Chapter 1

1756 Words
"Bakit mo ginawa iyon, Inspector Paz? Muntik ka ng mamatay at muntik na rin mapatay ang hostage!" Sigaw sa akin ni Chief. Okay naman ang misyon ko pero ang problema kasi ay muntik ng mabaril ang hostage nang sumugod ako ng biglaan, pati ako ay muntik ng mapatay kung hindi lang dahil kay Inspector Dela Cruz ay patay na ako ngayon. "Sir, buhay naman po iyong hostage tsaka ako po," sabi ko habang tuwid na nakatayo pa rin sa harapan niya. "Buhay nga, ang point dito masyado kang agresibo, hindi ka nag-iisip ng maayos," sabi niya sa akin. "Pero..." "Huwag ka na sumagot, Ciara Antonia Paz!" "Papa!" "Nasa trabaho tayo, huwag mo akong matawag na Papa, hindi ko na alam ang gagawin sa iyong bata ka, ilang taon ka na sa pagiging Inspector pero hindi pa rin umaangat ang ranggo mo dahil sa kasusuway mo sa mga superior mo." Inis na sabi ni Chief. "Ginawa ko lang naman po ang alam kong tama," sagot ko. Tiningnan niya naman ako ng masama kaya naman napayuko ako. Bumuntong hininga si Chief bago ako tingnan ng maayos. "Nag-request ng magiging bodyguard si Senator Canaleja, at ikaw na lang ang ilalagay ko roon," sabi niya. Bigla naman nanglaki ang mga mata ko. "Papa, ayoko!" "Inspector!" Suway niya sa akin. "Chief, ayoko! Mas gusto ko na rito na lang ako sa opisina kaysa mag-bodyguard sa Canaleja," sabi ko. "Wala ng iba pang pwede ilagay roon kung hindi ikaw lang," sabi niya sa akin. "Sir." "Tinambangan ang anak ni Senator Canaleja kagabi habang pauwi ito galing sa shooting nito," sabi ni Chief. Bigla naman akong napaayos ng marinig ko ang shooting na salita. "Anong pangalan ng tinambangan, sir?" Tanong ko. "Crisler Canaleja, ang artistang anak ni Senator Canaleja," sagot ni Chief. Napairap naman ako bigla ng marinig ko ang pangalan ng lalaking iyon. Walong taon na ang nakalipas pero iyong galit ko sa kaniya hindi pa rin lumipas-lipas. "Bakit hindi na lang siya natuluyan," sabi ko. "Inspector Paz!" Sigaw ni Chief sa akin. "Sir, sa ibang Canaleja na lang ako, ayoko roon sa mayabang na artista na iyon," sabi ko. "May naka-assign na sa dalawang Canaleja pa, at kay Crisler Canaleja na lang ang wala, sa ayaw at gusto mo ay siya ang babantayan mo," sabi niya. Napayuko naman ako at napakuyom ng kamao. Hindi alam ng mga magulang ko ang tungkol sa nakaraan namin ni Crisler at tiyak ako na kapag nalaman nila iyon ay baka sila pa mismo ang tumambang sa Crisler na iyon. "Anak, aasahan kita rito, huwag mo akong bibiguin, limang buwan lang anak," sabi sa akin ni Papa. "Okay, sir, after five months ay aalis na agad ako roon, gagawin ko ito dahil trabaho ko," sabi ko. Ngumiti sa akin si Chief. Sumaludo ako sa kaniya bago ako lumabas ng opisina niya. Pagkalabas ko ay naglakad agad ako papunta sa table ko at asar na sinipa ko iyong trash can doon. "Nakakabwisit!" "Ano nasabon ka na naman ni Chief, ano?" Tanong sa akin ni Inspector Dela Cruz na siyang tabi ko sa table. "Nakakainis talaga," sabi ko at umupo sa upuan ko. "Ano nangyari?" Tanong naman sa akin ni Inspector Galvez, isa sa mga kasamahan ko rin. "Ilalagay ako sa personal bodyguard ng isang g*gong artista!" Inis na sabi ko. Lahat naman sila ay nagkatinginan bago muling tumingin sa akin. "Ano? Doon ka nilagay ni Chief?" Tanong ni Inspector Dela Cruz. Tumango naman ako at pinatong ko ang dalawang paa ko sa table ko. "Siguro sa mga Canaleja ka