Parang tumigil ang mundo ni Liza.
“Ano…?”
“Barilin mo si Leo,” ulit nito. “At palalayain kita..”
Napaatras si Liza.
“Baliw ka…” sigaw ni Liza.
“Hindi, makatarungan lang...” sagot ng lalaki.
Napailing si Liza at nagsimulang namuo na ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Hindi ko kaya...”
“Kung hindi mo gagawin…” tinaas nito ang baril at itinutok kay Leo, “ako ang gagawa.”
“Liza…” mahinang boses ni Leo.
Nagkatinginan silang dalawa, nangingibabaw ang maraming tanong, pagkabalisa, at punong-puno ng takot.
Pati na ang sinasabing "Pagmamahal" Kung ang maging kabaliktaran naman nito ay sakit.
“Hindi ko kaya…” umiiyak na si Liza.
Ngumiti ang lalaki.
“At diyan nagsisimula ang pagbabayad.”
Humigpit ang hawak ni Liza sa baril. At sa unang pagkakataon, kailangan niyang pumili.
Pag-ibig o buhay?
At sa likod ng lahat nang ito, ay nakangiti ang nakaraan, at nakahanda nang maningil.
Mahigpit ang hawak ni Liza sa baril.
Halos mangalay ang kanyang kamay sa sobrang panginginig. Ramdam niya ang bigat nito, hindi lang sa bakal, kundi sa desisyong kalakip nito. Nakaharap siya kay Leo, ilang hakbang lang ang pagitan nila.
Sugatan si Leo. Nakaluhod. Nakatingin sa kanya habang namumula ang mata dahil sa kanyang pigil na pag iyak. Hindi siya galit, ngunit natatakot siya at nagsusumamo.
“Liza…” mahina niyang tawag, pilit pinatatag ang boses kahit halatang nanghihina na siya.
Napapikit si Liza.
“Hindi ko kaya…” bulong niya, halos hindi na lumalabas ang boses sa kanyang lalamunan.
Sa likod niya.. ay tahimik na nakatayo ang lalaki. Na parang pinapanood ang nakakapanabik na eksina. Ang presensya nito ay parang anino na bumabalot sa buong silid.
Walang awa ang kanyang mga mata, at walang pag-aalinlangan.
“Hindi ko kaya…” ulit ni Liza, mas mahina at basag na boses.
Dito na kumilos ang lalaki, dahan-dahang siyang lumapit kay Liza. Hanggang sa halos nasa likod na siya ni Liza.
“Hindi mo kailangan kayanin,” malamig nitong sabi. “Kailangan mo lang gawin.”
Napailing si Liza. Mas lalong nanginig ang kamay niya. "Hindi… hindi ganito…”
“Isa…”
Parang tumigil ang t***k ng puso ni Liza, nang biglang nagbilang ng numero ang lalaki.
"dalawa..."
Napadilat si Liza
“Tatlo…”
“Please stop!!” sigaw ni Liza, biglang napapihit ang ulo paharap sa lalaki.
Ngunit hindi ito tumigil. Hindi ito kumurap man lang, at sa halip, mas lalo pa itong ngumiti. Isang ngiting walang emosyon, at mas nakakatakot.
"Uulitin ko..." sinabi ng lalaki.
At sa walang pag aalinlangan, nagpatuloy ang lalaki.
“Tat...”
“WAG!!” sigaw ni Leo.
Biglang pumutok ang baril.
Umalingawngaw ang tunog sa buong gusali.
Napapikit si Liza.
Nanigas ang katawan ni Leo.
Napatahimik ng isang eksina ang sandali. Parang sa isang paghinga lang ay natapos na ang lahat ng paghihirap. Ngunit mali pala...
Dahan-dahang iminulat ni Liza ang kanyang mga mata. Humihinga siya nang mabilis.
Hindi niya agad kayang tumingin, pero pinilit niya. At nang makita niya na hindi si Leo ang tinamaan, ay napabuntong hininga siya.
Tumama ang bala sa sahig, ilang pulgada lang ang layo mula sa paa nito.
Napaatras si Liza, at nahulog ang baril mula sa kanyang kamay.
“Ayoko… ayoko…” paulit-ulit niyang bulong habang napaupo sa sahig, yakap ang sarili.
Habang tahimik ang lalaki sa kanyang likod. Ngunit ang kanyang ekspresyon, ay biglang naging maitim pa, kaysa sa kanyang galit.
Lumapit siya sa harap ni Liza.
“Hindi mo sinunod ang utos ko…” mahina ngunit matalim niyang sabi.
Napatingala si Liza, at nanginginig.
“Hindi ko kaya… please… wag mo kaming pilitin…”
Biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang baba ng mahigpit at itinaas ang kanyang mukha.
“Tingnan mo ako,” utos nito.
Napilitan si Liza na tumingin uli sa kanya, habang tinitiis ang sakit dahil sa sobrang higpit ng kanyang pagkahawak. At ang pagkabaliw na unti-unting kumakain sa lalaking nasa harap niya.
“Akala mo ba laro lang ‘to?” bulong nito.
“Akala mo may choice ka?” dagdag pa ng lalaki.
Habang sa unahan, ay marahang gumalaw si Leo, pilit kumikilos, para makawala kahit sugatan.
“Bitawan mo siya!” sigaw ni Leo.
Agad napalingon ang lalaki sa kanya. Binitawan nga ng lalaki si Liza at lumapit naman ito kay Leo. At sa isang iglap, sinipa niya ng malakas si Leo pabalik sa sahig.
“Manahimik ka!” sigaw nito.
Napahiyaw si Liza. “Tama na! Please tama na!”
Humihingal ang lalaki. Parang may pinipigilang emosyon. Unti-unti siyang tumayo ng tuwid. At muling tumingin kay Liza.
“Isa na lang ang natitirang paraan,” sabi niya na malamig ulit ang boses.
Nanlaki ang mata ni Liza. “Ano…?”
Dahan-dahang kinuha ng lalaki ang baril sa sahig. At inabot sa kanya muli.
“Kung hindi mo siya kayang patayin…” sabi nito sa mababang boses.
“…patunayan mo kung gaano mo siya kamahal.”
Napaatras si Liza.
Hindi niya gustong hawakan ulit ang baril na iyon.
Pero pinipilit siya ng lalaki.
Ipinasok ng lalaki ang baril sa kamay ni Liza. “At this time…” bulong nito.
“Walang palya.”
Tahimik ulit ang mundo ni Liza. Nanginginig pa.
Habang si Leo, ay nakatingin lang sa kanya.
At ang tila direktor na lalaki ay naghihintay sa susunod, at huling eksina. Sa pagkakataong ito, ay wala nang countdown.
Mas mabigat na ngayon ang katahimikan para kay Leo at Liza. Para sa dalawang taong nagmamahalan.
Habang itinaas na muli ni Liza ang baril, ay nagbalik ang mga masasayang alaala sa kanyang isipan, tungkol sa kanilang dalawa ni Leo.
Sa ilang taong pagsasama nila, mga ngiti at pagsubok na nalagpasan. Ang tagumpay ay naaabot nila ng magkaramay, suportado nila ang isa't isa.
At sa nalalapit na kaarawan ni Leo, si Liza ay may nakahandang regalo para sa kanyang fiancee.. ngunit ang regalo na iyon, ay tila naitapon na lamang sa hindi maipaliwanag na dahilan. At ang magiging masayang araw sana, sa darating na petsa ng kanilang kasal, ay tila isang panaginip na lamang...
Mas nakakatakot, at mas nakakalungkot.. dahil alam nilang dalawa, na may isang desisyon na kailangang gawin. At kahit ano ang piliin ni Liza, ay may mawawala.
Kalaunan... ay nagparaya si Liza.
At umalingawngaw bigla ang isang putok.