🐍 ANG NAKARAAN NA BUMALIK

986 Words
Mabagal ang pagbalik ng ulirat ni Leo. Parang lumulutang ang kanyang katawan sa kawalan, walang direksyon, walang kontrol. Ngunit unti-unti, sumiksik ang realidad. Una, ang sakit. Kumirot ang kanyang panga. Sumunod ang kanyang leeg, tila ba may bakal na pumiga rito. At pagkatapos, ramdam niya ang amig sa kanyang tagiliran. Napadilat siya. Madilim ang paligid, ngunit may iisang ilaw na nakasabit sa kisame, kumukurap, parang anumang oras ay mamamatay. Ang ilaw na iyon ang nagbigay ng anino sa buong silid, mga aninong parang may sariling buhay. Sinubukan niyang gumalaw. Ngunit hindi niya magawa. Nakatali ang kanyang mga kamay sa likod ng isang upuan. Ang kanyang mga paa ay may tali rin. Ang bawat galaw niya ay may kasamang langitngit ng lumang kahoy. “Gising ka na pala.” Napahinto si Leo. Ang boses, malamig, kontrolado, ngunit may halong galit na pilit pinipigil. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo. Naroon ang estranghero. Nakaupo sa kabilang dulo ng silid, bahagyang natatakpan ng dilim ang mukha. Ngunit kita ang kanyang mga mata, na nakatingin sa kanya, matalim, parang sinusuri ang bawat reaksyon ni Leo. “Nasaan ako?” mahina ngunit pilit na matatag ang boses ni Leo. Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip, tumayo ito, at nagsimulang maglakad. Isa at sa pangalawang hakbang. Ang bawat tunog ng kanyang sapatos sa sementadong sahig ay parang orasan na bumibilang ng oras ni Leo. “Sa lugar kung saan wala kang takasan,” sagot nito sa wakas. Napakagat si Leo sa labi. “Kung pera ang gusto mo, pag-usapan natin...” Biglang tumawa ang lalaki. Isang tawang hindi masaya, isang tawang puno ng panlilibak. “Pera?” ulit niya. “Akala mo ba ganun lang kababaw ang dahilan ko?” Lumapit ito. At sa unang pagkakataon, nasilayan ni Leo ang mukha nito. Matigas ang linya ng panga. May peklat sa kaliwang pisngi. Ngunit ang pinaka-nakapangingilabot, ay ang mga mata nito. Hindi iyon mata ng isang simpleng kriminal. Mata iyon ng isang taong matagal nang naghihintay, na para manuklaw ng gustong biktimahin. “Hindi kita kilala,” mariing sabi ni Leo, kahit may bahagyang pag-alog sa boses niya. Tumigil ang lalaki sa harap niya. Yumuko ito at inilapit ang sariling mukha kay Leo. “Sigurado ka?” Saglit na natahimik si Leo. May kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib, parang may gustong kumawala na alaala. Isang parti ng mga alaala na hindi pa niya naiintindihan kung bakit nangyari iyon, pilit niyang pinipigilan ang sarili na isipin iyon. “Ano’ng gusto mo?” tanong niya. Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, hinila siya nito pababa mula sa upuan. Bumagsak si Leo sa sahig, sumadsad ang kanyang balikat at napangiwi siya sa sakit. “Tumayo ka,” utos ng lalaki. Ngunit hindi kumibo si Leo. Nananatili siya sa sahig at kunwareng namimilipit sa sakit. Dito na kumilos ang lalaki. Hinila siya pataas ng lalaki at halos kaladkarin papunta sa kabilang pader. Pagharap ni Leo, napahinto siya dahil sa kanyang mga nakikita. Punong-puno ng litrato ang pader. Hindi random kundi may pattern, konektado sa lupa, titulo at mga dokumento. At sa gitna ng isang litrato, ay isang pamilya. Isang matandang lalaki, isang babae, at isang batang lalaki. Napako ang tingin ni Leo doon. May kung anong kumirot sa kanyang ulo. Isang kisapmata para maalala niya ang malaking apoy. Mga sigaw at malawakang usok sa paligid. “Hindi…” bulong niya. Lumapit ang lalaki sa kanyang likod. “Kilalanin mo sila,” sabi nito. “Hindi ko sila kilala…” sagot ni Leo. “Talaga?” Biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang ulo at pilit ipinaharap at mas inilapit muli ang mukha ni Leo sa litrato. “Tingnan mong mabuti!” Napapikit si Leo, pero hindi niya maiwasang makakita. Ang mga eksena.. sa isang lumang bahay. Pagkatapos ay nag-blured ang kanyang alalala,.pero nakikita niyang may isang batang nakatakbo mula sa apoy. Ang batang iyon ay sumisigaw, at umiiyak. “Sunog!” Napasinghap si Leo. “Hindi… hindi totoo ‘to…” “Hindi mo lang maalala,” malamig na sagot ng lalaki. Unti-unting lumambot ang mga tuhod ni Leo. “Ako yung batang ‘yon” dugtong nito. Tila naging bingi si Leo, nawala ang tunog sa paligid... nawala ang hangin at mga huni ng ibon. Parang huminto ang oras. Dahan-dahang lumingon si Leo. At sa unang pagkakataon, nakita na nga niya ang galit. Ang sakit na matagal nang kinikimkim ng lalaking ito. “Sinunog ninyo ang bahay namin,” sabi ng lalaki, nanginginig na ang boses. “Para maagaw ang lupa.” “Hindi ako...” putol ni Leo. “Hindi ikaw ang nagsindi ng apoy,” sagot nito. “Pero ang pamilya mo… sila ang dahilan kung bakit wala na akong pamilya ngayon.” Napaatras si Leo. “Hindi ko alam ‘yan…” “Hindi mo alam?” tumawa ito muli, pero ngayon may halong poot. “O pinili mo lang kalimutan para hindi ka makaramdam ng guilt?” “Bata pa ako noon!” sigaw ni Leo. “Exactly.” Isang masakit na katahimikan ang sumunod, sa pamamagitan nilang dalawa. Lumapit ang lalaki, mas malapit kaysa kanina. “Habang ikaw lumaki na may bahay, may pamilya, may buhay…” bulong nito, “ako… lumaki na may galit lang.” Napayuko si Leo. Unti-unting bumabalik ang alaala. Hindi malinaw, pero sapat para maramdaman niya ang bigat. “Hindi ko mababago ang nangyari…” mahina niyang sabi. “Hindi,” sagot ng lalaki. “Pero pwede mong pagbayaran.” “Paano?” Ngumiti ang lalaki. Isang ngiting walang awa. “Sa pamamagitan ng taong mahal mo.” Biglang nanlaki ang mata ni Leo. "Liza…?" “And finally, ikaw na mismo ang nagbangit nang pangalan niya,” sabi ng lalaki. “May halaga ka rin pala.” “Wag mo siyang idamay!” sigaw ni Leo, pilit kumakawala sa tali. Ngunit mas humigpit ang tali, at mas lumalim ang ngiti ng lalaki. “Late ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD