bc

Obsession and Mistakes

book_age18+
503
FOLLOW
1.6K
READ
revenge
opposites attract
second chance
playboy
doctor
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Mula sa isang pagkahumaling, mauuwi sa isang pagkakamali. Papaano kung ang napasok mo ang magdudulot ng kaguluhan sa buhay niyo ng asawa mo? May pagkakataon pa bang tumigil nalang at isaayos ang maling napasok mo?

Paano kung maling babae pala ang siyang inakala mong asawa? Ang siyang inaruga at nakasama mo sa ilang taon ay hindi pala siya.

Anong gagawin mo kung mula sa aksidente ay siya palang namatay ng dahil sa kagagawan ng babaeng kinahumalingan mo. Ang pinakamamahal mong asawa at anak na nadamay mula sa pagkakamali na hindi mo sukat akalain na hahantong sa isang malagim na sakuna.

May pag-asa pa bang maituwid ang pagkakamali o wala na talaga?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Apple!” Tawag nila Mommy at Daddy sa akin. “Yes, Mom. Bakit po?” Nakangiti ako ng lapitan ko sila ni Dad. Birthday ni Dad ngayon. Maraming tao na mga bisita na nagsipunta sa bahay. Marami sa kanilang mga kakilala ang mga nagsidalo at ilan naman ay mga empleyado namin sa kumpanya. “Anak siya pala si Romeo Almoro at siya ang asawa niya si Juliet Almoro. Sila ang may ari ng Almoro Telephone Company. Siya naman si Hailey bunsong anak nila.” Ngumiti ako at inabot ko ang kanilang mga kamay na inilahad nila. Sila Daddy, ipinakilala nila sa akin ang isa sa kanilang mga kaibigan at kabarkada ni Daddy nung nasa high school pa sila ni Mommy. Ngayon ko pa lang sila nakita pero minsan ko ng narinig ang kanilang pangalan ng aksidente kong marinig ang pag-uusap nila ni Mommy. “Sayang naman at wala ang aming anak na si Jude ng nagkakilala na sana sila.” Masaya pang bigkas na may panghihinayang ni Tito Romeo ng kamayan ko ito. Tito Romeo at Tita Juliet ang kanilang sinabi na aking itatawag nalang raw sa kanila ngayon. At ang bunso nilang anak ay tinawag akong Ate Apple. Malambing si Hailey at mukhang mabait. Habang ang mag-asawa ay tila mababait rin sila. “Nasaan ba yung anak mo na yon?” rinig kong tanong ng kanyang asawa. Si Tita Juliet na parang naiinis at may panghihinayang rin sa kanyang itsura habang nagbabakasakali na hinahanap sa paligid ang kanyang isa pang anak. “Sinabi ko na sa kanya na tumungo siya rito.” Habang maging si Tito Romeo ay nakasulyap sa mga maraming tao na nagkalat sa party ni Daddy. “Ewan ko ba kung nasaan ang batang yon ang sabi ay susunod.” Napahugot siya ng kanyang hininga at binalingan ang kanyang bunsong anak si Hailey. “Hailey nasaan ba ang Kuya Jude mo? Bakit wala pa siya rito ang sabi ay susunod.” Bigkas na naitanong ng balingan naman ni Tito Romeo ang kanyang anak na babae na nasa tabi ng kanyang asawa. Napatingin naman ako sa itsura ng anak na tila ba ay hindi na nagulat sa itinanong ng ama ng ito na ang balingan. Napangiti pa si Hailey na tila ba biro lang dito ang pagtatanong ng ama at kanyang isinagot sa Daddy niyang mukha ng naiinis ng hindi makita ang panganay na anak. “Dad, magtataka ka pa ba kay Kuya Jude kung nasaan siya ngayon? Natural alam mo na kung nasaan siya at malabo na tumungo yon rito.” Aniyang itinugon ng kanyang anak sa ama. Si Hailey na nakangisi at idinaan sa biro ang kanyang pagsagot sa kanyang daddy. Nagkwentuhan na sila Daddy at Mommy kasama ang mag-asawa na Mr. and Mrs. Almoro. Habang ang anak nito ay may kausap sa cellphone. Mukhang inis at dahil sa nautusan na kontakin ang kanyang nakatatandang kapatid. Ako naman naisipan kong maupo sa isang tabi muna at wala akong kain pa at nahihilo sa dami ng mga bisita na inaasikaso ko dahil sa bilin nila Mommy. ******** Pabagsak si Jude na nahiga sa kanan bahagi ng babaeng kanyang kasama. Katatapos lang nila sa isang mainit na pagniniig ng tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang dinampot at nang maabot nakita niya ang pangalan ni Hailey na nakababata niyang kapatid. “Kuya, nasaan ka ba? Kangina ka pa hinahanap nila Mommy at Daddy. Nakakainis ka naman sinabi nilang tumungo ka rito at kaarawan ng kanilang matalik na kaibigan. Bakit ba wala ka rito? May kasama ka na naman siguro na babae? Importante pa ba sayo iyang pagkahilig mo kesa ang kahilingan sayo nila Mom at Dad?” Tanong at kasama ang panenermon ni Hailey sa kanyang Kuya. Marami pa itong sinabi na kung ano-ano sa kanyang Kuya sa inis ng dahil siya ang kinukulit ng kanyang Daddy para pilitin ang kanyang Kuya na pumunta sa birthday party ng malapit na kaibigan ng kanilang magulang. “Okay, pupunta na ako. Huwag ka ng madaldal diyan at tutungo na ako. Ang dami mong sinabi makikiusap ka lang naman na puntahan ko kayo riyan.” Natatawa na isinagot ni Jude sa kanyang bunsong kapatid. Nang maibaba ang tawag ni Hailey hindi naman napigilan ni Jude ang umisa pa sa kasamang babae na habang nakikipag-usap siya sa kapatid siya naman ang paggalaw nito sa bawat parte ng kanyang katawan. Nakikiliti nga siya ng nilalaro ng babae ang kanyang pinakamaselang bahagi at muli iyon mabuhay. Agad siyang pumatong sa babaeng kanyang kasama at muli ay isa-isa niyang nilandas ang bahagi ng babae. Nag-umpisa siya sa dibdib at umayak sa labi. Ngumisi pa siya ng pumupwesto sa ibabaw nito at duon ay nagsimula siyang angkinin ang babae na walang pagpipigil na muli ay magparaya sa kanya. Nakilala niya yung babae sa isang bar kangina ng uminom lang muna siya habang nagpapalipas ng oras. Hindi naman sukat akalain ni Jude na sasama ito sa kanya para magpalipas ng oras at ilabas ang kapwa init na nararamdaman nila. Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos na kapwa nila maabot muli ang rurok at mailabas ang init nilang pareho. Umalis na siya at iniwanan ang babae matapos na makapagbihis. Bumiyahe si Jude patungo sa lugar na sinabi ng kanyang Daddy ng tawagan siya nito at sabihan siyang sumunod sa bahay ng malapit na kaibigan. Galing pa siyang Ospital ng matapos ang duty ay tumambay muna sa bar. Isang Doctor si Jude at nagtatrabaho sa isang kilalang hospital. Habang ang kanyang magulang ay kapwa nagtutulungan sa kanilang negosyo. Telephone Company na itinayo ng kanyang magulang. Habang ang bunso niyang kapatid na si Hailey ay katuwang ng magulang sa pagpapalaki ng kanilang negosyo. May isang oras pa bago niya narating ang lugar na sinabi ng Daddy ni Jude. Maraming mga sasakyan ang mga nakapalibot sa lugar, sa mismong bahay ng kaibigan ng kanyang Daddy. Hindi pa niya ito nakikilala subalit minsan na rin niyang narinig ito ng mga nag-uusap ang kanyang magulang. Ipinarada lang niya ang sasakyan at bumaba na saka tinawagan ang kanyang kapatid. “Nasaan ka?” “Sa loob Kuya. Nasaan ka ba?” “Narito na sa labas. Halika, sunduin mo ako rito. Hindi ko alam kung nasaan kayo banda nila Mom.” Utos niya sa kapatid at agad naman lumabas ang kanyang kapatid at nilapitan siya ni Hailey. “Kuya, buti naman dumating ka na. Jusko ako yung kinukulit nila Mom na papuntahin ka rito. Buti naman at dumating ka na.” Masayang-masaya na sinabi nito sa kanyang Kuya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook