ANG PAGDUKOT

1157 Words
LIMANG ARAW: BAGO ANG PAG DEKLARA NG "MISSING PERSON" (Oh..oh.. Ahh.) Basang katawan, at maingay na mga patak ng tubig ang kasalukuyang maririnig sa buong banyo. Sinisid ni Leo ang malusog na hinaharap ni Liza. Himas ng kanyang dalawang kamay ngayon ay parang ahas na gumagapang sa malambot na katawan ni Liza. (Oh.. Leo...mahal..) bulong ni Liza. "Gusto kitang pasukan ngayon Mahal..." sinabi ni Leo. "Hindi pwede mahal.. mayroon ako ngayon. Two days na, matatapos din ito" sagot naman ni Liza na pinipigilan ang nobyo na nais makipagtalik sa kanya. "Pero tinitigasan na ako... may pwede ka bang gawin? aliwin mo ako mahal.." pakiusap ni Leo. Gumapang uli ang mga palad nito sa dibdib ni Liza at hinahalik-halikan ang mga labi nito. (Hmm.mm. Mahal..) sinabi ni Liza. Ramdam niya ang paninigas ng kanyang alaga na ikiniskis ni Leo sa kanyang hinaharap sa ibaba. Kriiiiing... kring... Dahil sa biglang pagtunog ng telepono nahinto ang landian at nawalan ng gana si Leo. Lumabas ito ng banyo at sinagot ang tawag habang si Liza naman ay tinapos ang pagbanlaw sa sarili. Sa hindi inaasahan, nagtagal ang pakikipag usap ni Leo sa telepeno. Nag aalala naman si Liza dahil male-late na ito sa trabaho ngayong umaga. "What?! paano nangyari iyon my grand father own that land, they have no rights to do that!" sigaw ni Leo. Nairinig ito ni Liza habang nagbihihis sa loob ng kwarto. "No. May urgent akong pupuntahan this week, sumabay pa yan. Maybe this Friday balitaan kita if matutuloy ako sa pag uwi." sunod na sinabi ni Leo sa kausap. "Mahal, next week uuwi ako ng probinsya gusto mo bang sumama?" "Gusto ko mahal, pero two days na lang ang natitira ko na vacation leave, mabibitin lang ako. Pero try ko magpaalam if papayagan, but don't expect me a hundred percent." sagot ni Liza, habang nakaharap sa salamin at nagme-make up. Pinahiran niya ng makapal na lipstick ang kanyang manipis na labi sa kulay dark-red. Pagkatapos ay nagsuklay ng buhok. Pumasok naman si Leo sa kanilang kwarto upang ilagay ang neck tie sa kanyang leeg. Sa araw na ito ay pareho silang may pasok sa trabaho, kaya kanya kanya sila ng paghahanda, bago umalis ng kanilang tahanan. Ang house and lot na kasalukuyan nilang tinitirhan, ay pagma-may ari ni Leo. Nabili niya ito six years ago, nang makaipon ng sapat at syempre, dahil na rin sa supporta ng kanyang mabait na girlfriend na si Liza. "Alright." I will call you tomorrow. Bye." paalam ni Leo sabay yakap at halik sa kanyang leeg. Ayaw ni Liza na hinahalikan siya sa mukha tuwing nag aayos na siya paalis. Kaya naman alam na ni Leo ang ugali nito. Tahimik ang buong paligid nang lumabas si Leo mula sa pintuan ng bahay. Tila maganda ang bungad ng sinag ng araw ngayong umaga. Bahagya niyang isinara ang pinto sa likuran niya, maingat na huwag lumikha ng ingay, na parang may pakiramdam siyang may mali, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit. Huminga siya nang malalim habang hinigpitan ang relo sa kanyang kaliwang kamay. Parang may bigat sa kanyang dibdib, na tila ang napakaraming isipin sa buhay, ay ayaw tumahimik. Isang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa pababa sa hagdan nang biglang may aninong dumaan malapit sa may gate. Nang mapansin niya ito ay agad siyang tumigil. “May tao ba diyan?” mariing tanong niya, pilit pinatatatag ang boses, kahit kinakabahan na. Walang sumagot. Napalingon siya mula doon at sa kanyang kanan, wala siyang napapansing kakaiba, ngunit sa lugar kung saan parang doon, nagtungo ang anino kanina ay doon siya nagtungo, marahang inilapit ang sarili sa isang isang sulok na huhugot sa kanya, sa kapahamakan. Sa hindi inaasahan, unti-unting humakbang palapit ang isang estrangherong lalaki mula sa madilim na bakuran. Matangkad ang pangangatawan nito, suot ang itim na jacket at sumbrerong halos tumatakip sa mukha. Hindi makita ang mga mata, ni ang buong anyo ay parang sinadya nitong manatiling lihim. Nagkatinginan sila, at sa loob ng ilang segundo, parang huminto ang oras. “Sino ka? anong kailangan mo?” tanong ni Leo, mas mababa na ang boses, handa nang umatras kung kinakailangan. Ngunit imbes na sumagot, bahagyang ngumisi ang estranghero. Isang ngiting malamig, mapanganib... at doon na naramdaman ni Leo na hindi ito basta tao lamang. “Matagal na kitang hinahanap,” mahinang sabi ng lalaki. May kakaibang diin ang bawat salita, na para bang may nakatagong galit. Napakunot ang noo ni Leo. “Hindi kita kilala,” mariin niyang sagot. “Umalis ka na bago...” Hindi na niya natapos ang sasabihin. Dahil sa isang iglap, sumugod ang estranghero at sinuntok ang mukha ni Leo. Isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang panga, dahilan upang mapaatras siya at halos matumba sa lupa. Umalingawngaw ang tunog ng suntok sa katahimikan ng umaga, ngunit walang sinumang nakarinig at nakakita, parang binalot ng dilim ang buong paligid. “Argh!” daing ni Leo habang pilit itinuwid ang katawan. Mabilis namaga ang kanyang panga, dahil sa nangyari. Ngunit hindi pa tapos ang lalaki. Agad nitong sinakal si Leo, mahigpit ang pagkakapulupot ng braso sa kanyang leeg. Naramdaman ni Leo ang pagkapaso ng hangin sa kanyang lalamunan, ang unti-unting pagkawala ng lakas sa kanyang mga kamay. Sinubukan niyang pumalag, kumapit sa braso ng estranghero, ngunit tila bakal ang higpit ng hawak nito. “Matagal mo nang utang ito,” bulong ng lalaki, halos idikit ang labi sa kanyang tainga. “At ngayong araw, ang simula ng paniningil ko.." Nanlabo ang paningin ni Leo. Ang liwanag ng kalangitan ay parang umiikot, at ang t***k ng kanyang puso ay unti-unting bumabagal. Ngunit bago pa tuluyang mawalan ng malay, bigla na lamang siyang hinila, papunta sa gate ng bahay. Walang sinuman ang nakakita sa estrangherong may bitbit na isang lalaki, at lumabas sa gate na iyon. Walang kapitbahay na lumabas. Walang sasakyan na dumaan. Walang boses na sumigaw, para sana masaklolohan siya. Parang nilamon ng umaga ang lahat. Pagdating sa labas ng gate, may nakaparadang itim na kotse. Naka-on ang makina, at bahagyang bumubuga ng usok ang tambutso nito. Binuksan ng estranghero ang pinto sa likuran at walang-awang ikinarga ang katawan ni Leo sa loob. Bumagsak ang katawan ni Leo sa upuan, hingal na hingal sa pagod ang estranghero sa kanyang ginawa. Ngunit bago pa siya makala alis ay isinara na ng estranghero ang pinto, isang tunog na parang hudyat ng pagtatapos ng kanyang kalayaan. Sa labas, umiikot ang gulong ng itim na kotse, unti-unting umaandar palayo sa lugar na iyon, na minsan niyang tinawag na ligtas na tahanan. Habang palayo nang palayo ang sasakyan, doon nagsimulang maglaro sa isipan ni Leo ang isang tanong na paulit-ulit na nagpapahirap sa kanyang kalooban. Sino ang lalaking ito? At ano ang kasalanang hindi ko maalala o sadyang pilit kong kinalimutan? Habang abala ang isip ni Leo. Sa likod ng madilim na salamin ng kotse, ay makikita na ngumiti ang estranghero. "Pagbabayaran mo na ang lahat" sinabi niya habang patuloy sa pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD