CHAPTER 8

1575 Words
CHAPTER 8 “Besty, kanina pa ako daldal ng daldal dito pero parang wala akong kasama. Mapapanis na ‘yang laway mo.” She rolled her eyes as she pulled me on the different clothing display racks. We’re currently strolling here at SM Mindpro just because Coleen wants to buy a dress for tomorrow’s event ― the mini reunion of Sean and his college friends. Buti na lang at maaga natapos ang klase namin at nagkaroon pa kami or shall I say itong best friend ko ng oras para magtingin tingin ng damit. “Eh, si Sean kasi…” mahina kong sabi. “What about him? May nangyari na sa inyo?” Namilog ang mga mata ko at hinampas siya sa braso. “Seryoso kasi!” Tinaasan niya ako ng kilay. “I’m being serious here. Ikaw ha, ilang araw pa lang kayo nagkakakilanlan, may nagbago na sayo.” Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. May kinuha siyang dress at itinapat niya ito sa harapan niya. “Bago? May nagbago sa akin?” Hindi niya ako pinansin at nagtungo sa iba pang display racks. Nakatanggap naman ako ng message mula kay Sean. salvacion.xaviersean: Going home? Nasa office pa ako pero mayamaya lang pauwi na rin. Daanan na kita dyan sa school mo, sabay na tayong umuwi. Hindi ko pala siya na inform na magkasama kami ni Coleen. I took a picture of her while she’s busy looking to the two dresses that she is holding. That one dress is familiar, may hawig sa dress na nakita ko nung isang gabi. Ang kaibahan lang ay, tie shoulder cami dress itong hawak niya ngayon. I send it to him and type a reply. Me: Not yet. Sorry hindi ko nasabi sayo agad, magkasama kami ni Coleen ngayon. Wala pang limang minuto ay nag reply na siya. salvacion.xaviersean: You guys are buying clothes? Me: Not me, si Coleen lang. salvacion.xaviersean: I see, susunduin na lang kita dyan pagkatapos niyo mamili. Nilapitan ako ni besty at pinakita sa akin na nakabili na siya. Ibinaba ko muna yung phone ko. “Look, oh, I already bought a dress! It so cute!” At yung ka-look-a-like nga na damit na nakita ko ang binili niya. “Yeah, it’s cute! Bagay sayo.” Tipid akong ngumiti. Kung may sapat lang akong pera, mabibili ko rin ang mga damit na gusto ko. But it’s okay, someday it will be my turn. “Let’s go to Starbucks muna then hatid na kita pauwi, kanina pa tayo palakad lakad.” Tumango ako at sumunod kay Coleen. Nireplayan ko naman ulit si Sean. Me: No need na, ihahatid daw ako ni besty. salvacion.xaviersean: Oh, okay. Ingat kayo! Inilagay ko na sa bag ang phone matapos magreply. When we arrive sa Starbucks, nag order lang si Coleen ng dalawang Iced Peppermint White Chocolate Mocha at Petite Vanilla Bean Scone at umupo na kami sa aming napiling puwesto. “You’re asking if may nagbago sayo? Of course, yes!” Inisip ko naman agad kung anu-ano ang mga nabago sa akin. Positive ba or negative? Pero wala naman siguro… “Like?” “Hindi ka naman ganyan dati sa ex mo although ‘di kayo nagtagal pero kahit na, may changes pa rin.” She sips her drink, binibitin pa ako. “You don’t share your problems to him and tends to be that ‘independent woman’, but recently when kuya Xavier came to your life there’s a character development.” I also sip my drink at pinanliitan siya ng mata. “Pwede huwag ka ng paligoy-ligoy?” “What I mean is, you’ve changed for the better. Base sa mga kinukwento mo sa akin, you are starting to be open to him, hindi lang sa akin. You are sharing your emotions freely na with him and feel comfortable talking about personal things with him.” Hindi ako nakapagsalita matapos niya yon sabihin, parang may bumara sa lalamunan ko at feeling ko rin na may namumuong luha sa mga mata ko. May itinapon naman siyang crumpled tissue paper sa direksyon ko. “Don’t cry in front of me! I don’t want to ruin my make-up! By the way, may update na ba? Inimbita ka na ba ni kuya Xavier sa reunion nila bukas?” Umiling ako at nagpunas ng bibig. “Nope, ayaw kong umasa.” “Grabe siya! Kahit date man lang wala? Eh, February 14 na bukas, its Valentine’s Day!” I winced. “Hay naku, besty! Sasaktan ko lang sarili ko kung aasa ako. Mas Mabuti na yung walang expectation.” “Well, kung hindi ka niya inimbita, ako na lang. Tutal kakanta ka pa, I already told kuya Matt and he said yes!” “What?! Hoy ―” “Nuh-uh!” She lifts her hand and wags her index finger. “Bawal kang tumanggi, kuya Matt said that he will pay you naman daw. So, grab the opportunity besty, extra income rin yon!” She smiled confidently. “Eh, baka magtaka si Sean na nandoon ako. Nakakahiya!” Kinuha ko yung iced peppermint white chocolate mocha at ininom ng diretso. “Bakit ka naman mahihiya?” Tinaasan niya ako ng kilay. “I thought your dream is to become a singer someday, pag nangyari yon, mas maraming crowd ang manonood sayo. Kailangan confident ka!” Napabuga na lang ako ng hangin, I didn’t argue anymore. *** Alas syete na ng gabi ako nakarating sa lobby ng condo, medyo ma-traffic kaya natagalan kami ni Coleen. When I’m inside the elevator, I pushed the number 5 button because my unit is on the 5th floor. Ilang sandali lang ay tumunog ito na senyales na nasa ika-limang palapag na ako. I went outside and walked towards my unit. Nakauwi na kaya si Sean? Nag dinner na kaya yon? Hindi ko pala na kwento kay Coleen ang tungkol sa nangyari nung isang gabi. Nung nakita ako ni Sean na kasama ang friend niya. Halata sa itsura niya na nagselos siya nung time na yon, kahit nagpaliwanag na ako, eh, walang effect pa rin. Kaya hindi na ako umaasa na i-invite niya ako sa reunion na yon dahil magseselos lang siya kapag nakita niyang magkasama na naman kame. Pero wala ba siyang tiwala sa akin? Nasa tapat na ako ng unit ko ngunit bago ko ipihit ang doorknob ay may natanggap akong text message from an unknown number. 0997*******: Hi, Lexi! Are you going tomorrow? Nagkasalubong ang mga kilay ko. Sino kaya ‘to? May dumating pa na isang message. 0997*******: Sorry, di ako nagpakilala. It’s Riley, Xavier’s friend. Yung naghatid sayo nung isang gabi. I got your number from Matt. Talaga naman, kuya Matt! Hindi ko na lang siya nireplayan at tuluyan nang binuksan ang pinto ng condo ko. Medyo natakot pa ako dahil ang dilim ng paligid, dali-dali kong binuksan ang ilaw. Wala naman sigurong nakapasok dito? Mahigpit naman ang security dito. I closed the door at nagtungo na ako ng kwarto ng may mapansin akong isang maliit na box. May nakasulat pa na Open me! :) sa isang sticky note na nakadikit dito at may crochet flower bouquet pa sa gilid na red tulips at lavender. Luminga-linga pa ako sa paligid, baka may bigla na lang sumulpot. When I open the box, it’s a bento cake na heart shape coated with red icing at may design pa sa top side corner nito na pink and white icing din na pinatungan ng maliliit na heart shaped candy. And there was something written on top of it… Will you be my valentine? Muntik na akong sumigaw ng bumukas ang pinto ng kwarto ko, it was Sean. He is wearing a sweatshirt and jogger pants, basa pa yung buhok niya. Palagay ko kakatapos niya lang maligo at magbihis then dumiretso na siya dito. Pero kahit na ganon ay ang lakas pa rin ng dating niya at mas nagiging gwapo siya sa paningin ko. Ay, saan galing ‘yon? Nilapitan niya ako at napakamot sa batok niya. “So, what’s your answer to that question?” The vibration of his voice fills the whole living/dining area. Ayoko munang sumagot, gusto kong marinig na tanungin niya ito ng personal. I’ll make fun of him first. Humalukipkip ako. “Yan na yon?” “What do you mean?” I saw how his adam’s apple move up and down at di na siya mapakali. “H-Hindi mo ba nagustuhan? Ito lang muna yung nagawa ko kasi gahol na ako sa oras, eh. It should be a surprise but sasabihin ko na lang sayo. I prepared a ―” “Okay, stop it!” Hindi ko na siya pinatapos, ayokong masabi niya ang surpresa niya para sa akin. Baka mawala yung excitement ko. He looks so stressed na rin sa naging action ko, nakonsensya tuloy ako. “Sorry, biro lang. I don’t want you to spoil your surprise, gusto ko lang naman talaga na marinig mula sayo yung tanong na nasa cake.” I smiled shyly. Huminga siya ng malalim at nawala na yung pagiging stress niya. “Ganon ba? You should have told me, hindi yung papakabahin mo ko.” I smiled sheepishly. My face instantly flushing when he comes nearer, he holds my hand and look me in the eyes. “Alexis Montenegro, will you be my valentine?” Hindi rin ako nagpatalo sa titig niya. I sweetly smiled and answered. “Mr. Salvacion, yes. I’ll be your valentine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD