CHAPTER 6
Tinanggal niya ang kanyang suot na jacket at pinatong sa likuran ko. Kinuha niya ang maletang nakabukas na tinapon din ni aunty Tes at inilagay ang mga damit kong nakakalat sa kalsada. Nang matapos siya ay nilapitan niya ako at pinatayo.
“Tara na.” He gently said. “Please stop crying, it hurts me.” bulong niya na narinig ko naman.
Panay ang tingin niya sa gawi ko habang nasa byahe kami at ang traydor kong luha ayaw tumigil sa pag-agos. I might look an idiot right now.
Humihikbi parin ako ng makarating kami sa condo unit na kinuha ni kuya Sean. Para akong nakalutang lang sa ere. He keeps on rubbing my shoulders for me to stop crying.
"Take a sit first." Turo niya sa sofa pagkapasok namin. "Tatawagin ko muna yung kaibigan kong doktor to check you."
Wala sa sarili akong tumango.
He looks at me for a while then decided to sit beside me. Yumuko ako at nilalaro ang mga daliri. I’m becoming vulnerable in front of him. He wipes my tears away and hold my hand.
“Everything will be okay. Don’t worry, I will be by your side.”
Yon lang ang nasabi niya at tumayo na. Nagpunta siya sa may kitchen at may tinawagan. Probably, that’s the doctor he said he will call to check me.
Mahigit isang oras din kaming naghintay bago dumating ang kaibigan niya na yon. May mga gasgas pala akong natamo sa pagsubsob kanina, he cleaned my wound then put a non-woven bandage patch. Matapos niya akong gamutin ay nagkausap pa sila ni kuya Sean ng kaunti at mayamaya lang ay umalis na ang kaibigan niya.
Bumalot ng katahimikan ang buong paligid. Nakita kong papalapit si kuya Sean kaya umiwas ako ng tingin.
Tumabi siya sa akin at tinignan ang sugat ko. “Kumusta ka na? Nagpa deliver ako ng pagkain, I guess di ka pa naghapunan.”
Tinignan ko siya at tipid na ngumiti. Gusto kong mag ‘thank you’ sa kanya pero nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano sisimulan, parang umurong yung dila ko. I know, feel ko, gusto niyang itanong sa akin ang tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko lalo pa’t nakita niya ang pasa ko at ang pagpapalayas sa akin ni aunty Tes.
Biglang tumunog ang doorbell.
“Baka yan na yung in-order ko na pagkain. Maiwan na muna kita.”
He stood up and went to the front door.
“Salamat, sir.”
Narinig kong sabi ng rider kay kuya Sean. Pagkasara ng pinto ay dinala na agad ni kuya ang mga pagkain at nilapag sa dining table.
“Let’s eat!” nakangiti niyang alok sa akin.
Tumayo ako at lumapit. He pulled the chair for me, I was hesitant at first dahil bago sa akin ang treatment niya na ‘to, pero no choice at umupo na lang ako bago siya umupo sa kabilang upuan. Tahimik kaming kumakain, wala ni isa sa amin ang may gustong mauna magsalita. Anuna, Lexi?
Nagkasalubong ang mga mata namin. Ewan ko pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. He was about to say something pero tumunog yung phone ko. When I check who’s the one calling, it was Coleen.
“You should answer it, kuha lang ako ng maiinom natin.” He then smiled.
“Hello?”
“OMG, besty! Napano ka?”
“H-how did you know?”
“I heard it from kuya Matt, nagkataon kasing nandoon ako sa condo niya kanina. Hiniram ko kasi yung car niya dahil coding ako. Wala akong ibang mapag utusan dahil absent din yung driver ko, so ako na ang pumunta para ibalik yung sasakyan. Then may tumawag sa kanya na kaibigan niya and he said that pinapunta daw siya ni kuya Xavier para gamutin ang sugat mo. So, what happen? And kumusta ka na? Lately, hindi na tayo nagkikita, lagi kang uma-absent.”
“Gumala ka na naman..” pag-iiba ko ng usapan. Bumalik naman si kuya Sean at inabot sa akin ang isang baso ng tubig. Umupo siya at nagpatuloy sa pagkain.
“Don’t change the topic, girl. It is not about me; it is about you. Nag-aalala ako, hindi man halata sa personality ko but I care for you.”
Sandali akong napangiti ngunit napawi agad ng mapatingin sa gawi ko si kuya.
“It’s a long story, saka ko na iku-kwento sayo kapag nagkita na tayo.”
“Okay, fine! But care to share who’s with you right now and kung nasaan ka? Ako na lang ang pupunta sayo.”
Natigilan ako sa tanong ni Coleen, I looked at kuya Sean and sa tingin ko ay narinig niya rin ang tinanong ng best friend ko, but he acts like he didn’t hear it. Feel ko ang pula na ng mukha ko ngayon.
“Nasa isang condo ako and I-I’m with kuya Sean ⸻”
“What?!” Napansin kong nasamid si kuya at tanaw ko ang pagpula ng kanyang tenga. Inilayo ko naman ang telepono sa tenga ko dahil sa naging reaksyon niya. Ang OA! “Hoy, besty! Bakit kasama mo pa siya? Hindi pa siya umalis? Saang condo yan? Pupuntahan kita!”
Ang OA talaga ng babaeng to, akala mo naman may gagawing masama yung kasama ko. Pero napagtanto ko na kami lang pala dalawa dito at lalaki siya, babae ako… Kaya ba namula ang tenga niya dahil naiisip niya rin ang bagay na yon? Napapikit ako ng mariin and shook my head, imposible namang may masama siyang balak sa akin. Tinulungan na nga ako, kung anu-ano pa iniisip ko.
“You’re overreacting. Bye na nga.”
“Hey, wait ⸻”
I ended the call at nilapag na ulit ang phone sa mesa. Paubos na ang kinakain ni kuya Sean samantalang ako ni wala pa sa kalahati. Naramdaman niya atang nakatingin ako sa direksyon niya, inangat niya ang kanyang ulo.
“Do you want anything else?”
Mabilis akong umiling. “Pasensya po pala sa naging reaksyon ni Coleen.”
Tumawa siya ng mahina. “It’s okay.”
Nagpatuloy ako sa pagkain, tahimik lang ulit siya. Ayaw ba niya akong tanungin tungkol sa nakita niya kanina? O ako dapat ang magsimulang mag share? Bahala na…
“A-ahm, thank you...”
He looked surprise. “For what?”
“For helping me, for being there.”
Huminga siya ng malalim. “There is no need to thank me. You’re special to me, Lexi. I’m willing to help you, sabihin mo lang.”
I was stunned sa lowkey confession niya.
“Sorry. I know it is not the right time, but I just wanted you to know how I feel.”
Sumandal ako sa upuan at hindi na nakakain ng maayos. I don’t know how to react.
Nahalata niya rin ata yon kaya iniba niya ang topic. “Hey, you should eat a lot. Pansin ko nangangayayat ka.”
“A-ayaw ako pakainin ng marami ng aunty ko. Isasali pa niya sa pagkwenta yung gastos ko sa pagkain at ibabawas niya sa binibigay niyang baon sa akin.”
He was shocked about what I said. I guess there’s no reason to hide, hindi na ako matatakot ni aunty Tes.
“Matagal niya na ba to ginagawa? Hindi mo ba nasabi sa kapatid mo na sinasaktan ka?”
I shake my head. “Walang ka-alam-alam si kuya. Simula nong na admit siya hanggang sa pagkawala niya. Tiniis ko lahat ng masasakit na salitang sinasabi ni aunty sa akin. Wala naman akong choice, eh. Sa kanya ako nakatira at sa kanya ako dumidipende sa ibang gastusin ko sa school. May scholarship nga ako pero kulang pa rin. Yung kinikita ko sa pagkanta kanta, binubuhos ko lahat sa gamot at bill ni kuya noon.”
He reached out for my hand, at yung puso ko naghahabulan sa pagtibok.
“Huwag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan.” He said it with conviction.
Dahan dahan kong inilayo ang kamay ko mula sa pagkahawak niya.
“N-nakakahiya na po, kuya. Malaki na yung utang ko sayo, dadagdagan ko pa.”
He looks at me seriously. “Please stop thinking about that, hayaan mo akong tulungan ka. As what I’ve said, you’re special to me. Your problem is already my problem.”
Siguro ay hindi ko na mababago ang isip niya, um-agree na lang ako. He looked relieved.
“And one thing…” he paused for a while as I waited what he’s about to say. “Can you drop the po and kuya? Sean would be okay.” He said using his deep voice at ngumiti.
I awkwardly flash a smile. Nag iinit na naman ang pisngi ko.
“Sige, ku⸺, I mean Sean.” Natawa siya sa tinuran ko at ako naman ay napailing na lang sa kahihiyan.