Prologue

544 Words
"Ang Dayo" (by: themintyheart) Fiction Disclaimer: Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa mga tunay na karanasan ng mga totoong tao. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya. Naglalaman din ito ng maseselang detalye ng p********k. Paumanhin po sa mga mambabasa. Ang “Ang Dayo” ay unang nailathala sa ilang blog sa ilalim ng luma kong account (thelustprince) mga taong 2012. Please practice safe s*x guys! All rights reserved. nicolo69@gmail.com ***** Isang umaga sa palengke. “Tama nga kayo manang, totoong lahat ng kinuwento nyo sakin noon. Kagabi nagtapat sya sakin at isipin ko mang magalit ay wala itong maitutulong o patututunguhan. Kahit mahal ko sya ay hindi ko na kakayaning makisama sa kanya.” Ang malungkot na bungad ng isang babae sa kausap na isang lola na madalas nyang makasabay sa pamamalengke. Halata man ang lungkot ay banaag pa din sa nasabing babae ang ganda at maamo nitong mukha na binagayan ng mapulang mga labi sa kabila ng kanyang edad na trenta y sais. Hindi pa din kumukupas ang alindog ng katawan nito kahit ilang taon na din itong may asawa dahil hindi pa naman ito nakapagluwal ng sanggol. “Ayan na nga ang sinasabi ko sayo. Hindi ako maaring magkamali! Oo matanda nga ako pero hindi pa naman ako bingi, at kahit hindi ako nakapag asawa e hindi naman ako tanga! Alam ko kung anong klaseng tunog o kaluskos ang narinig ko sa kabila ng dingding!” Turan ng kausap na matandang lagpas sesenta na ang edad, inakala pati na silang dalawa lang ang nagkakarinigan habang naglalakad sa makipot at basang pasilyo ng palengke. “Manang…” palinga-lingang saway ng babae sa matanda. Napalakas kasi ang bulong nito. “May Ibang kaulayaw ang asawa mo, naglaro sya ng apoy kasama ng batang yon. Ay naku, bakit ba inulit ko pa, eh kay tagal ko nang kinukuwento ito sa yo. Ay ulyanin na ba talaga ang manang mo…?” Sabay hila sa babae upang lumiko sa pasilyo patungong wet section. “Salamat po manang at hindi kayo nag alangan sabihin sakin ang lahat, Matagal no po kayong kilala ng aming pamilya at malapit na kaibigan pa ng inay.” Lutang na napasunod naman ang babae sa maliksi pa din ang mga hakbang ng matanda. “Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Ponyang…” habang napaantanda ang matanda. “May tiwala po ako sa inyong mga payo. Hayaan nyo po, mahirap man para sa akin ang lahat. Tatanggapin ko pa din na ito ang tadhana naming dalawa.” Dugtong pa ng babae. “Sigurado ka ba dyan sa desisyon mo?” ulit ng matanda habang dumudutdut na ng isda. “Sa tingin ko po ay ito ang mabuting gawin kung sakali. Alam kong nakapagdesisyon na sya at hindi ko sya pipigilan.” Ang sagot naman ng babae habang nanamumula na ang kanyang mga mata na gaya ng mga isdang bilasa na nasa kanyang harapan. “Alam ko rin naman na wala nang patutunguhan ang aming pagsasama kung ipipilit ko pa sa kanya ang aking sarili.” At tuluyan nang dumaloy ang mga butil ng luhang gumapang muna sa kanyang maputlang pisngi. Masagana itong pumatak sa malansang baldosa na kinasasalansanan ng mga tumpok ng tilapya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD