalaan! “May nangyari sa atin. You were just drunk,” he said coldly. Umiling ako. Sinungaling! Alam ko sa sarili kong walang nangyari sa amin! Imposible! Lolokohin pa ako nito! Talagang kinakalaban niya ako sa sarili kong laro, huh? “It’s another man’s child I’m carrying. Sigurado ako! May nangyari sa amin! Lasing ako at naibigay ko ang sarili ko sa kaniya! Nag-hotel kami... no, I think it was in the car, then he f*cked me! Siya ang tatay ng anak ko!” paggawa ko ng kwento na walang katotohanan. Mas lalong hindi makapaniwala si Reigan. Malamig ang kaniyang mga mata at galit. His jaw is clenching very hard and he’s trying to control his temper. Nataranta ako. Tinuro ko na agad ang mga papel. “Pwede ba, just call your attorney and tell her about this, Reigan. Kailangan ito sa madaling panahon, because the love of my life can’t wait to marry me and make me his wife!” Pinamukha ko sa kaniya iyon. Mas nagdiin ang kaniyang tingin. Sarkastiko siyang natawa sa galit at lumayo nang kaunti. Nilagay niya ang mga kamay sa bewang at hinawi ang suit, malamig at galit na tinititigan ako. Halos mapaatras ako sa ayos ni Reigan pero pinilit kong magtapang-tapangan. At baliw na rin yata ako nang makitang parang dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata. Ngunit mabilis din iyong naglaho dahil sa kaniyang matinding galit. “You’re lying,” malamig na sabi niya. “H-Hindi ako nagsisinungaling!” “We’re not breaking up, Everleigh,” he said with full authority. “You’re my wife and I’m still your husband whether you like it or not. Walang maghihiwalay, Leigh. ‘Til death do us part, right?” Kumuyom ang aking kamay dahil doon at masama ang titig sa kaniya. His masculine body and handsome face were proofs why so many girls line up just to be his wife, pero heto ako at gumagawa ng mga kasinungalingan para lamang hiwalayan niya na ako. We’re married for two years... but we aren’t living together. I don’t even consider him my husband and he doesn’t consider me his wife. Ang lahat ay sa papel lamang. Tinukod niya ang kaniyang kamay sa mesa na nasa pagitan naming dalawa na mukhang gustong ipagnuknukan sa kokote ko ang sasabihin niya. Bago pa ako makaatras ay agad niyang hinuli ang kamay ko upang hindi ako makatakas. He didn’t even age a bit. Kung gaano siya kagwapo noon ay tila nagtriple pa yata ngayon. He matured. He looks more ruthless. Kung dati ay pinalalampas niya ang lahat ng aking kalokohan, mukhang simula ngayon ay mahihirapan na ako. His eyes are even more intense. The way he stands and his posture demands respect and authority. Isang tingin pa lamang sa kaniya ay malalaman na agad ng mga tao kung gaano siya kadominante. Isang ngisi ang sumilay sa gwapo niyang mukha. Ang malalim niyang mga mata ay tumitig sa ‘kin. And it took me back to my younger years when I still vividly remember how I was so stupidly inlove with him. “We’re married. You should be sleeping next to me. Sa akin ka dapat umuuwi... dahil sa akin ka, Leigh... you are married to me.” Madilim ang kaniyang mga mata, pero sa dilim niyon ay nahahanap ko ang pamilyar na pakiramdam. His darkness made its way to my colorful world and now... mine always asks for him to come back. Lumunok ako at nangilid ang luha sa mga mata. Ramdam ko ang galit at pait na umusbong sa aking dibdib. I am not the one tricking you, Reigan, you’re the one tricking me all this time! Dahil sa ating dalawa, ikaw ang tahimik ngunit matinding maglaro sa mga barahang ako naman ang naglatag... you’re a devil assh*le who happens to be the owner of my heart, and damn my heart! “You’re mine, Leigh. Akin ka lang. Might as well start to fulfill your duties as my wife, and shall I do the same to you?” marahan ngunit mapanganib niyang sinabi, lahat ng lumalabas na salita sa bibig ay may kahulugan. Napapikit ako nang maramdaman ang kaniyang palad sa aking pisngi. His veiny hand and large palm caressed my cheek. “D-Damn you, Reigan...” Kinagat niya ang kaniyang labi. He chuckled sexily that his voice sent shivers down my spine. Ilang taon na ang lumipas, Everleigh. Iniwan mo na siya, kinalimutan, kahit pa kasal kayo sa papel ay parang wala lamang iyon! Kaya ngayon, bakit parang baliw na baliw ka pa rin sa lalaking ito? It’s true! I tricked Reigan De Alba to marry me because I was young, and stupid, and selfish. I want him all for myself. Gustong-gusto ko siya. Now, I’m tricking him to break up with me because I’m tired of loving him... at napapagod na rin ako sa kapapamukha sa akin ng mga tao na pinakasalan niya lamang ako dahil napilitan siya, dahil pinikot ko siya para maging akin. I want to correct my mistakes now... I want to end this. I want him gone. “Bitawan mo ako, Reigan,” matigas kong sabi at binawi ang kamay ko. He let my hand go, ngunit hindi niya ako hinayaang lumayo sa kaniya. Agad kong inayos ang sarili at huminga. Matalim kong tinitigan si Reigan sa mga mata. Kung nagawa kong lokohin siya noon para magpakasal sa akin, magagawa ko rin iyon ngayon para hiwalayan niya ako at putulin ang aming kasal. Sigurado ako roon. I’ll make his head hurt so much until he grow tired of my tricks! And eventually, iiwan niya rin ako na dapat ay matagal niya nang ginawa. Pero... bakit ganito ang nararamdaman ko? Why do I feel like he’s tricking me and it’s not the other way around? “The game is over, Leigh. Come back to me now... I need you beside me,” marahan niyang bulong sa malalim na boses habang ang mga mata’y nasa akin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.2K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
497.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.0K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
464.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook