“Have you tried texting your kuya? Hindi rin ako sinasagot nitong si Reigan,” sabi ni Tita Devone at pinatay na lamang ang tawag. Ngumiti siya sa ‘kin at dinala na ako sa hapag. “Anyway, darating din naman sila mamaya for dinner kung ‘di man sila umabot ngayon. Halika, Leigh, sumabay ka na sa tanghalian para makapagpahinga ka na. Naipalinis ko na ang kwarto mo...” Hindi ko mapigilang ngumiti kahit parang tinutusok na naman ng karayom ang dibdib ko sa nalaman. Tita Devone is a genuine person, at kahit anong gawin ko, there is no enough reason for me to hate her. Talaga namang gusto niya lang si Camila para sa anak at higit sa lahat... they know nothing about Reigan and I. “Sure, Tita. Salamat po ulit...” sabi ko at pinaunlakan na rin ang kaniyang pag-imbita sa hapag kahit hindi pa

