Prologue

1550 Words
Kinalabit ako ni Anna na kaklase ko kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Bakit? Kokopya ka? Wala pa akong sagot," kunot noo na sabi ko, nagso-solve kasi ako ng integral calculus namin. "Hindi, si Crisler nandiyan na naman sa labas," kinikilig na sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa labas. At nakita ko roon si Crisler na nakatingin sa akin, kinindatan ako nito at ngumiti sa akin. Parang lumiwanag naman ang mundo ko, nawala sa akin ang inaalala ko sa calculus. Kumaway sa akin si Crisler bago ito umalis, nahihiya naman akong kumaway rin sa kaniya. Narinig ko naman na nagsisigawan ang mga kaklase kong babae kasama na roon si Anna. "Kayo ba ni Crisler?" Tanong sa akin ni Anna. "H-hindi, nagulat din nga ako na nandito siya." Pakiramdam ko ay namumula ang buo kong mukha. Matagal na talaga akong may gusto kay Crisler, mula pa noong first year college sa iisang department lang kami pero never ko pa siyang naging kaklase. Parehas kaming Civil Engineering ni Crisler, itong kurso ko na ito ay gusto ko talaga pero ayaw ng mga magulang ko, mas gusto nila na magpulis ako gaya nila, kaya naman napagkasunduan namin na tatapusin ko ang kurso ko at makakuha ako ng lisensya kapag nagawa ko iyon ay magpupulis naman ako, pumayag naman sila agad dahil doon. "Bakit parang nitong mga nakaraang araw ay nagpapansin sa iyo si Crisler?" Tanong sa akin ni Anna. "Hindi ko rin alam," sabi ko habang nakatingin sa sino-solve ko na pero nakangiti ako habang nakatingin sa nakakalulang mga numbers. "Kilig na kilig ka naman, kanina halos magdikit na ang kilay mo pero ngayon ngiting-ngiti ka," sabi niya sa akin. Agad ko naman kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. "Mag-solve ka na nga lang," sabi ko sa kaniya, napailing naman siya sa akin. "Mag-ingat ka riyan kay Crisler ha, alam mo naman na babaero iyan, huwag kang basta papadala," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon ko. Mayamaya ay may dumating na kaming professor namin kaya naging abala na kami sa klase namin. Matapos ang tatlong oras na klase ay natapos din ang klase namin. Lumabas naman kami ng classroom namin at naglakad kami papunta sa canteen namin, gutom na rin kasi kami dahil sa lunch break na rin namin. Pagdating ko sa canteen ay marami na roong tao kaya naman naghanap muna ako ng bakanteng upuan bago ako mag-order ng pagkain pero bago pa ako umalis sa table ko ay umupo na roon si Crisler na may dalang dalawang tray nilapag niya iyon sa tapat ng upuan ko at isa naman sa tapat niya. "Kain ka na, huwag ka na makipagsiksikan doon," sabi niya sa akin habang nakangiti. Bigla naman akong napakurap ng ilang beses. Totoo ba talaga ito? Nang hindi ako gumalaw ay hinawakan niya ang kamay ko at marahan niya akong hinila paupo. "Kain ka na, babe," sabi niya sa akin habang nakangiti ito na kita ang isang dimple sa kanang parte ng pisngi niya. "A-anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya. "Nililibre ka ng lunch," simpleng sagot niya sa akin. "Totoo ba ito?" Tanong ko bigla, bigla naman siyang natawa. "Totoo ito, kain ka na, babe," sabi niya sa akin. Naramdaman ko naman na biglang namula ang dalawang pisngi ko kaya naman napatingin ako sa baba. "S-salamat," nakangiti kong sabi pero sa baba ako nakatingin. Bigla niya naman hinawakan ang baba ko at hinarap ako sa kaniya. "Anong sabi mo?" Tanong niya sa akin. "S-salamat, Crisler." Pag-uulit ko ngumiti lang ulit siya sa akin at pinakain niya na ako. Sabay kaming dalawa kumain. Hindi mawala ang ngiti ko habang nagkukwento siya sa akin. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siyang maglunch ngayon, parang ayoko na matapos ang pangyayari na ito. "May klase ka pa ba?" Tanong niya sa akin matapos namin kumain. "Oo," sagot ko sa kaniya. "Tara, hatid na kita," sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya bago ako tumango. Hinatid niya nga ako sa klase ko. "May kasabay ka bang umuwi ngayon?" Tanong niya sa akin. "Wala," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Good, sabay tayo mamaya," sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako at sunod-sunod na tumango sa kaniya. Humalik siya sa pisngi ko na ikinagulat ko naman iyon. "Bye," nakangiti niyang sabi bago siya tumalikod, ako naman ay napahawak sa pisngi ko na hinalikan niya. Totoo ba ito? Hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako napansin ni Crisler pero masaya ako kasi napansin niya ako. May ngiti ako sa labi na pumasok sa sunod kong klase, ganado rin akong makinig sa boring na topic ng professor namin. Nang matapos ang klase namin ay mabilis akong lumabas ng classroom namin at pumunta ako sa banyo. Nagpulbo muna ako at kinagat-kagat ko ang labi ko para mamula iyon, wala kasi akong lipstick, e. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo. Habang naglalakad ako sa may hallway ay may biglang umakbay sa akin kaya naman ay hinawakan ko siya sa may braso niya ay malakas na binaliktad ko. Marunong ako sa mga martial arts, tinuturuan ako ni papa noong elementary pa lang ako, at isa pa ay isa ang black belter sa taekwondo. Nagulat ako ng makita ko si Crisler hawak niya ang baywang niya habang nakahiga siya sa sahig. Madali ko naman siyang dinaluhan. "Hala, sorry, ikaw kasi ginulat mo ako," sabi ko sa kaniya. "O-okay lang, kasalanan ko naman," sabi niya habang tinutulungan ko siya makatayo. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya ha bang nakahawak sa may balakang niya. "Okay lang ako," sabi niya at ngumiti sa akin. "Sorry talaga," sabi ko. Tumango lang naman siya sa akin at inakbayan ulit ako. Hinayaan ko lang naman siya. Naglakad kami papunta sa kotse niya, nang makarating na kami roon ay sumakay na kami. Nagkukwentuhan kaming dalawa habang nagda-drive siya. Buong byahe ay nakangiti lang ako ay kilig na kilig ako sa mga nangyayari. Nang nakarating kami sa labas ng bahay namin ay baba na sana ako ng kotse ng pigilan niya ako. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. "Gustong-gusto talaga kita, babe, please be my girlfriend," sabi niya sa akin. Napakurap naman ako ng ilang beses. Gusto kong sumigaw sa kilig dahil sa sinabi niya pero nanatiling tikom lang ang bibig ko. "O-okay." Bigla ko na lang nasabi. Ngumiti naman siya sa akin at hinila niya ako palapit sa kaniya hanggang sa magtagpo ang mga labi naming dalawa. Nakadilat pa rin ang mata ko habang hinahalikan niya ang mga labi ko, napakurap-kurap pa ako. Hanggang sa napakit na rin ako at sinunod ko na ang ritmo ng galaw ng mga labi niya. Humihingal na tumigil kaming dalawa nakangiti kami sa isa't isa. "See you tomorrow, babe," sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. Bumaba ako ng kotse niya habang nakangiti, hinintay ko siyang makaalis. Nang makaalis na siya ay nagtatalon ako sa labas ng bahay namin. "Hoy! Ciara, ano nangyayari sa iyo?" Bigla akong napatingin sa may gate namin ng makita ko si papa na papalabas ng gate namin, naka-police uniform pa ito, mukhang paalis siya. "Wala, Papa," sabi ko sa kaniya. "Pasok na!" "Opo!" Mabilis naman ako tumakbo papunta sa kwarto ko at doon ay basta ko na lang tinapon kung saan ang bag ko at sumobsob ako sa kama ko at nagsisigaw habang nakabaon ang mukha ko sa unan. Kinakalampag ko rin ang dalawang paa ko. Oh my gad, may boyfriend na ako, at ang boyfriend ko iyong crush na crush ko pa. Hindi ako makapaniwala. Kinabukasan ay may ngiti ako sa labi na gumising, good mood talaga ako at masayang masaya sa araw na ito. Unang araw ko na hindi na ako single. Hinatid ako ni Mama sa school, humalik muna ako sa pisngi niya bago ako bumaba ng kotse niya. Nakangiti ako habang naglalakad sa may hallway at hinahanap ng mga mata ko ang boyfriend ko. Napakunot noo ako ng makita ko si Crisler na may kasamang babae nagtatawanan sila at dikit na dikit ang katawan nilang dalawa. Mabilis naman akong lumapit sa kaniya at bago pa ako makalapit ay nakita ko na naghahalikan na silang dalawa. Kaya naman galit na galit akong hinila si Crisler sa babaing kahalikan niya. "Ano ito, Crisler?" Tanong ko sa kaniya. "And, who are you?" Tanong niya sa akin. Nang lalaki ang mga mata ko ng nakatingin sa kaniya. Sa inis ko ay sinikmuraan ko siya at napahawak siya sa tiyan niya. Nang hindi ako natuwa sa kaniya ay binayagan ko pa siya kaya naman napaluhod siya habang nakahawak sa ano niya. "Puny*ta kang lalaki ka, sana hindi ka na magkaanak, mabaog ka sana!" Inis na inis kong sabi sa kaniya bago ko siya talikuran, nakita ko naman na maraming tao ang nakatingin sa amin ang iba ay nakaharang pa sa daraanan ko. "Tumabi kayo kung ayaw niyong pati kayo bugbugin ko," sabi ko sa kanila. Mabilis naman na nagtabihan sila. Karmahin ka sana, Crisler Ivan Canaleja. At sana ay hindi na magtagpo pa ang landas natin dahil kapag nangyari iyon hindi lang iyan ang mangyayari sa iyo. Puny*ta ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD