Chapter 2

1703 Words
Merry Christmas po. Simple gift ko lang ang update na ito. Salamat po. ***** Kunot noo akong naka-de-kwatrong upo habang nakatingin kay Crisler na habang nagso-shooting siya sa isang teleserye niya. Kissing scene iyon kaya napapangisi ako. Magaling naman siya umarte kasing galing niya sa papagiging babaero niya kaya siguro siya nag-artista kasi likas niyang talento iyon. G*go pa rin hanggang ngayon. "Cut!" Sigaw ng director matapos ang scene nila. Agad naman na lumapit sa pwesto ko si Crisler at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago niya siya naglakad sa naka-assign na upuan sa kaniya. "Hoy, babae kuhaan mo ako ng tubig," utos niya sa akin. Binaba ko naman ng kaunti ang sunglasses na suot ko at tiningnan siya bago taasan ng isang kilay. "Mister, para sa kaalalaman mo, bodyguard mo ako at hindi personal alalay," sabi ko bago ko isuot ulit sa mata ko ang sunglasses at ngumuya ng bubble gum. Napatingin naman siya sa paligid kung may nakarinig pa sa sinabi ko. "Huwag mong ipagkalat na bodyguard kita," sabi niya. Hindi ko naman siya pinansin sa halip ay sinuot ko ang wireless earphone ko, nakasagad ang volume noon. Sumandal ako sa upuan ko at relax na nakinig sa music. Wala akong paki-alam sa mga rant niya sa buhay niya. Bahala siya, masyadong mataas ang ego niya. Hindi niya matanggap na isang babae ang magbabantay sa kaniya. Napailing ako ng wala sa oras dahil sa kahihiyan niya, paano kaya 'pag nalaman ng maraming tao ito. Nagulat ako ng may sumipa sa sa isang paa ko kaya naman tinaas ko sa ulo ko ang sunglasses ko at tinanggal ang earphone ko at tiningnan ng masama ang sumipa sa paa ko. Nakita ko na nakakunot noo sa akin si Crisler at mukhang asar na asar sa akin pero wala akong pakialam. Ang lakas ng loob niya na sipain ako sa paa na akala niya ay close kaming dalawa. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kuwelyo niya at inambangan na susuntukin siya, mukha naman siyang natakot sa akin. "Anong problema mo, ha?" Tanong ko sa kaniya habang pinangliitan ko ng mata. "W-wala," kinakabahan niyang sabi sa akin. Binitawan ko naman ang kwelyo niya. Agad naman siyang napatingin sa paligid at mukha namang walang nakakita kasi busy ang lahat sa ginagawa nila. Umupo ulit ako sa upuan ko at nilagay ulit sa tainga ko ang wireless earphone ko. Tiningnan ko siya ng masama bago ko ibaba ang sunglasses ko. Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya bago siya naglakad doon sa may mga mineral water na nakalagay. Marunong naman kumuha ng tubig tapos mang-uutos pa, akala ko kung sino. Isang g*gong artista lang naman siya. Mayamaya ay nagsimula ang shooting nila ako naman ay nakaidlip sa kakahintay ko nagising na lang ulit ako ng may kumakalabit sa akin. "Ano?" Maangas kong taong kay Crisler. "Aalis na tayo, tulog ng tulog, walang kwentang bodyguard!" "Anong sabi mo?" Asar na tanong ko sa kaniya. "Wala sabi ko, tara na po!" Pagdadabog na sabi niya. May nakita akong dala-dala na mga damit na naka-plastic. Inaabot niya sa akin iyon pero tiningnan ko lang iyon. "Ano gagawin ko riyan?" Tanong ko. "Dalhin mo," sagot niya sa akin. Muli kong tinaas ang sunglasses na suot ko pa rin at nginisian siya. "Uulitin ko, bodyguard mo ako hindi mo ako P.A," sabi ko sa kaniya. "Pero wala akong P.A ngayon," reklamo niya. "Wala akong pakialam," mabagal at nakangisi kong sabi sa kaniya bago ko siya talikuran at magsimula akong maglakad. Narinig ko naman na nagmumura siya at nagsisigaw pero hindi ko siya pinansin. Sumakay ako sa kotse at hinintay ko siyang sumakay rin doon. Nilagay niya muna sa backseat ang mga gamit niya bago siya umupo sa tabi ko. Nakakunot noo siya ng sumakay roon. "Uuwi na tayo?" Tanong ko. "Hindi may pupuntahan pa ako," kunot noo niyang sabi sa akin may sinabi siyang address sa akin kaya naman nagdrive na ako. "Pulis ka ba talaga?" Tanong niya sa akin. "Ano naman ngayon?" "Tinatanong kita kaya sagutin mo," sabi niya. "Wala akong pakialam," mabagal ko ulit na sabi sa kaniya. Inis na inis naman niya akong tiningnan. "Isusumbong kita sa superior mo!" Pananakot niya sa akin. "Gusto mo samahan pa kita, e. Tapos post ko na rin sa social media na sinamahan ako ng binabantayan ko," nakangisi kong sabi sa kaniya. Asar na asar naman siyang napapalo sa harapan niya kaya naman lalo akong napangisi. "Alam mo, nakakainis ka," sabi niya sa akin. "Alam mo, g*go ka!" Sigaw ko sa kaniya mukha naman siyang nagulat sa akin. "Nakakainis!" Sigaw niya rin. Ngumisi naman ako sa kaniya. Ganiyan nga mainis ka pa sa akin. Mamatay ka na rin sa sobrang inis mo. Nang nasa address na kami na sinabi niya ay bumaba na kami ng kotse, isang malaking bahay iyon at halatang may party kasi nasa labas pa lang kami ay rinig na rinig ko ang lakas ng sound mula sa loob ng bahay. "Pa-party ka?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya. "Sabi mo nga hindi ba, wala kang pakialam," sabi niya sabay ngisi sa akin at naunang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya, pumasok siya sa loob ng bahay at nakipagbatian sa mga kakilala niya, pansin ko naman na halos mga artista at model ang naroon. Mga naka-swimsuit silang lahat, ako lang yata ang nakadamit na pang-Cardo Dalisay girl version outfit. Si Crisler naman ay alam ko na mamaya ay magbibihis na siya. Hinayaan ko na si Crisler habang nakikipag-usap sa mga kakilala niya, nakita ko naman na nakatingin sila sa akin kaya naman tinaasan ko sila ng kilay, natawa naman sila sa akin. Inirapan ko sila bago ako maglakad sa isang upuan na pang-isahan lang malapit lang iyon sa pool kung nasaan sila Crisler. Tinitingnan ko lang siya at ang mga tao sa paligid, tinitingnan ko rin kong may mga magtatangka ba sa buhay ng g*gong artistang si Crisler. Mayamaya ay umalis si Crisler kaya naman sinundan ko siya, nang makita niya naman na nakasunod ako sa kaniya ay tumigil siya at hinarap ako. "Huwag ka nga sunod nang sunod," inis na sabi niya. "Paalala lang, bodyguard mo ako kaya itatak mo sa utak mo na ako na ang anino mo ngayon," sabi ko sa kaniya. Bigla naman siyang ngumisi sa akin at lumapit ako hindi naman ako natakot sa kaniya sa halip ako ginantihan ko rin siya, lumapit din ako sa kaniya at pinanglakihan ko siya ng mata. Napapikit naman siya at bumuntong hinga. "Okay, magpapalit ako ng damit kaya huwag ka na sumunod," sabi niya sa akin. "Okay," sabi ko bago ko siya talikuran at bumalik ako sa pwesto ko kanina. May mga pagkain na dumadaan kaya kumuha ako at kumakain ako habang nakatingin sa mga nagkakasiyahan na nagsu-swimming sa pool. "Hi Miss, ikaw pala ang bagong P.A ni Crisler, akala namin kanina ay girlfriend ka niya," sabi ng isang lalaki na kausap ni Crisler kanina. Tiningnan ko naman ito mula paa hanggang ulo. Nakasando na lang ito ng kulay puti at naka-shorts lang ito. "P.A?" Kunot noong taong ko. "Oo sabi niya P.A ka raw niya," sagot niya sa akin. Napataas naman ako ng isang kilay. "By the way, I'm Aldrich." "Ciara, pero itatama ko ang sinabi mo, hindi niya ako P.A, Personal B---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang may tumakip sa bibig ko kaya naman kinagat ko ang kamay ng tumakip sa bibig ko, napasigaw naman siya at tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ko. "s**t, anong klaseng babae ka ba?" Tabong ni Crisler habang hawak-hawak niya ang kamay na kinagat ko. "Anong sinasabi mo kanina, Ciara?" Tanong sa akin ni Aldrich. "Wala iyon, pare tara na roon hayaan mo na magrelax ang P.A ko ngayon, napagod iyan kanina," sabi niya habang pinagdidiinan ang salitang napagod. Hinila niya papalayo ang kaibigan niya. Ako naman ay tamihik lang ulit na nakamasid sa kaniya at sa paligid. Mukha namang okay at wala naman kahina-hinala. Mga ilang oras pa ang nakalipas ang madilim na ang paligid at nagkakasiyahan na ang lahat at mas lalong lumakas ang music sa paligid. Naging wild na rin ang mga tao sa paligid, si Crisler ay nakita ko na nasa gilid na at may kasamang babae ito mukhang naglalandian na siya. Napairap naman ako at iniwas ko ang tingin ko. Mayamaya pa ang nag-vibrate ang cellphone ko kinuha ko iyon sa bulsa ko at tiningnan ang nagtext nakita ko na iyong number iyon ng mommy ni Crisler, hinahanap na ang malandi nilang anak kaya naman napatayo ako sa kinauupuan ko at hinanap ng mata ko si Crisler, nawala kasi siya sa pwesto niya. Nang hindi makita ng mata ko si Crisler ay lumapit na ako sa mga kaibigan niya. "Nasaan si Crisler?" Tanong ko agad sa kanila pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila. "Baka nasa taas na iyon," sabi noong isa sabay tawa. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa taas. Naghanap ako sa mga kwarto at nang makita ko si Crisler na sa isang kwarto ay pumasok ako roon ng walang alinlangan. Kasalukuyan na nakapatong si Crisler sa isang babae na halos hubad na. Mukha naman wala silang pakialam sa nangyayari kaya naman kinuha ko ang baril ko sa may baywang ko at kinasa ko iyon. Mukha naman silang dalawa nagulat at napatingin sa akin. "A-anong pinaplano mo?" Kinakabahang tanong sa akin ni Crisler, iyong babae naman ay tumago sa likod ni Crisler. "Uuwi na tayo," sabi ko sa kaniya habang hawak ko ang baril ko. Napatingin naman sa baril ko si Crisler bago napalunok. "A-ayoko pa," sagot niya. Tinutok ko naman ang baril ko sa kaniya. "Sasama ka ba pauwi sa bahay niyo o dadalhin kita sa hospital? Sige pumili ka ngayon na!" Sigaw ko. Bigla naman siya napatayo sa kama at dali-daling lumabas ng kwarto nakangisi naman ako sa sumunod sa kaniya. Tinago ko sa baywang ko ulit ang baril ko at sumunod sa kaniya. Takot ka pala sa baril, Crisler Ivan Canaleja.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD