Part I: "Tigang"

3207 Words
"Ang Dayo" (by: themintyheart) Fiction Disclaimer: Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa mga tunay na karanasan ng mga totoong tao. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya. Naglalaman din ito ng maseselang detalye ng p********k. Paumanhin po sa mga mambabasa. Ang “Ang Dayo” ay unang nailathala sa ilang blog sa ilalim ng luma kong account (thelustprince) mga taong 2012. Please practice safe s*x guys! All rights reserved. nicolo69@gmail.com ***** Sa loob ng silid ay nakaupo ang isang lalaki sa papag at may kung anong pinunit na pahina ng isang babasahing magasin. Makintab ito, tamang tama anya para hindi madaling masira o matunaw kung mababasa man ito ng tubig. Pagkatapos ay hinatak palapit sa kanya ang isang lamesita, kinuha ang isang ballpen sa drawer at nagsimulang guhitan ang mga titik at salita na gusto nyang guhitan. Ito ang gagamitin nyang pambalot ng pagkaing ipaabaon nya sa isang taong bibiyahe ng napakalayo. “Ano yang ginagawa mo?” Malambing na tinig ng babaeng pumasok sa silid. Ito ang kanyang asawa. “Ah wala naman, gagamitin mo pa ba ang magasin na ito? Pumunit kasi ako ng isang pahina. Mainam kasi itong pambalot ng babauning pagkain sa biyahe, hindi agad lalamig dahil makintab at makapal. Para naman may kakainin sya at napakahaba ng kanyang biyahe.” Mahabang paliwanag ng lalaki at lumabas na ito patungong kusina upang ibalot na ang pagkain na nasa hapag kainan. Pagkatapos ay lumabas na ang lalake sa kusina para tawagin na ang pinaghandaan ng baon at ayain na din kumain muna ng hapunan bago bumiyahe… Maya-maya ay sumunod din ang babae sa kusina upang ihanda pa ang dapat ilagay sa hapag kainan. Sa labis na pagtataka ay di nya napigilang kunin ang binalot na baon. Walang namang sabaw kaya pwedeng pagbali-baligtarin sa isip nya. Pinihit-pihit nya ang binalot, waring may hinahanap at nakita nya ang mga titik at salitang may guhit. Binasa nya ito, kailangang magmadali dahil baka bumalik na ang asawa at bisita. Hindi nga sya nagkamali, malinaw pa sa liwanag ng araw ang sinasaad ng mga letra at salitang ginuhitan ng kanyang asawa. Hindi nya na napigilan ang pagpatatak ng kanyang luha habang inilalapag muli ang nakabalot na bauning pagkain sa ibabaw ng mesa. ***** Napakaraming pasahero ang bumaba mula sa bus, halos lumawa na ang kanyang mata sa pagsipat sa bawat mukha ng bumababa, at kandahaba ang leeg na iniisa-isa ang bawat pumapanaog mula sa estribo ng bus. Hanggang sa naubos na ang lahat ng pasahero, wala ang kanyang hinahanap. Nakaramdam sya ng inis, higit dalawang oras kasi syang nag-antay sa bus para lang malamang wala doon ang susunduin nya. Alas kwatro na ng hapon, babalik na lamang sya sa opisina at marami pa syang pipirmahang papeles. Payukong tumayo na nakadukot sa bulsa ng pantaloon ang mga kamay at nagsimulang tinungo ang kanyang sasakyan. Malungkot na binuksan ang pinto at umupo na sa driver’s seat para magmaneho. Saglit na niluwagan ang kurbata, para kasing hindi na sya makahinga sa sobrang inis at lungkot na nararamdaman. Nginig ang kamay na ipinasok ang susi upang i-start ang makina, nang biglang nahulog ang kanyang susi, kasabay na pumatak ang kanyang mga luha. Natagalan sya sa pagkapa ng susi. Nang makita ay dinukot muna ang kanyang panyo at pinunasan ang kanyang luha. Dahil na din sa pagod at sa tagal na paghihintay na nauwi sa wala ay sumandal muna sandali at pumikit upang ipahinga ang mata. Pagmulat nyang muli ay napansin nyang lumabo windshield ng kotse nya. May kung anong malapad na tela ang nakatabon ditto kaya asar na asar syang bumaba ng kotse para lang mapansin na halos buong sasakyan pala ang kinumutan ng parang yari sa net na tela. Sa inis ay pahawing itinapon ang nakatabon na iyon. Biglang manlamig ang buo nyang katawan. May nagsalita sa bandang likuran nya. “Wag mong itapon, bagong pagkakabili ko diyan…” Malambing ang pamilyar na tinig. Kung hindi sya nagkakamali, ang may ari ng napakagandang tinig na iyon ay ang unang nagpatibok ng kanyang puso dalawang taon na ang nakakaraan. Magpahanggang ngayon. At siguro ay mamahalin nya habambuhay. “Ang layo ng pinanggalingan ng kulambo na yan para itapon mo lang…” dugtong pa nito. Ngunit bago pa sya nakaharap sa direksyon ng tinig ay mabilis na syangg niyakap ng matitipunong bisig na yun mula sa kanyang likuran. Kay tagal nyang inasam na muling maramdaman ang sarap ng yakap na iyon. Napapikit na lamang sya habang bumubulong sa likod ng tenga nya ang lalaki nagtabon ng kulambo sa kanyang kotse. “Sige ka wala na tayong magagamit sa pagtulog at tyak papapakin tayo ng lamok…” Isang nagaalab na halik na puno ng pag-ibig na kanilang ninamnam ang sumunod na tagpo… kasabay ng bagbabalik alaala ng hindi malilimutang kabanata sa kanyang buhay. Sa kanilang dalawa. *** Tagaktak ang pawis na tinatahak ni Dennis ang isang malawak na bukirin ng palay. napapangiwi sya habang naglalakad dahil sa mga bitak. Amoy na amoy nya pati ang alimuom ng lupang tigang. Sumisingaw ito at nanunuot sa kanyang ilong. Ngayon nya lang naranasan ito kung kaya’t damang dama nya ang pagod sa haba ng kanyang nilalakbay na tuoyng pilapil. Katulad lang ito ng kanyang damdaming tuyo kahit basang basa na ng pawis ang kanyang suot na t-shirt. Pati singit nya ay di pinatawad ng pawis. Manaka-naka ay pinapahid nya ng kanyang bisig ang butl-butil na pawis sa kanyang noo na nagpapadagdag ng kanyang yamot habang patuloy na naglalakad. Sa wakas ay nakatawid na din sya sa bukid, patag na lupa na ang dinadaanan nya. Medyo nakaramdam na rin ng kaunting ginhawa ang kanyang mga pang pinahirapan ng tuyong pilapil na kanyang dinaanan. Kahit pagod ay nakukuha na niyang ngumiti dahil sa wakas ay malapit na sya sa kanyang pakay sa lugar na iyon. Ginamit ang mga huling lakas sa paghakbang. Dali-dali siyang lumapit sa unang tindahan na natanaw ng kanyang mga mata. “Manang isang malamig na malamig na softdrinks nga po.” Sabay lapag nya ng anim na piso sa tapat ng nakaawang na bintana ng tindahan at iginala ang mga mata sa paligid. Iniisa-isa ang mga kabahayang naabot ng kanyang tanaw. Pabalik-balik nya itong sinuyod. Waring may hinahanap na kung ano. “Boy, baka mawala na ang lamig ng softdrinks mo, sayang naman.” Ang mahinahong wika nung lalaking nasa loob ng tindahan. “Ay oo nga pala salamat po!” sabay dampot ng bote at sinimulang humigop sa straw. Sinipat ni Dennis ang pinanggalingan ng tinig. Di nya kasi akalain na lalake pala ang bantay ng tindahan. Hindi din naman kasi ito nag reklamo ng tawagin nya itong manang kani-kanina lamang. Napakaganda naman ng boses nya, buong-buo, lalaking lalaki. Ngunit parang malambing at may kiliti sa pandinig. Parang nanghihikayat ng kakaibang sarap. Inaninag nya ang loob ng tindahan ngunit hindi nya makita ang tindero. madami kasing mga nakasabit na mga sari-saring paninda sa malaking bintana tinabingan ng berdeng chicken wire na gawa sa plastic. Bahagya syang yumuko at sumilip sa maliit na bintanang nakaawang kung saan duon pinadaan ang kanyang soffdrinks na patuloy nya padin niyang hinihigop. Ninanamnam ang tamis at lamig. Nakaka presko. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang hinahanap. Isang lalaki nga ang tindero at walang damit pang taas. Nakabukakang nakaupo sa bangkito paharap sa bintanan ng tindhan. Nakaharap sa maliit na tv na nasa gawing ilalim ng bintana kung saan nakayuko si Dennis. Napakaganda ng hubog ng kanyang mga hita, bilugan ngunit aninag ang matigas na muscles at di din magpatalo ang mga binting ginagapangan din ng maninipis na balahibo. Isang lumang basketbaol shorts na kulay dilaw lang ang kanyang suot at may maliit na tastas sa pudilyo. Doon sya napatutok ng tingin. Pilit na inaaninag ang bahagyang sumusungaw na parang sinegwelas sa maliit na tastas na iyon. Tama si Dennis, ulo nga ng t**i ng tindero ang nakasungaw na yun. Bigla syang napalunok ng sunod-sunod. ‘Di nya napansing bumilis ang pagkakasupsop nya sa straw ng kanyang softdrinks. Madiing sipsip. Umakyat sya ng tingin sa may bandang puson. Nakita nyang may maninipis din na balahibong nakasapin dito. Aninag dito ang matitigas na muscles sa tiyan. Anim na pandesal. Mapipintog. Tila masarap iparis sa softdrinks na hinihigop. Mainit ang panahon kung kayat nangingintab ang balat sa pawis ng morenong tindero hanggang sa kanyang maumbok na dibdib. May maninipis ding balahibo sa pagitan nito. Itinuon naman ni Dennis ang tingin sa mga u***g ng tindero. Matayog ang pagkakausli na parang pambura ng lapis na mongol. Alanganing maiitim, lamang sa pula. Malapad din ang bilog na ariolang nagtatampok sa mga korona ng lapis. Sa tingin ni Dennis ay npakasarap nito paglaruan sa kanyang dila. Sungkalin. Tungkabin. Nabigla siya. ‘Di niya akalaing maiisip ang nakalilibog na imaheng iyon. Lalong bumilis ang higop ni Dennis sa straw, malamig ang softdrinks ngunit init na init pa din ang kanyang pakiramdam. Pariin ng pariin ang kanyang pagsupsop sa straw. Palalim ng palalim ang kanyang paghigop. Iniisip niyang t**i na ng tindero ang kanyang hihihigop. Ssshlluuuuuuuuuuurrrphh!!! Ang malakas na napakahabang tunog ng straw kapag puro hangin na lamang ang nasisipsip. Wala na palang laman ang bote. Saka lang niya nailipat ang tingin sa mukha ng maalindog na tindero. Kitang-kita nya ang nakakalokong ngiti ng lalaki. Ipinukol nito sa kanya ang tinging nakakaloko. Waring sinasabi, “bata, di pa iyan ang t**i ko!” “Wow! Ang bangis ng pagkakahigop mo boy! Napawi naman ba ang uhaw mo!?” pang asar na bati at ngiting gago ng lalaki. Nahimasmasan si Dennis. Namutla sa hiya. Napatayo mula sa pagkakayuko sa bintana. Sabay lapag ng bote sa pasamano ng tindahan. tumalikod at dali-daling lumakad palayo. Mabilis ang kanyang mga hakbang. Walang lingon-lingon, hiyang-hiya talaga sa nangyari. Sinisisi ang sarili. Ngunit sa sulok ng kanyang mga labi ay may ngiti ng kasiyahang dulot ng alindog na kanyang nasaksihan. Panay pa din ang pagpunas nya ng pawis sa kanyang mukha at leeg, ‘tang inang tindero yun a, lalo ako nainitan! Lalo ako nauhaw’ sa isip nya. Malayo-layo na din ang kanyang nalalakad nang mapansin nyang magaan ang kanyang katawan, parang may kulang sa kanya. Di nga sya nagkamali, naiwan nya ang kanyang backpack sa tindahan. Likas na sa kanya ang ganitong insidente. Madali kasi syang mataranta lalo na kung patungkol na ito sa kanyang kakaibang damdamin sa kapwa adan. Mawawala ang kanyang katinuan pagkatapos ay biglang mahihimasmasan sa hiya. “Pucha naman o, ano pang mukhang ihaharap ko dun sa mamang yun!? Pagkatapos ng lahat!? Gago ka kasi! Gago ka kasi! Malandi kang gago ka! Grrrrrh! Sa isip ni Denis, ganito sya lagi kapag ipinagkakanulo ng kanyang marupok na puso. Walang nagawa si Dennis kundi bumalik. Ano man ang kahinatnan e ihahanda nya nalamang ang sarili. Di naman nya pwedeng pabayaan nalang ang kanyang bag. Sa bag na iyon maroon ang lahat ng kanyang gamit, damit na pamalit dahil di nya alam kung gano sya katagal mananatili sa lugar na yun, at higit sa lahat ang kanyang wallet. “Yung ngiti nya kanina kakaiba, parang nang aasar na ewan. Pucha baka insultuhin ako nun bago iabot sakin ang bag ko!” “O kaya isigaw sa madla kung pano pinagpyestahan ng mga mata ko ang kanyang katawan at sumigaw ng bakla! Bakla!” O kaya baka ipatubos sakin ang bag ko. Malandi ka kasi” Mahabang muni-muni ni Dennis sa tindi ng kaba at asar sa sarili ang nararamdaman nya sa oras na yun. “AAARRRGH…!” Maya-maya pa ay natanaw nya na ang tindahan. Unti-unti na namang bumubutil ang kanyang pawis sa noo. Mataas pa din ang araw. Itinuloy niya ang paglalakad. Napansin niyang natakpan na ng makapal na ulap ang araw. Nakaramdam siya ng mahalumigmig na hangin. Naginhawaan ang binata. Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang pawis sa mukha at leeg. Nakaharap na sya ngayon sa tapat ng ng tindahan. Kinakabahang niyukuan nya ang muli ang maliit na bintana. Iniisip na huwag na niya muli makita ang magandang tanawing nagpahamak sa kanya. Napabuntunghininga nang wala syang nakitang tao. Ngunit kinabahan sa bag niyang nawalay sa kanyang katawan. Saglit pa nyang sinuyod ng tingin ang kabuan ng tindahan ngunit wala duon ni anino ng lalaki. Nagtatakang tumayo na sya mula sa pagkakayuko sa bintana nung maramdaman nyang may tao sa likod nya. Pagharap nya ay bumulaga sa kanya ang lalaking hinahanap. Nakahubad baro. Nanginintab ang hubad na pawisang katawan. Malangis. Nakatatakam. Natulala sya sa nakitang kakasigan ng lalaki. Buong-buo na niyang nakikita ang tikas nito. Ang maangas na pagkagwapo ng mukha nito. Sa tantiya ng binata ay nasa edad 35 na ang lalaki. Kahit na sa palagay nya na mas gwapo ito nung kabataan. Mag sugsto iya ang kasalukuyan. Likas kay Dennis ang atraksyon nya sa mga Adan na mas malaki ang agwat ng edad sa kanya. ‘Di naiwasang itago ni Dennis ang paghanga sa lalaking nakahubad na nasa harapan dahil sa pagkakatitig. Kita niya ang v-line sa bewang nito sa sobrang baba ng suot nitong pang basketball na shorts. Mas napagmasdan ni Dennis ang alindog na kanina lamang ay nakita nya na. Mas naging maalindog pa ito ngayong nakatayo na ito sa kanyang harapan. Hulmado ng mga masel nito sa mga binti, hita, tyan, dibdib at mga braso. Nanigas ang mga tuhod ni Dennis. Hindi magawang umatras. Mabalasik ang titig ng tindero nang humakbang ito ng mas malapit sa kanya. Wala nang isang piye ang layo nila sa isat-isa. Napasin nya na ang isang braso ng lalaki ay nasa likod na parang may itinatago. Muling binalikan ni Dennis ang mukha ng lalaki, nakangiti na ito ng sa kanya, kung kaya nawala ng kaunti ang kanyang alinlangan. “Eheemh! Ehem! Baka matunaw na ko nyan bata! Ito ba ang hinahanap mo?” habang nakangiting inilabas mula sa likod nya ang backpack. Hindi pa din makakilos ang binata. “M-mmagandang aaraw po kkuyaa…” ang manipis at utal na tinig ni Denns. “Lakihan mo ang boses mo gaga, malandi ka! Harot!” sigaw ng kanyang KJ na kunsensya. “Hinabol kita! Ang bilis mo maglakad para kang may tinatakasan!” Ngiting aso ng lalaki. “Tapos nakita ko si kumpare, naaya ako magbaskeball sandali kaya pinabayaan nalang kita makalayo.” Iniaabot na niya ang backpack sa hindi pa din makagalaw na binata. “…dahil alam ko namang babalikan mo naman ako dito.” Sabay ngiti sa kanya. Napalunok ng laway si Dennis. Iba ang hatid sa kanya ng mga huling salita ng lalaki. Parang napansin nya ding kinindatan sya nito. Lalong gusto nang himatayin ni Dennis ng muling marinig ang tinig ng lalaki. Kahit may punto ay buo ang mababang boses. Lakas maka akit pakinggan. “Ang sarap mong titigan habang pinapawisan” habang kinukuha sa lalaki ang kanyang bag. “Ha…!?” narinig ng tindero ang bulong. “Shiiit! Bakit ko ba nasabi un!” ang pagsisisi ni Dennis. “Aahm, sabi ko salamat po, andito po kasi mga gamit ko saka wallet ko.” Habang nauutal. Hindi talaga marunong magtago ng pananabik si Dennis kapag nasusukol ng makisig na adan. “Pano nyo po nalaman ang pangalan ko?” Pagtataka nyang pahabol na salita sa lalaki. “Syempre, hinanap ko ID mo para makita pangalan mo o kaya address sakali mang hindi mo balikan ang bag mo ay mananawagan ako sa radio o kaya sa tv.” Tawang nakaloloko ang lalaki pero sa halip na kaasaran ni Dennis ay napangiti na lang din sya. “Caloy, nariyan ka na ba ling, kain na tayo.” Sigaw ng babae mula sa loob ng bahay. “Ilagay mo na din ang karatula para di tayo maistorbo sa pananghalian!” Mas nilakasan ang sigaw ng babae. Tiyak nasa kusina dahil medyo malayo ang pinanggalingan ng malambing ding tinig sa isip ni Dennis. “Labas ka muna dito ling at may ipapakilala ako sa ‘yo” pabalik na sigaw ni Caloy.” Habang nakangising nakatitig ito kay Dennis at kumindat ulit. Ngiti na lang din na ubod tamis ang naisagot ni Dennis kay Caloy. Sa puntong ito, tiyak nya na kinikindatan nga sya nito. Namula ang kanyang pisngi. Maya-maya ay bumukas ang pintong katabi ng tindahan at bumungad ang napakagandang babae na kahit bihis probinsyana ay aninag ang ganda ng katawan nito sa loob ng daster na kanyang suot. Hindi mo aakalaing nasa edad 34 na ito dahil baby face at medyo may kababaan ang height. “Ling sya si Dennis, yung nakaiwan ng backpack kanina. Dennis, misis ko, si Dang.” “Aysus sya pala yung kwento mo na nakaiwan kasi nalibang sa sobrang paghigop ng malamig na softdrinks dahil uhaw na uhaw?” Muntik nang matumba si Dennis sa sinabi ng asawa ni Caloy, akala nya may kasunod pa. "Bakit kaya may diin sa salitang uhaw...?" Sa isip niya. Kinuha nya ulit sa bulsa ang panyo at nagpunas ng pawis sa noo. Nang mapadako sya ng tingin kay Caloy ay nakita nya kung pano ito ngumisi sa kanya ng makahulugan. “Gagong Caloy 'to a, baka kung ano pa ang ikinuwento sa asawa nya sa isip-isip nya.” Namumutlang bulong ni Dennis sa sarili. Pagtingin nya ulit kay Caloy ay kinindatan sya nito muli. Sabay ngising nakakaloko. Parang sinasabi na hindi na niya ikinuwento kung paano pinagpiyestahan ng mga mata nya ang kanyang maalindog na katawan kani-kanina lamang. “Buti nakita agad yan ni Caloy, kasi kung nagkataon nakita yan ng ibang bumibili ay tyak hindi na yan maibabalik sayo.” Sabay ngiti at abot ng kamay kay Dennis. “Kamusta ka naman? Wala bang nawala sa loob ng bag mo?” ang pahabol nyang salita kay Dennis. “Wala naman po siguro, saka wala naman pong dapat pag interesan sa bag ko, kahit nga ang bag na ito, tyak walang kukuha, bukod sa luma na e tatakbuhin pa.” Pabirong tugon ni Dennis at nagkatwanan silang tatlo. Palagay na ang loob nya sa sitwasyon ngayon. Tanging nasa isip ni Dennis ay mukhang mahililg maglaro si Caloy. At kung laro din lang ay dito siya magaling Hindi nya uurungan si Caloy. “Ay lalamig na ang pananghalian Caloy, tara na sa loob. Dito ka na din kaya mananghalian Dennis, alam kong hindi ka taga rito at sa tantya ko ay di ka pa din kumakain ng tanghalian.” Anyaya ni Dang “Naku ate, hindi na po, salamat nalang po, kasi may hinahanap po akong tao, baka abutin po ako ng gabi ay mahirapan po ako makasakay pabalik ng Manila.” Ang pakipot pang sagot ni Dennis. Napahagod siyang muli ng tingin sa katawan ni Caloy. “Wag ka nang mahiya tol, kung gusto mo samahan pa kita sa paghahanap mamaya, hindi naman kalakihan ang baryo namin at kaunti lang ang mga bahay dito.” May halong pang akit ang mga ngiti ni Caloy habang kinukumbinsi si Dennis. “Pucha sino bang makatatanggi sa gagong ito.” Sa isip-isip ni Dennis, bukod sa ganda ng hubog ng katawan ay mapang-akit pa ang boses. “Tama si Caloy Dennis, volunteer tanod sya tuwing narito sya, kakababa nya lang ng barko. Libangan nya habang di pa tumatawag ang agency nya. Ang pagsangaayon naman ni Dang. Nauna nang pumasok ng bahay si Dang at sumunod si Dennis. ***** Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD