Gabi na bago nakarating ang mga magbabantay kila Aling Celsa kaya naman gabi na rin ako naka-uwi ng bahay. Hindi na ako pumunta kila Crisler sinabihan naman ako ni Fuentes na naka-uwi naman siya ng safe kaya okay na. Sabi sa akin ni Papa ay natagalan daw ng ka-unti ang request ko na magbabantay kila Aling Celsa kaya hindi agad siya nakapagdala ng tao roon, pero ginawa niya naman ang lahat para mapadali lang iyon. Mga bandang mag-alas nwebe na bago ako masabihan na mayroon nang mga tao na magbabantay, kaya naman matapos noon ay umuwi na agad ako sa bahay. Kinabukasan ay maaga ako pumunta sa bahay nila Crisler nandoon kasi siya at wala sa condo unit niya. Nang makita ako ni Crisler ay tiningnan niya agad ako ng masama na parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya, tinaasan ko lang naman

