CHAPTER 5

1206 Words
CHAPTER 5 One month has passed since the death of my brother. Ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang kasama ko pa si kuya pero ngayon ako na lang mag-isa. It all makes sense now, yung gabing nag sorry siya sa akin at ang pagluha niya.. sign na pala yon. Si Auntie Tes naman, she has been torturing me after mailibing si kuya. Kung noon ay verbal lang, sa sitwasyon ko sa panahong ito ay sinasaktan na ako. Gustong gusto ko nang umalis sa pamamahay na yon pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong sapat na ipon para humanap ng apartment. Nakakahiya namang humingi ng tulong kay Coleen. "Kuya, I miss you so much.." Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko at nag ready ng umalis sa sementeryo. I was about to walk but I stopped when I saw kuya Sean. "Lexi.." I slightly smiled. "H-hi, kuya Sean." This man.. I really appreciate the things he did to me when I'm at my lowest. Pero after that day na inilibing namin ang kapatid ko ay hindi na siya nagpakita. Hindi na siya nagparamdam. Marahil ay tapos na ang pagtulong niya kaya wala na siyang pakialam sa akin. Wala din naman kaming communication. But it hurts me a little, I feel like he ghosted me. Though wala naman akong karapatan maramdaman to. "Can I invite you for coffee?" Nag-aalangan akong sumama, kailangan kong makauwi ng maaga dahil may mga utos pa si aunty na hindi ko pa nagagawa. Pero bat feeling ko may gusto siyang sabihin sa akin. Tumango ako at pinauna niya akong maglakad. While he's driving ay tahimik lang ako, sa labas lang ako nakatingin pero ramdam ko ang bawat sulyap niya sa akin. That's when I realized about what I'm wearing. Nakakahiya na makita niya akong ganito. Iniinsulto niya na kaya ako? I'm just wearing a basic tee, denim pants and sneakers. Walang kaayos ayos yung buhok ko dahil naka messy bun ito. Na concious tuloy ako. We arrived at Bo's Coffee, after namin makahanap ng mauupuan ay si kuya Sean na ang um-order para sa aming dalawa. Ilang minuto lang din ang dumaan ay nakabalik na siya sa mesa namin. Medyo nagulat pa ako dahil ang in-order niya ay ang mga paborito ko dito which is caffe mocha at bolognese pasta. Ganon na lang din ang in-order niya para sa kanya. Naku-curious na talaga ako kung paano niya nalaman lahat ng mga gusto ko. "Let's eat." Tipid siyang ngumiti. Ganoon din ang naging reaksyon ko sa kanya. We started eating and later on, after a moment of silence he broke the ice. "So, how have you been?" Inilagay ko ang tinidor sa gilid ng plato. "Surviving, I guess." I casually answered and smiled bitterly. "I'm sorry for what happened.. sa kapatid mo. And sorry for not being around, nagsimula na kasi yung project namin kaya naging abala na ako." Why is he explaining? At bakit parang gumaan ang pakiramdam ko? 'Di pwede to.. "Hindi mo naman kailangan magpaliwanag, kuya Sean." Umiling siya. "No, I owe you an explanation, Lexi. Baka iniisip mo, I ghosted you but no, sadyang tutok lang ako sa trabaho namin ngayon. Perhaps your best friend didn't share it with you yet. I'm one of the senior architects in our company, first time kong maatasan ng ganitong ka laking project. It is our second condominium building to be built here in the city. I feel honored and at the same time pressured din dahil mataas ang expectation nila sa akin." Natigilan ako sa ibinahagi niya at nakaramdam ako ng panliliit sa sarili. I felt uncomfortable, ang taas na pala ng estado niya kaysa sa akin. "Hey.. may nasabi ba akong hindi maganda? Your silence is deafening." "I-I'm sorry. Okay lang naman po yun, hindi naman siya big deal para sa akin, kuya." Pinagdiinan ko pa ang po at kuya. Pero dapat lang bigyan siya ng galang. I looked at him and he smiled, nahalata ko naman sa kanyang mukha ang pagtataka. Isinawalang bahala ko na lang yon. ** "Thank you sa paghatid." sabi ko at binuksan ko na ang pinto ng kotse niya. "Sigurado ka bang okay ka na dito?" I nodded. "Yeah, konting lakad na lang at nasa tapat na ako ng bahay." "Kung ganon, ihahatid na lang kita don." pagpipilit niya. "No need, kuya. I'm really okay." sabi ko at nagmadaling bumaba pero hinawakan niya ang braso ko. Natigilan ako sa ginawa niya. "What happened to your arm?" He is looking intently at my bruise and then he looks at me. Tinanggal ko ang kamay niya mula sa braso ko at ibinaba ang sleeve ng tshirt ko. Naka-angat pala ito kaya niya nakita ang pasa ko. "N-natamaan lang to sa pinto, don't worry gagaling naman agad to." sagot ko at agad na bumaba. "Thank you ulit sa treat, kuya Sean. Bye!" Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at tumakbo na papunta sa bahay ni auntie Tes. Kailangan kong mauna sa kanya para ipagpatuloy ang mga inutos niya at hindi ako pagalitan. Lakas ng t***k ng puso ko. Sana wala pa siya sa bahay. Pero nang buksan ko na ang pinto ay may biglang tumama sa mukha ko, it's one of my clothes. Itinapon niya ito sa direksyon ko. "Nakuha mo pang maglakwatsa at iwan ang trabaho mo rito? Aba, hindi ka pa nadala, ha!" May kinuha pa siyang mga damit at itinapon sa akin. Isa isa ko rin itong pinupulot. "Pinuntahan ko lang naman si kuya." pagdadahilan ko habang humihikbi. "Letcheng rason yan! Mas importante pa ba yon kaysa sa trabaho mo dito?! Ngayong mag-isa ka na lang, kailangan mong doblehin ang pagkayod mo! Hindi libre ang pagtira mo dito baka nakakalimutan mo!" "Alam ko naman po yon, lahat naman ng utos niyo sinusunod ko." hindi ko na napigilang sumagot. Nilapitan niya ako at sinampal. "Natututo ka ng sumagot, ah! Kaya mo ng mabuhay mag-isa? Ha?! Ano sagot!" Kailangan ko ng gumawa ng paraan para hindi na ito mangyari ulit sa akin dahil sumosobra na si aunty. Pero saan ako pupunta? At gabi na.. "Bakit hindi ka makasagot ngayon? Gusto mo pa bang kaladkarin kita papunta sa labas, ha?!" Nasigaw ako dahil sa paghila ni aunty Tes sa buhok ko at kinaladkad nga ako. Nasubsob ako sa kalsada nang itulak niya ako ng malakas. Sunod sunod din ang pag tapon niya sa mga damit at gamit ko. "Wala kang utang na loob, tinulungan na nga kita, yan pa ang igaganti mo?! Pwes maghanap ka ngayon ng matitirhan mo dahil hindi ka na welcome dito! Bwisit!" Isinara ni aunty Tes ang maliit na gate at pumasok na sa loob ng bahay. Tuluyan na akong humagulgol dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. f**k this life! Naramdaman kong may huminto na kotse sa harapan ko. Dali daling bumaba ang lalaking lulan nito at nilapitan ako. "Lexi, are you okay? What happen?" Kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala dahilan para mas maiyak ako. Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko. "Sshh. Hush now, I'm here.. I'll help you." Mas lalo akong humagulgol sa sinabi niya at niyakap din siya ng mahigpit. "Let's go, I know a place where you can stay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD