CHAPTER 3
Ilang linggo rin ang dumaan matapos ang gabi na yon na sinamahan ako ni kuya Sean sa hospital, hindi na ulit kami nagkita. Siguro naging okupado siya sa trabaho niya.
Marami rin akong ginawa sa mga araw na nagdaan, bukod sa pagbabantay kay kuya, inaasikaso ko rin ang mga pending school works dahil mag ki-Christmas break na. At since uso na ang mga year end parties, pinatulan ko na ang pag iimbita ng ilan para kumanta ako. Mabuti na lang at nakaka uwi na ako ng maaga dahil nag early christmas vacation yung instructor ko sa voice lesson.
Gayon pa man, hindi pa rin ako nakakapagpahinga sa bahay dahil sa mga inuutos ni auntie Tes.
"Ganyan nga, gawin mo lahat ng pinag-uutos ko sayo para hindi masayang ang mga perang lumalabas sa bulsa ko." Sabi ni auntie pagkarating niya galing sa lakwatsa niya.
Pumasok siya sa loob at mabilis na nakapalit ng damit pambahay. Nilapitan niya ako at hinagis ang damit niyang sinuot kanina, natamaan pa ako sa mukha.
"Labhan mo rin yan. Kukusuin mo na lang ng konti at huwag mo na patagalin na nakababad sa sabon hindi naman masyadong nadumihan yan. Isa sa mga paborito kong damit ang hawak mo, ayokong masira ang tela, mamahalin yan kaya ingatan mo." Humakbang na siya palayo sa akin.
I rolled my eyes. "Hindi naman pala nadumihan, bakit ko pa kailangan labhan? Natatakot ka pang masira ang tela, edi sana ikaw na lang naglaba. O di kaya pina-laundry na lang sa labas tutal afford mo naman. Mamahalin daw pero mukhang sa ukay-ukay naman to binili." bulong ko at padabog na nilagay ang damit ni auntie sa isang palanggana.
Bakit pa kasi nagkataong sira yung washing machine, tapos na sana yung trabaho ko kanina pa.
"May sinasabi ka ba?!" Nilapitan niya ako ulit and raised her hand as if to strike me. Umiwas agad ako. "Hoy! Baka nakakalimutan mo, hindi ikaw ang masusunod dito! Gawaing bahay na nga lang ang ambag mo. Bakit kaya mo ng buhayin ang sarili mo at ang kapatid mo?!" Sarkastiko siyang tumawa. "Wala kang utang na loob, kung hindi dahil sa pera ko hindi ka makakapag-aral, bobita ka!" Dinuro duro pa niya ako.
Pinigilan ko ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko, ayokong ipakita kay auntie na natatakot ako sa kanya. Pag nakita niya ang kahinaan ko, mas lalo niya lang akong mamaliitin.
Yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Pumasok na rin siya sa loob at kung anu-ano pang masasakit na salita ang narinig ko.
***
"Saan ka pupunta? May inaasahan pa akong mga bisita mayamaya." Sabi ni auntie Tes pagkababa ko galing sa kwarto.
"Kay kuya po. M-mag se-celebrate ako ng pasko kasama si kuya." Nilampasan ko na siya ngunit mahigpit niya akong hinawakan sa braso.
"Matigas talaga yang ulo mo." Madiin na sabi ni auntie. Binitawan niya ako at huminga ng malalim. "Pagbibigyan kita ngayon, pero subukan mong hindi makauwi ng maaga makikita mo na lahat ng gamit mo sa labas ng kalsada."
Yon lang ang nasabi niya at dumiretso na siya sa kusina. Ikinalma ko yung sarili ko at tumuloy na sa pag alis.
Dumaan pa ako sa isang fruit stand at bumili ng mga prutas. Mabuti at kahit holiday ay may nagtitinda pa rin.
Pagkarating ko sa floor kung saan nandoon ang room ni kuya ay may napansin akong isang lalaking nakatayo sa tapat ng pinto. He knocked at the door, nang makalapit ako at makilala siya ay medyo hesitant pa akong tawagin siya.
What is he doing here? At may dala pa siyang bulaklak.
"K-kuya Sean?"
Lumingon siya sa gawi ko. "Hi!" Nakangiti siyang inabot sa akin ang bulaklak.
"F-for you, Merry Christmas!"
Laking gulat ko na Tulips pala yung bulaklak na hawak niya.
"H-how did you know? Favorite ko to.."
Ever since I was a child, gustong gusto ko na ang bulaklak na ito. Apart from its most known meaning which is perfect and deep love. Ito yung binibigay sa akin nina mommy at daddy sa tuwing nananalo ako sa mga sinasalihan kong singing contest.
Even nung graduation ko noong grade school, Tulips rin ang bouquet na binigay nila sa akin, that's why it so special to me. It holds so many memories.
Noong naaksidente sila mama ay akala ko wala na akong matatanggap na bulaklak na ganito but my brother tried his best to continue the tradition. Yun nga lang, it stopped when kuya got hospitalized.
Until this day comes..
Kaya nakakapagtaka na alam niya na paborito ko to. Bukod kasi kay kuya ay wala na akong pinagsabihan tungkol dito.
I was spaced out for a while hanggang sa sinagot niya yung tanong ko.
"M-may nakapagsabi lang sa akin." Napakamot siya sa batok niya. "Busy ka ba ngayon? May gagawin ka?"
Napaisip ako at tinignan ang basket ng mga prutas na nilapag ko kanina pagkatanggap ko sa bulaklak. I'm supposed to spend Christmas with my brother, yon lang naman ang gagawin ko ngayong araw but na touched ako sa pa-bouquet nitong lalaki sa harapan ko might as well samahan ko na muna siya.
"Wala naman, bakit?"
Lumiwanag ang kanyang mukha at ngumiti.
"Since it's christmas day, is it okay to ask you out? We will just grab a quick lunch, mamamasyal then balik na tayo dito."
Naguguluhan man ako sa ginagawa niya, pumayag na lang din ako. Nilagay ko na muna yung basket sa loob ng kwarto ni kuya at umalis na kami.
We went outside the hospital and he led me to his car. When we were both seated, he started the engine and drove to my other favorite which is the K-BBQ restaurant.
Namilog ang mga mata ko nang makita kung saan niya ako dinala after he parked the car, I turned to his direction.
"T-teka.. Papaanong.. Anong meron? B-bakit?.."
Mukha na akong tanga for sure dahil sa mga lumalabas sa bibig ko. Pilit pa niyang pinipigilan ang pagtawa pero hindi yon nangyari at tinawanan parin niya ako.
"Pwede kumain na muna tayo? Gutom na ako, eh. Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo."
***
Dahil in-enjoy ko ang pagkain ng Korean BBQ ay hindi ko na siya natanong ulit kung paano niya nalaman ang mga bagay na paborito ko. Siguro na takam ako kaya ganon, matagal na rin nung huli kong kain dito.
Noon kasi kapag unang sweldo ni kuya ay dito niya ako dinala at nilibre kaya nagtuloy tuloy na everytime sumasahod siya.
"Yung totoo, bakit mo to ginagawa?" Tanong ko sa kanya pag-upo sa isang bench. Dinala niya ako sa isang lugar na malayo na sa city matapos namin mag lunch. To be exact, we're here in Lantawan Grassland.
I heard of this place already but it's my first time going here. It's an overlooking place where you can see the widest angel of view of the entire Zamboanga City. Mas maganda kapag gabi dahil sa city lights, also it's a good place to have a 'Me Time' o mag muni-muni since it's quiet.
"I just want to see you smile." Umupo siya sa tabi ko. Kumunot naman yung noo ko dahil sa sagot niya.
"W-what do you mean?"
"Nakikita ko sa mga mata mo ang kalungkutan. You must be tired also.. Kaya naisip kong gawin to para atleast mapagaan ang pakiramdam mo. Kaya rin kita dinala rito para mag relax ng konti at kalimutan pansamantala ang problema."
Nangingilid na ang luha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Am I too transparent? Kahit anong pilit ko pala na itago ang lungkot at pagod ko, nahahalata pa rin.
"Y-you don't need to do this though." pinalis ko agad ang luhang tumulo sa pisngi ko.
"The sadness in your eyes, y-your situation right now.. Makes me want to help you."
I faced him. Anong pinagsasabi nito? Bakit niya ako tutulungan? Concern citizen? Or naaawa lang kaya gustong tumulong?
"Thank you for the offer, kuya Sean but no need. Kaya ko naman na, eh."
I manage to say it politely as possible. Nakita kong tumaas ang isang sulok ng bibig niya.
"I know kaya mo but let me help you. Baka iniisip mong naaawa ako sayo but it's not. Hanga pa nga ako sayo sa mga nagawa mo. Gusto ko lang talaga na tulungan ka."
I can feel that he is sincere about what he said. Pero tama bang tanggapin ko ang offer niya? Gaya nga ng sabi ni Coleen, wala naman sigurong masama.
I was distracted ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko yung phone mula sa bag ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakaramdam agad ako ng kaba ng makita ang pangalan ni ate Claire sa screen.
"Hello, ate Claire?"
[Lexi!!]
She is panicking on the other line. Mas kinabahan ako, napansin ko naman ang tingin sa akin ni kuya Sean, he looked concern.
[Lexi, yung kuya mo.. nasaan ka? Pumunta ka na dito!]
In-end ko na ang tawag at nagmadaling tumayo.
"Is there something wrong?" Tumayo na rin siya.
"Kailangan ko na bumalik ng hospital. S-si kuya —"
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil hinila na niya ako at nagmadali na kaming umalis.