"Kamusta naman ang unang araw mo, anak?" Tanong sa akin ni Mama habang kumakain kami ng umagahan. Nasa kaliwang side ako ni Papa at katapat ko naman si Mama. Naka-police uniform sila habang ako naman ay nakasuot lang ng v-neck na t-shirt at black pants.
Sinubo ko muna ang kanin bago ako kumagat sa hotdog na nakatusok sa tinidor.
"Okay naman po," sagot ko habang ngumunguya.
"Nagsumbong sa akin ang binabantayan mo, tinutukan mo raw ng baril," sabi sa akin ni Papa bago siya humigop ng kape.
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako uminom ng tubig at tumingin kay Papa.
"Tinakot ko lang naman po," sagot ko kay Papa.
"Pero, bakit mo ginawa iyon?" Tanong ulit ni Papa.
"Papa, paano ba naman kasi mamamatay iyon sa katigasan ng ulo, may nagbabanta na nga sa buhay niya sige pa rin ang party, kaya nga noong nag-text nanay niya kinaladkad ko na," sabi ko kay Papa.
Napatango-tango naman sa akin si Mama habang ngumunguya. Napailing naman sa akin si Papa.
"Huwag mo na iyong uulitin," sabi nito sa akin.
"Depende sa sitwasyon iyon, 'Pa" sagot ko naman.
"Ciara!"
"Papa, hindi ko naman tutuluyan iyon kung babarilin ko man siya sisiguraduhin kong hindi siya mamamatay," sagot ko bago sumubo ulit ng kanin. Napabuntong hininga lang sa akin si Papa.
"Bilisan mo na kumain, anong oras na baka hindi mo na maabutan ang anak ni Senator," utos sa akin ni Papa. Tumango-tango naman ako at sunod-sunod na sumubo.
Nang maubos ko na ang kanin sa plato ko ay uminom na ako ng tubig at dali-daling tumayo sa upuan. Humalik ako sa pisngi ni Mama at Papa bago ako magpaalam sa kanila na aalis na ako.
Kinuha ko ang susi ng motor ko bago ako lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa grahe at nakangiting lumapit sa motor ko. Sinuot ko ang helmet ko bago ako sumakay sa motor ko.
Mabilis kong pinatakbo ang motor ko papunta sa mansion ng g*gong Crisler.
Nang makarating ako sa mansion nila ay ginarahe ko muna ang motor ko bago ako pumasok sa loob ng bahay nila. Sa pagpasok ko sa bahay nila ay una kong nakita ang kasambahay nila.
"Nasaan po si Crisler?" Tanong ko sa kasambahay nila.
"Ma'am nasa kwarto niya pa po, tulog pa po," sagot nito sa akin.
"Saan po ang kwarto niya?" Tanong ko.
"Sa third floor po sa pangatlong pintuan sa kanan po," sabi nito. Tumango naman ako at nagpasalamat bago ako umakyat sa hagdan.
Nang makarating ako sa third floor ay hinanap ko ang silid niya ng makita ko iyon ay binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya, bukas iyon kaya nakapasok ako.
Pagkapasok ko ay nagkalat ang damit niya sa sahig ng kwarto niya, tapos ang kalat-kalat pa. Kulay gray and white ang pintura ng kwarto niya. Mayroon siyang isang estante na puno ng mga trophies, siguro ay mga awards niya iyon. Mayroon din siyang fifty-two inches na flat screen television.
Napatingin ako sa kama niya nandoon siya nakadapang natutulog. Wala siyang damit pang itaas at may kumot naman siya hanggang sa may baywang niya.
Lumapit ako sa kanang bahagi ng kama niya kasi nandoon siya nakaharap.
Kinuha ko iyong isang unan na yakap niya at pinalo ko sa mukha niya. Umungol naman siya.
"Hoy, gumising ka! Tanghali na!" Sigaw ko sa kaniya.
"Ano ba," reklamo niya habang nakapikit pa siya.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at sa inis ko ay sinabunutan ko siya. Napadilat naman siya ng mata at napahawak sa kamay ko na nasa buhok niya.
"Kung ayaw mo gumising, baril ko ang gigising sa iyo," sabi ko.
"A-aray! Ano ba, masakit!" Reklamo niya habang hawak niya ang kamay ko na nasa buhok niya.
"Gigising ka na o hindi pa?" Tanong ko.
"Pakialam mo ba?" Tanong niya sa akin.
Lalo ko naman hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok niya. Lalo naman siyang napaaray.
"Kapag ikaw hindi pa riyan bumangon baril ko na ang magpapabangon sa iyo," sabi ko sa kaniya.
Tinanggal naman niya ang kamay ko sa buhok niya.
"Ano ba pakialam mo? Bodyguard lang kita, huwag ka ng maki-alam sa akin," sabi niya sa akin habang nakakunot noo siya.
Dinuro ko naman siya at pinanglakihan ng mata.
"Bibigyan kita ng thirty minutes, kapag hindi ka nakaayos at bumababa, kakaladkarin kita pababa!" Inis na sabi ko sa kaniya. Napakurap naman siya sa akin habang nakatingin sa akin.
"At ang thirty minutes mo! Magsisimula na ngayon din!" Inis na sabi ko sa kaniya habang pinang-didilatan siya. Inirapan niya naman ako at padabog na tumayo sa kama niya. Napangiti naman ako ng pumasok na siya sa banyo niya.
Pakanta-kanta akong bumababa at sa baba ay nakita ko roon si Senator na mukhang paalis na ito.
"Good morning, Senator," bati ko sa kaniya.
"Nandito ka na pala, si Crisler?" Tanong niya sa akin.
"Nasa taas pa po, nag-aayos na," nakangiti kong sagot.
"Alam mo, honey, magaling na bodyguard itong batang ito, aba'y napauwi agad si Crisler kagabi," sabi ng asawa ni Senator. Napatingin naman sa akin si Senator at ngumiti.
"Mabuti balita iyan, hirap talaga kami na mapauwi iyan ng maaga, lalo na ngayon na may nagtatangka sa buhay niya na kalaban ko sa politika, sana ay mabantayan mo ng maayos ang anak ko," sabi sa akin ni Senator.
"Makakaasa po kayo sa akin, ako po ang bahala sa anak ninyo," nakangiti kong sabi. Tumango naman sa akin si Senator.
"Aalis na ako, aasahan kita, hija," sabi niya sa akin. Nakangiting tumango naman ako.
Nagpaalam na rin ang asawa ni Senator, sasabay raw siya sa asawa niya dahil may pupuntahan din daw siya.
Umupo muna ako sa may sofa sa living room habang nakapatong ang dalawang paa ko sa table nasa harapan ko.
Matiyaga akong naghihintay na makababa si Crisler, patingin-tingin din ako sa relo ko kung ilang minuto na lang mayroon siya.
Saktong ten minutes na lang na palugit ang binigay ko sa kaniya ay bumababa na siya, nakakunot noo siya.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumapit sa kaniya habang nakangisi ako sa kaniya.
Tinapik ko ang balikat niya ng tatlong beses habang nakangisi ako.
"Masunurin ka naman pala," sabi ko sa kaniya. Tinanggal naman niya ang kamay ko na nasa balikat niya. Nag-tss lang siya sa akin bago siya naunang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya.
Pagkalabas namin ng bahay ay nakaabang na ang isang kotse roon. Nang nasa tapat na kami ng kotse ay tiningnan niya ako bago tingnan ang kotse niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Problema mo?" Tanong ko.
"Bodyguard kita, hindi ba? Kaya pagbuksan mo ako ng pintuan," nakangisi niyang sabi sa akin.
Ngumisi rin ako sa kaniya at lumapit sa kotse. Tumapat ako sa may front seat bago humarap sa kaniya. Kinunutan niya naman ako ng noo. Nginisian ko siya bago ko buksan ang pinto sa may front seat at pumasok doon at umupo. Pagkasakay ko ay binuksan ko ang bintana ng passenger seat at tiningan siya na kunot noong nakatingin sa akin.
"May kamay ka, hindi ba? Gamitin mo, bilisan mo!" Sigaw ko sa kaniya. Asar na asar naman siyang lumapit sa kotse at binuksan ang pintuan sa backseat.
Pagkasakay niya ay aalis na sana ang kotse ng pigilan niya ang driver.
"Kuya Lando, day off ka muna ngayon, hayaan mo na bodyguard ko ang mag-drive ng kotse ko," nakangising sabi ni Crisler.
"Sir, kahapon naka-day off na po ako," sagot ng driver niya.
"Mag-day off ka ulit, hayaan mo bayad ang araw mo ngayon," sabi ni Crisler habang nakatingin sa salamin. Humarap naman ako sa kaniya. Ngumisi siya sa akin kaya nginisian ko rin siya.
"Kuya Lando, baba na," nakangisi nitong sabi. Bumaba naman ang driver niya. Pagkababa nito ay tinuro niya sa akin ang driver seat.
Ngumisi rin ako sa kaniya bago ako humarap sa harapan at isuot ang sunglasses ko na nakasabit sa damit ko.
"Para sa kaalaman mo, bodyguard mo ako at hindi driver, manigas kang walang driver," sabi ko sa kaniya habang tinataas ko ang dalawang paa ko sa harapan ko. Humarap ulit ako sa kaniya at ngumisi.
"Bodyguard kita!" Sigaw niya.
"Tama, at hindi mo ako driver, paano tayo makakarating sa pupuntahan mo kung walang magda-drive?" Tanong ko sa kaniya.
Inis na sinipa niya naman ang kinauupuan ko kaya naman tumingin ulit ako sa kaniya at ngumisi.
"Mag-drive ka na," sabi ko sa kaniya.
Inis na bumaba siya sa kotse at lumipat sa harap. Halos magdikit ang kilay niya habang pinapaandar niya ang kotse niya.
"Walang kwentang bodyguard," bulong niya.
"Walang kwentang tao," sagot ko naman.
"Ano?" Inis na tanong niya.
"Sabi ko g*go ka sa lahat nang g*go."
"Alam mo," hindi niya matapos ang sasabihin niya. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na pulang-pula ang mukha niya. Kaya naman hindi ko mapigilan ang matawa sa itsura niya.
Ganiyan nga, mamatay ka na sa inis mo sa akin. Hinding-hindi ka mananalo sa akin, Crisler Ivan Canaleja.
*****
Happy New Year po, last update ko na po ito muna. Sa susunod na UD ko po talaga ay sunod-sunod, pa-New Year ko lang. HAHAHA. Enjoy reading po.