na-assign," sabi naman ni Inspector Galvez. Tumango naman ulit ako. "Paano mo pala nalaman?" Tanong ko sa kaniya. "Si SPO2 Hernandez na-assign sa babaing Canaleja, si SPO2 Montes sa isang lalaking Canaleja," sagot nito sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at biglang nabuhayan ng loob, binaba ko ang paa ko sa table ko at tumayo ako sa kinauupuan ko. "SPO2 Hernandez!" Sigaw ko na tiyak ko ay maririnig niya kung nasaan man siya. Hindi naman nagtagal ay lumapit agad siya sa akin at sumaludo, ngiting-ngiti ito sa akin. "Yes, Inspector?" Tanong niya. "Palit tayo ng babantayan," sabi ko sa kaniya. "Inspector, gusto ko man pero hindi na pwede nagsimula na ako ngayon lang bumalik lang ako kasi pinatawag ako ni Chief, tsaka baka ako pa malagot kay Chief niyan," sabi niya. Bagsak ang balikat ko na umupo muli. Natawa naman ang dalawang Inspector na kausap ko. "Ano ba ang problema mo sa Canaleja na naka-assign sa iyo?" Tanong ni Inspector Dela Cruz. "Dem*nyo sa buhay ko," sagot ko. Natawa ulit sila sa akin. "Good luck sa iyo, Inspector Paz," sabi nilang dalawa habang nakangiti. Inirapan ko naman silang dalawa. Nakakainis talaga, bakit sa lahat ng pwedeng ilagay roon ni Papa ay ako pa ang napili niya. Kating-kati na ako magkwento sa kanila ng nakaraan namin nang g*gong Canaleja na iyon para hindi na nila ako ilagay roon, pero naisip ko na baka ikapahamak pa nila kapag sinabi ko ang nakaraan namin. Bwisit talaga! KINABUKASAN ay maaga pa lang ay nakaayos na ako, nagsuot lang ako ng kulay itim na jeans at isang kulay puting round neck t-shirt pinatungan ko iyon ng denim jacket. Kahit na ayokong pumunta sa bahay ng mga Canaleja ay wala akong magawa dahil mismong si Papa ang maghahatid sa akin papunta roon. Habang nasa sasakyan kami ay maraming binilin sa akin si Papa pero kahit na isa ay wala akong natandaan dahil pinapasok ko sa isang tainga ko at ilalabas ko rin sa kabilang tainga ko. Nang makarating kami sa bahay I mean mansion ng Canaleja ay bumaba ako ng kotse, napakalaki ng bahay nila at napakaganda noon. Puro glass ang wall nito halatang magagandang materyales ang ginamit dito. Sabay kaming pumasok sa double door ng mansion, pagkapasok namin ay halos mapanganga ako sa ganda ng bahay nila. Ang ganda rin ng chandelier na kasabit sa itaas. At ang hagdanan ay napakaganda rin ng pagkakagawa. Ang mga vase sa pagilid ay halatang mamahalin ang halaga, ganoon rin ang mga painting na naka-kabit sa pader. Maganda ang interior ng bahay nila at talagang nakakamangha. Isa akong Engineer kaya napahanga talaga ako sa disenyo ng mansion nila. "Good morning, Senator Canaleja," sabi agad ni Papa ng makita niya itong pababa sa hagdanan kasama ang gago niyang anak na si Crisler, halatang bagong gising lang ito dahil magulo pa ang buhok nito at mapungay pa ang mga mata niyo, nakasimpleng shorts lang din ito at simpleng t-shirt. Malaki ang naipagbago niya sa nakalipas na ilang taon, mas tumangkad siya at mas gumada ang katawan niya, nagbago rin ang mukha niya at mas lalo siyang gumawapo pero masasabi ko na g*go pa rin talaga siya at hindi na iyon magbabago pa kahit kailan. "Good morning, Chief, ikaw pa talaga ang sumadya rito," sabi ni Senator habang nakikipagkamay kay Papa. Napatingin naman ako kay Crisler na nakatayo sa likod ng tatay niya habang nakapikit, mukhang antok na antok pa siya. Napangisi naman ako sa kaniya. "Hinatid ko lang ang anak ko na siyang magbabantay ngayon sa anak mo," sabi ni Papa. Napatingin naman sa akin si Senator Canaleja at ngumiti, ngumiti rin ako pabalik at sumaludo pa ako sa kaniya. "Napakagandang bata, sigurado ako na magaling na pulis din iyan gaya ng mga magulang niya." Pagpuri sa akin ni Senator, si Papa naman ay ngiting-ngiti. "Nakakatiyak ako na mababantayan ng maayos ng anak ko ang anak mo," sabi ni Papa. "Magtitiwala ako sa iyo, sa iyo rin hija," sabi ni Senator. "Makakaasa po kayo, sir," sabi ko habang nakangiti. Ngumiti naman sa akin si Senator bago niya tingnan ang anak niyang halatang nananaginip na habang nakatayo. "Ito nga pala....Crisler, gumising ka!" Suway ni Senator nang makita niyang nakapikit ang anak niya, mabilis naman na nagdilat ng mata ito at tumingin siya sa paligid niya. "Siya po ba ang bodyguard ko, masyado na siyang matanda para sa akin." Walang modong sabi nito habang nakatingin kay Papa, napataas naman ang isang kilay ko at napa-cross arm ako. "Hindi siya, ang anak niya ang magbabantay sa iyo," sabi ni Senator. Tumingin naman sa paligid si Crisler na mukhang naghahanap ito. Nang magdako ang paningin namin ay tinaasan ko siya ng isang kilay, kunot noo naman niya akong tiningnan. "Pamilyar ka sa akin," sabi niya habang nakaturo sa akin. "Siya ang magbabantay sa iyo, simula ngayon," sabi ni Senator. Ngumisi naman ako sa kaniya. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa tapos paa hanggang ulo bago siya humarap sa tatay niya. "Daddy, babae iyan, anong laban niyan sa mga magtatangka sa buhay ko." Pagrereklamo nito sa kaniyang ama. Lalo naman tumaas ang isang kilay ko. Minamaliit ako ng hinay*pak na ito, a. "Anak, pulis iyan at kaya ka niyang protektahan, hindi naman sila magbibigay ng tao na hindi ka kayang protektahan," sagot ni Senator. "Huwag kang mag-alala, hijo, nasa mabuti kang kamay, magaling ang anak ko at malaki ang tiwala ko sa kaniya," sabi naman ni papa. Tiningnan naman ako ni Crisler na parang hindi makapaniwala. "Pero babae siya, tapos ang liit pa," sabi nito. "Minamaliit mo ba ako? May problema ka ba sa height ko?" Maangas na tanong ko sa kaniya. Kung wala lang si Papa at ang tatay niya ay kanina ko pa nabalibag ang mayabang na ito. "Oo, hindi ko ako kayang maprotektahan baka ako pa ang gumawa noon sa iyo," sabi niya habang nakaturo pa sa akin sa inis ko ay inabot ko ang daliri niya ang pinilipit ko iyon. "Huwag mo akong maliitin dahil kaya kitang patumbahin ng wala pang sampung segundo!" Inis na sabi ko sa kaniya. Siya naman ay halos lumuhod na dahil sa pagkakapilipit ko sa daliri niya. "Ciara!" Sigaw ni Papa sa akin kaya naman binitawan ko ang daliri ni Crisler. Agad niya naman tiningnan iyon ay inihipan. "Daddy, nakita mo ba iyong ginawa niya sa akin?" Nanglalaking mata sumbong nito sa tatay niya. Ngumiti naman ang tatay niya at tinapik ito sa balikat. "Oo anak, at alam na kaya ka niyang protektahan," sabi nito. "Dad!" "So, okay na ba? Iiwan ko na ang dalaga ko rito," sabi ni papa. Tumango naman si Senator. Ngumisi ako kay Crisler habang nakataas ang isang kilay ko. Mayamaya ay umalis na rin si Papa at Senator, kami na lang ang naiwan ni Crisler. Nakatingin siya ng masama sa akin habang ako naman ay nakangisi sa kaniya. "What's up, you motherf*cker?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD