CHAPTER 3

1247 Words
“Anong nginingiti-ngiti mo Kuya? Nababaliw ka na ba?” tudyo na sabi ni Hailey ng mapalingon at mapansin ang aking pagngiti. “Umayos ka, kinakabahan ka ba?” isa pa muling panunukso nito. Umayos ako ng tayo at sinabi rito. “Bakit ako kakabahan? May kakaba-kaba ba?” Sagot ko rito. “Umayos ka rin Hailey. Dahil kung may dapat kabahan rito. Hindi ba dapat ikaw? Sa susunod na buwan ay twenty six ka na. Hindi ba dapat na ikaw ang kabahan at hindi ako? Baka maexpired ‘yang sayo at hindi na mangitlog.” Biro ko ng akbayan ko siya. “Kuya, may apat na taon pa ako sa calendar. At sa apat na taon na yon, hindi ba dapat ikaw yung mauna sa ating dalawa? Ilan taon ka na nga ba sa susunod na anim na buwan?” Nag-iisip pa ito ng nakatawa. “Teka nga!” Nagbilang pa siya habang tawang-tawa sa sarili ng maging edad ko ay nakalimutan. Matanda ako ng sampung taon sa kanya. Dahil ang buong akala nila Mama ay hindi na siya magbubuntis ng dahil sa hirap si Mama na makabuo ng baby. Ako nga lang ilan taon bago nabuo at dumating sa buhay nila. “Kuya, mag thirty six ka na pala sa susunod na anim na buwan. Di ba matanda ka sa akin ng sampung taon?” Nag-iisip pa muli habang ako ay natawa sa kanya. Para talaga siyang bata. “Buti naman at dumating na kayo.” Si Dad, sinalubong kami ni Hailey. “Kasi Dad, si Kuya ang bagal kumilos. Parang pagong kung lumakad.” Si Hailey ang sumagot. “Ikaw naman Jude, hindi ba sinabi ko na huwag kang lumayo? Bakit naman umalis ka at duon sa sulok kung saan walang tao pumupwesto. Hindi ko tuloy malaman kung saan ka ba tumungo. Kahit kelan ka!” Sinabi ni Dad at natawa ng dahil sa bungisngis na pagtawa ni Hailey habang sinesermunan ako ni Dad. “Tama na nga yan at nakahihiya. Dito pa talaga kayo mga nagkaganyan.” Si Mom, biglang sumingit sa nakatutuwang eksena ni Hailey. Natigil tuloy ito ng dumating si Mom at may kasama sa kanyang likuran. Nagulat rin ako sa kasama ni Mom. Siya yung babae kangina? Naibulong ko habang nakatingin rito. Alam kong nabigla rin ito ng makita ako. ************ “Abigail, halika rito.” Tawag na sabi ni Dad ng makita akong naglalakad habang papalapit sa kanila. Tapos na akong kumain, pero hindi pa sana ako babalik kung hindi ako inistorbo ng baliw na lalakeng iyon. Kainis talaga kung bakit pinayagan ko pa siyang tumabi sa aking mesa. Solo ko na sana, nagkaroon pa ng istorbo at nasira ang pagmumuni-muni ko. Pabulong-bulong ako na naglalakad habang iniisip nga ang lalakeng ipakikilala raw sa akin nila Dad at Mom. Ang lalakeng anak ng kanilang kaibigan na may-ari ng telephone company. Ang sabi ni Hailey ay gwapo ang kanyang Kuya. Pero, mahirap naman magbuhat agad ng bangko ng hindi ko pa nakikita. Titingnan ko muna, saka ako magrereact. “Yes, Dad. Nariyan na po!” sagot ko pa kay Dad. Nagmadali na agad akong lumapit sa kanila. “Bakit, Dad?” agad kong naitanong ng makalapit na ako. “Halika at dumating na ang anak nila Romeo. Ipakikilala ka raw sa anak nila. Ang sabi pa, binata raw iyon.” Makikita ang pagka-excited sa mukha ni Dad ng ihatid ang balitang iyon. “Di ba't doctor pa nga.” Si Mom na naman ang nagsalita mula sa natatawang si Dad. “Oo, ang sabi kangina ay doctor sa kilalang hospital ang anak nila.” Si Dad at si Mom ay nag-uusap na may galak. “Bakit ba ang saya niyo ay ipakikilala lang naman ako. Wala naman kakaiba ruon at natutuwa kayo.” Aniya ko mula sa kanilang masasayang itsura. “Wala naman Apple, anak. Masaya lang kami kung makakakilala ka na ng lalakeng mamahalin mo at siyang magsisilbi sayo.” Aniya ni Mom habang si Dad sinabi nito. “Oo nga, Apple. Tulad ko, nakita mo kung papaano ko alagaan ang Mommy mo? Hindi ba at nakita mo naman kung papaano ko siya sinusuportahan sa lahat ng bagay, lalo pagdating sayo. Lumaki ka ng maayos at napakabait na anak ng dahil sa teamwork na meron kami ng Mommy mo. Sana, ganoon rin ang lalakeng matagpuan mo ng sa gayon ay hindi kami mag-alala kung sakaling maisipan mo ng bumukod kasama ang lalakeng siyang makakasama mo habang buhay.” Madamdamin na anito ni Dad. Grabe! Sobrang drama naman nitong dalawa. Talaga sila Mom at Dad. Ipakikilala lang, hindi naman mapapangasawa ang pakay ng kanilang malapit na kaibigan sa pagpapakilala ng kanilang anak. “Jude, anak.” Sigaw na tawag ni Tita Juliet mula sa mga anak at asawa na kasalukuyang na mga masasayang nag-uusap. Lumakad kami palapit sa mga ito kasama ang aking mga magulang. “Jude, ito nga pala sila Arnold at Andrea, mga kaibigan namin ng Daddy mo nung kasagsagan ng aming kabataan. Malalapit namin silang kaibigan ng Daddy mo.” Aniya ni Tita Juliet at pagpapakilala kila Mom at Dad na ngayon ay masayang nakipagkamay sa anak na lalake nito. Habang ako, nagulat. Siya yung lalakeng baliw na tumabi sa akin kangina kaya’t napaalis ako sa pwesto ko kung saan ako nakaupo. Napabulong pa ako, habang ako naman ang napagbalingan ni Tita Juliet. “Jude, siya naman pala si Apple. Anak nila Arnold.” Nakangiti at malambing na sinabi ni Tita Juliet sa anak nitong lalake. “Apple, si Jude pala. Anak namin ng Tito Romeo mo.” Aniya muli na kanyang sinambit. Napabuntong hininga ako, siya pala ang lalakeng kangina ay natanawan kong kasama ni Hailey ng makalapit sa kanilang magulang. “Hindi ba at tama ako, kay gwapo nitong si Jude at mukhang nababagay sa Apple niyo.” Pabiro at nakangiti na tukdyo pa ni Tita Juliet sa aking mga magulang. “Naku, tama ka nga Juliet, kay gwapo nitong si Jude. Pero, nasasa ‘kanila nalang kung magugustuhan nila ang isa’t-isa. Hindi naman namin kayang pwersahin itong si Apple kung hindi naman niya gusto at mahal.” Si Mommy ang siyang sumagot habang dinugtungan ni Daddy. “Tama si Andrea, Juliet. Importante naipakilala mo na sila. Ngayon, nasasa ‘kanila nalang kung magugustuhan nila ang isa’t-isa. Ikaw ba, Jude. Anong tingin mo sa anak naming si Apple?” Talaga naman si Dad, bakit kanya pang itinanong iyon. Nakakahiya tuloy. Bulong ko, habang nag-aantay ng kanyang sagot. Yung anak nila Tito Romeo at Tita Juliet. Habang si Hailey, ngiting-ngiti sa kanyang Kuya at napansin ko pang pagkindat nito. “Maganda po ang anak niyo, Mr. Dantes.” Sagot na sabi ni Jude. Pakiramdam ko tuloy ay pinamulahan ako ng magtawanan silang lahat. Malalakas ang tawa nila na kumuha ng atensyon sa iba. “Apple, maganda ka raw ang sabi nitong si Jude.” Panunukso pa ni Daddy sa akin. “Dad, nakakahiya. Huwag kang ganyan at baka anong isipin nila.” Naibulong ko kay Dad sa hiya mula sa mga tuksuhan ng aming mga pamilya. Mula ng gabing ipinakilala sa akin ni Tita Juliet si Jude. Madalas ko ng marinig mula sa bibig ng aking mga magulang ang pangalan nito sa tuwing nag-uusap sila. Puro nalang si Jude, gwapo si Jude, mukhang mabait na anak si Jude, mukhang nababagay sa anak natin si Jude at kung ano-ano pang pagpaparinig ang sinasadya na iparinig sa akin nila Daddy at Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD