APPLE'S POV'S “Saan tayo?" “Anong saan tayo?" tanong ko sa kanya. Nakasunod lang ako sa kanya habang siya namimili siya ng restaurant na kakainan naming dalawa. Wala naman ulit ako nagawa kung hindi ang sumama sa kanya dahil sa pinuntahan niya pa ako sa office. Kaya naman naging laman ako lalo ng mga tuksuhan ng may mga nakakita pa sa kanya. Ayaw ko sana siya ipakita. Itinatago ko nga siya pero may mga nakakita pa rin sa kanya kahit iniiwasan ko ang ilan sa mga tsismosa kong kasama. “Saan ba talaga tayo pupunta? kangina pa tayo paikot-ikot?" tanong ko muli habang nakararamdam na rin ako ng pagod sa malayong paglalakad. “Okay, dito na tayo." sabi niya habang napahinto na rin siya sa wakas sa isang mamahalin na restaurant. “Sure ka?" tanong ko nabigla. Hindi ako makapaniwalang d

