CHAPTER 7

1612 Words
CHAPTER 7 “Good morning!” Abot tenga ang ngiti niya ng batiin ako. Inilapag niya sa lamesa ang dalawang plato na may mga kutsara at tinidor na. He already prepared breakfast. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko ng akmang hihikab ako. Naalala ko dito pala siya natulog sa may sofa kagabi. Oh no, nakakahiya, mukhang tapos na siya maligo samantalang ako ni maghilamos man lang hindi ko pa nagawa. Bumalik ako sa kwarto at hinalungkat ang mga gamit ko para maghanap ng towel. Bakit kasi hindi ko muna inayos ang mga to bago matulog at bakit walang CR dito sa kwarto? Edi sana, hindi na ako mukhang sabog ngayon. “You can take a bath first, tatakpan ko lang muna yung mga pagkain. Babalik na lang ako after 30 minutes.” Nakasunod pala siya sa akin, I faced him. “Hindi ka naman siguro aabot ng isang oras sa pagligo?” He grined. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya sa akin? Mas nauuna pa nga akong matapos maligo kaysa kay Coleen, eh. He walked towards me wearing his cute smile and pinched my nose. “Joke lang, ang seryoso mo masyado. And Lexi, don’t be too conscious on your appearance, maganda ka na kahit hindi ka pa naka ligo or nakapaghilamos.” Nag-init na naman ang pisngi ko, tinalikuran ko siya agad para hindi niya makita ang pamumula ko. “U-umalis ka na nga kuya.” Tumikhim siya. “Come again?” Oh, yeah… Nasa name basis na pala kami. “Ahm, umalis ka na muna para makaligo na ako, Sean.” Binigyang-diin ko pa ang pangalan niya. I heard him chuckled, hindi ko rin napigilang ngumiti. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Siguro naka-alis na siya, sinilip ko pa talaga ang paligid para makasiguro na wala na siya. After 30 minutes nga ay bumalik na siya. He is wearing a safari green polo and black trouser na pinares niya ng white shoes. Kanina lang naka plain white t-shirt lang to at chino shorts, may lakad? Sunday naman ngayon, may trabaho ba siya? Ako na ang nagbukas ng pinagtakpan niya kanina, dito na ako naghintay sa may dining table para diretso na sa pagkain. Umupo siya sa usual spot niya kagabi. “Ang tahimik mo, a penny for your thoughts?” he laughed. Nagsandok siya ng kanin at nilagay sa plato ko. “You want to ask me something? If tungkol sa pagkakaroon ko ng access sa condo mo, I asked for a spare key so that if you need help, makakapasok na agad ako dito. Iniwan ko na rin naman yung spare key ng condo ko, just in case.” Ngumiti siya ng nakakaloko. Pinanliitan ko lang siya ng mata na ikinatawa niya ulit. “Bakit mo naman iniwan yung spare key? As if naman pupunta ako don sa condo mo and besides wala akong idea kung nasaan. So, don’t bother.” “Ganun ba? Kung gusto mo ituro ko sayo ngayon para may idea ka na.” ngumisi siya. I got caught off guard. “A-ang ibig kong sabihin –.” “Kidding. Relax, Lexi. Nasa tapat lang ang unit ko. By the way, this building was built under Vinta Properties, kung saan ako nagtatrabaho. Ito yung unang all-studio condo concept na itinayo dito sa city na ang company namin ang nag-handle.” “I see.” Tipid kong sagot sa kanya. Kumuha ako ng bacon at sunny side up at nagsalin ng tubig sa mga baso namin. “Did I answer your question?” “Actually, no.” “No?” he wondered. I cleared my throat. “Nakabihis ka, m-may lakad ka?” Mahina siyang tumawa. “Yap, pero hindi naman ako magtatagal. Uuwi agad ako sayo para ‘di mo ako masyadong ma-miss.” “Wow! Kapal mo ha!” I rolled my eyes. Nakakainis naman to, pabigla bigla naman sa mga banat niya. We just talk for a while then ako na ang nag volunteer na maghugas ng pinggan. Matapos non ay naghanda na siya para lumakad. “Bago ko malimutan, inutusan ko pala si Matt na sabihan si Coleen na papuntahin dito para may kasama ka habang wala ako.” “Seryoso?!” Nagningning ang mga mata ko sa nasabi ni Sean. He nodded and patted my head. “Yes, I guess she’s on her way already.” He checks his wristwatch. “Kailangan ko na umalis, I’ll be home before dinner.” “I-ingat ka.” Nahihiya kong sabi. I saw how he parted his lips when I said that but recovered after, then form a smile. “Of course, I will.” *** “In fairness, this is a good place.” Saad ni Coleen nang igala niya ang kanyang mga mata sa condo unit. “Is it yours na?” Umupo siya sa tabi ko. Itinaas ko naman ang dalawa kong paa sa sofa at niyakap ito. I shrug. “Hindi ko alam, wala siyang nabanggit sa akin tungkol dyan.” “Okay, so anong stage na kayo? Talking stage? Getting to know each other? Situationship?” “Pinagsasabi mo dyan?” I glared at her. Di rin naman siya nagpatalo. “Why?? Hindi naman mahirap sagutin yung tanong ko, ah.” I sighed, ayaw niya talaga na hindi siya updated. “We’re friends now… ni Sean –.” She raised her hand in front of me. “Hold on, did I hear it right? You’re calling him by his name?” Tumango ako. “You guys are dating?!” “Ang OA! Sabi ngang friends, and w-we’re currently getting to know each other. We are not dating yet.” “Yet.” She teased. “By the way, may mini reunion sina kuya Matt and your soon to be suitor with their college friends this coming Wednesday. Sinakto pa nilang valentine’s day, aware ka na dito?” I shook my head. “Hindi pa.” “Well, I’m sure isasama ka niya ‘don, or baka naman may iba siyang plano kaya hindi niya nasabi sayo.” Siya pa yung mas na excite kaysa sa akin. “Parang kang sira, kung i-invite niya man ako, hindi ako sasama. Kailangan ko pang humabol sa mga lesson na na-miss ko. Dagdag pa tong gastusin dito at sa school, kailangan ko na rumaket ulit.” “Edi doon ka sa mini reunion nila kumanta. I’ll ask kuya Matt na pakantahin ka then kailangan may talent fee.” She winked. Kinuha ko naman ang isang maliit na unan at itinapon sa kanya. “Ouch! Kung makatapon naman to! Bahala ka dyan, sasabihin ko talaga kay kuya.” *** It’s already 6PM in the evening at hindi pa rin nakakabalik si Sean. Check ko kaya sa unit niya? Ay, feeling! I-text ko kaya? Shunga, wala naman akong number niya. Eh, bakit ko ba siya dapat hintayin? Ano siya gold? Joke! So, tutunganga na lang ako dito? Bibili na lang kaya ako ng pagkain? Then mag grocery ng konti para magkalaman naman tong cabinet dito. May konti pa naman akong naipon. I change my clothes and wear a rib-knit crop tee with lounge pants. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, bagay din pala sa akin ang magsuot ng ganito, buti na lang at niregaluhan pa ako ni Coleen kahit alam niyang wala akong fashion sense. Pinatungan ko lang ng cardigan at nagsuot ng sneakers at ready na akong gumala. Nagpunta lang ako sa isang mall at nag grocery. Then nag window shopping at nagtingin tingin ng mga damit. Hindi ko intensyong bumili pero may nakita akong isang color white cherry print ruched bust puff sleeve dress. Na-cute-an ako, gusto ko sana isuot sa Wednesday kung isasama man niya ako sa reunion nila ngunit muntik mapunit ng bibig ko nang makita ang presyo. Ibinalik ko na lang sa dati niyang pwesto at umalis na. “Excuse me, miss? You’re Lexi, right?” Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa nagsalita sa may likuran ko. Hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ko kanina. Hindi ako nakapagsalita ng makita ang lalaki. He’s Sean’s friend and the doctor who treated me last night. Tumango ako. “How’s your bruise? Okay ka na?” he asked while approaching me. I genuinely smile at him. “Yap, okay na. Thank you.” “Gusto mong bilhin yung damit?” pag-iiba niya at tinuro yung dress na hawak ko kanina. “Yeah, pero di kaya sa budget kaya next time na lang.” I smiled. “I see. Pauwi ka na? Hatid na kita, it’s almost 8PM.” Pinakita pa niya sa akin ang kanyang relo. Malapit na mag alas-otso? Ang bilis ng oras, baka nakauwi na si Sean. “H-hindi pa, eh. Bibili pa ako ng pagkain.” “Samahan na kita, then sumabay ka na sa akin. Delikado na umuwi mag-isa kapag gabi.” Hindi na ako tumanggi pa, may point din naman siya. Nang makarating kami sa may lobby ng condo ay natanaw ko si Sean. Naka black hoodie na siya at shorts, nilapitan niya ako pagkababa ko sa kotse ng kaibigan niya. Nang sinara ko na ang pinto ay bumusina lang siya at tango lang ang sinagot ni Sean. Why do I feel like may tension na nabuo ‘don? I faced him. “Hi, sorry ginabi ako…” pinakita ko sa kanya ang pinamili ko. “Nag gro⸺” “Pinag-alala mo ako. ‘Di ka na dapat nag abala pa.” he said when he immediately pulled me into a hug. “Next time sasamahan na kita, okay? Huwag ka dun sa doctor sumama.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD