CHAPTER 4

1191 Words
CHAPTER 4 Nanlalamig na ang mga kamay ko, hindi na ako mapakali. Sana walang nangyaring masama kay kuya, mag se-celebrate pa kami ng christmas. Nag-iinit na yung mga mata ko, any minute tutulo na ang luha ko pero ayokong umiyak lalo pa't kasama ko si kuya Sean. He drove so fast, fortunately walang traffic and we arrived at the hospital ng wala pang 30 minutes kahit medyo malayo ang pinanggalingan namin. Doble na ang hakbang ko patungo sa kwarto ni kuya ngunit pagdating namin doon ay wala ng tao. "Kuya..." bulong ko at nasapo ang aking ulo. Naririnig kong tinatanong ni kuya Sean ang isang nurse na dumaan kung saan dinala ang pasyenteng naka admit dito at tanging kibit-balikat lang ang sinagot niya. Nilapitan ko sila. "Kilala mo ba si nurse Claire? Siya ang nurse na naka assign dito." A realization struck the nurse's face. "Oh, I saw her earlier rushing a patient to the ICU." Sumandal agad ako sa pintuan ng manghina ang aking tuhod. "Sige, salamat." sabi ni kuya sa nurse at agad na nilapitan ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinaplos ito. "Hey, your brother will be okay, let's go." He grab my right hand and hold it tightly. Mabigat ang aking mga paa habang palapit na kami sa ICU. When we arrived there, nakita ko sa labas si ate Claire na nakayuko but when she felt our presence, she stood up straight and look at me. A tear escaped from her eyes. Am I late already? Ito na ba ang araw na kinakatakutan kong mangyari? She walked slowly toward me and hugged me. "I-I'm sorry, Lexi.. we tried our best to revive your brother but still.." Her voice broke. "He didn't make it." sabi niya at nagsimula ng umiyak. I felt a lump in my throat, ngunit nagawa ko parin magsalita. "B-bakit ate? Anong nangyari? Maganda naman ang response niya sa gamot di ba?" Mas lalo pang naiyak si ate Claire, ewan ko ba parang umurong yung luha ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman, feeling ko may tinatago sila sa akin. ** "Kumain ka na muna, besty." Inabot sa akin ni Coleen ang isang sandwich at bote ng mineral water at umupo sa gilid ko. "I heard from kuya Sean na hindi ka pa kumain simula pa kanina. It's almost midnight, baka ikaw naman magkasakit niyan." "Hindi pa ako nagugutom." Walang gana kong sagot. I heard her sigh. "Hindi na kita pipilitin, but please huwag mong pabayaan sarili mo." Nilapag niya sa side ko ang pagkain at ang tubig. "Maiwan na muna kita, i'll just go to the rest room." Tumango lang ako at lumakad na siya. I'm all alone now, well not really dahil kay auntie Tes pa rin ako titira. Pero nawalan na naman ako ng kapamilya. Una yong parents ko, tapos ikaw naman ngayon, kuya.. Bakit? Ikaw na nga lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas tapos iiwanan mo rin pala ako mag-isa. Ang bigat sa dibdib. "Lexi?" I looked up at the person who called me. "Ate Claire.." Tinignan muna niya ang nilapag ni Coleen kanina at umupo sa tabi ko. "Bakit mag-isa ka lang dito sa labas ng funeral home? Nasaan na yung lalaking kasama mo kanina?" "He's the one processing the cremation of my brother, kasama niya yung pinsan ng best friend ko." Sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. "I see.." Umiwas siya ng tingin sa akin at bumuntong hininga. Huminga rin ako ng malalim at pilit na pinapatatag ang sarili. "M-may tinatago ba kayo sa akin, ate?" Gustong gusto ko na talaga itanong sa kanya kanina ang tungkol kay kuya ngunit naging busy lang kami ni kuya Sean sa pag-aasikaso sa mga bayarin sa ospital at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para magpahinga dahil si kuya Sean na lang ang nag-abala sa cremation. May namumuo ng luha sa kanyang mga mata ng tumingin ulit siya sa akin. Kitang kita sa kanya ang pagsisisi. "S-sorry, Lexi.. Patawad dahil nilihim ko sayo ang totoo.." She paused for a bit and composed herself. "Humingi sa akin ng pabor ang kuya mo na huwag ng sabihin sayo ang totoo niyang estado." She is hesitant to continue but I gave her a nod to go on. Gusto kong malaman ang lahat. "When you admitted him in the hospital, nasa stage 3 na yung COPD niya pero mabilis na lumala ang kalagayan niya. We run some test at doon namin nalaman na nasa stage 4 na yung sakit niya. He told me na huwag na sabihin sayo para hindi ka na mag-alala at pagtuunan mo na lang ang pag-aaral mo." "Pero ate.. y-yung mga gamot? Hindi ba umepekto man lang kay kuya?" Ang bigat na ng pakiramdam ko, I wanted to shout and cry pero mas umaapaw ang pagtatampo ko kay kuya at sa pagkadismaya kay ate Claire. Yumuko siya. "It helped him, Lexi. It helped him reduce the risk of exacerbations or flare ups. But COPD stage 4 life expentancy is 5-8 years only, at alam niya ito. Marahil ay tanggap niya na ang kahihinatnan niya kaya siya na ang kusang umayaw na tanggapin pa ang mga gamot na binibigay sa kanya. At yun ngang nangyari kanina, while you're not around he experience shortness of breathing at severe exacerbations kaya tinakbo na namin siya sa ICU but when we arrive there he already experienced chronic respiratory failure and after a while he passed away." Pinahid ko agad ang luhang tumulo sa pisngi ko. "I am so disappointed with you, ate Claire." Inangat niya ulit ang ulo niya and she looked flustered. Seryoso lang ang tingin ko sa kanya. "Pinagkatiwalaan kita, tinuring na kitang pamilya. Hindi naman mawawala sa akin ang pag-aalala dahil kapatid ko yon. I deserve to know the truth pero anong ginawa mo? You made me oblivious, malala na pala ang sakit ni kuya at ako walang kaalam-alam. Nagsisikap akong maghanap ng extra income para sa pang gamot sa kanya, tiniis kong hindi siya makasama ng halos buong araw. Kung nalaman ko lang ng mas maaga edi sana mas nabigyan ko pa siya ng maraming oras at nakapag bonding pa kami." Humagulgol na siya. "I'm sorry, Lexi. Gusto ko ng aminin sayo, pero naghahanap lang ako ng tamang tsempo." Hindi na ako sumagot, patuloy lang siya sa pag-iyak ngunit nahinto lang dahil sa pagdating nila Coleen. "Is everything okay?" Tanong ni Coleen sa amin. "Y-yes." Mabilis na sagot ni ate Claire at nagpunas ng luha. "I should go now, condolence ulit, Lexi." Tumango lang ako ng hindi na siya tinitignan. Tumayo na siya at umalis na. Naramdaman ko naman na may umupo sa pwesto kanina ni ate Claire. I know it was him. Marahan niya akong hinawakan sa braso. "Hey, hindi mo parin ginagalaw yung pagkain. You should eat." Kinuha niya ang pagkain at binigay sa akin. Tinignan ko lang ito at binalingan siya. "Please.." pagsusumamo niya. Hindi ko alam kung bakit pero ng makita ko ang mukha niya na punong puno ng pag-aalala ay kinuha ko ang hawak niyang sandwich at kinain ito. That's the time I saw him breathe a sigh of relief.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD