Chapter 4

2064 Words
Tahimik lang ako habang binabantayan ko si Crisler sa shooting niya. Nakaupo lang ako sa isang monoblock at pinagmamasdan ang tina-take na scene nila. Nabo-boring na rin ako sa ginagawa ko. Alas quatro na ng hapon hapon ay wala pa rin akong ginagawa. Walang aksyon na nangyayari. Ilang oras na rin akong nakaupo sa kinauupuan ko at halos makabisado ko na rin ang pasikot-sikot dito sa pinagso-shootingan dahil naglakad-lakad ako kanina. Ito ayoko sa pagiging bodyguard wala akong masyadong ginagawa, nagbabantay lang ako sa lalaking g*go at lagi lang akong nakasunod sa kaniya. Hay, sana matapos na agad ito, kung pwede lang na hilahin ko ang araw para maging limang buwan na ay ginawa ko na talaga. Mas boring pa itong ginagawa ko kaysa sa maghapon na nasa opisina lang ako. Napabuntong-hininga na lang ako. Inabot ko ang katabi kong upuan at tinapat ko iyon sa akin. Tiningnan ko muna si Crisler na abala pa rin sa pag-arte niya. Hindi pa tapos ang sino-shoot nila. Tinaas ko ang dalawang paa ko sa upuan at sumandal ako sa kinauupuan ko. Iidlip muna ako saglit mukhang mamaya pa naman ito matatapos. Wala rin naman akong gagawin at mukhang maayos naman ang paligid at secured si Crisler. Ipinikit ko na ang mata ko para umidlip. Wala pa sigurong fifteen minutes na naidlip ako ay may gumising na sa akin. "Tulog ka nang tulog, walang kwenta ka talagang bodyguard," sabi sa akin ni Crisler. Tiningnan ko naman siya ng masama at tinaasan ko ng kamao ko. Nag-tss lang siya bago umalis sa harap ko at pumunta sa pwesto niya. Napatingin ako sa relo ko at mag-aalas singko na rin pala ng hapon. Mukhang hindi pa tapos ang shooting nila kasi naririnig ko na sumisigaw ang direktor nila. Mga ilang minuto pa ay tinawag na ulit si Crisler para kunan ang ilang scene niya. Napansin ko na may pagka-action ang genre ng teleserye ni Crisler kaya naman nagkaroon ako ng interes sa shooting nila. Ang scene ni Crisler ay nakikipagsuntukan siya sa apat na malalaki ang katawan na lalaki dahil tinulungan niya iyong leading lady niya. Napangisi ako, ang gasgas naman ng scene na ito, wala na bang ibang scene silang naiisip? Napangisi pa ako lalo ng makipagsuntukan na kunwari si Crisler sa mga kaaway niya. Halatang peke ang ginagawa niya. Ang bakla sumuntok talo ko pa siya sumuntok para siyang hindi lalaki. Matapos makunan ang magandang scene ay kumuha ako ng isang boteng tubig sa tabi ko. At nang makalapit na siya sa akin ay binato ko sa kaniya ang isang boteng tubig. "Iyon na iyong suntukan ninyo? Ang boring naman," sabi ko habang nakangisi. Tiningnan niya lang naman ako ng masama. At nilagpasan niya lang ako. Madilim na bago natapos ang shooting ni Crisler at halata ko rin sa mukha niya na pagod na pagod siya sa shooting niya. Naghintay muna ako sa loob kotse niya habang siya ay nagbihis ng damit niya. Iniwan ko mga gamit niya kasi hindi naman iyon sakop ng trabaho ko, hindi niya ako personal assistant para gawing taga-dala ng mga gamit niya. Ewan ko kung bakit wala siyang personal assistant. Mayamaya ay dumating na siya na nakasimangot, dala-dala niya ang mga gamit niya. Nilagay niya iyon sa backseat at basta niya na lang tinapon bago siya umupo sa backseat at sinandal ang ulo niya sa upuan. Ngumisi naman ako sa kaniya. "May pupuntahan pa ako," sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman siya sa salamin pero nakapikit ang mga mata niya. "At saan naman?" Tanong ko sa kaniya. "Sa birthday ng kaibigan ko," sagot niya sinabi niya rin sa akin na sa may BGC kami roon sa isa sa exclusive bar. "May nagtatangka na nga sa buhay mo party ka pa nang party, mamamatay ka talaga sa mga pinaggagawa mo," sabi ko sa kaniya. "Kaya ka nga nandiyan, hindi ba, kasi ikaw ang bahala sa akin," sagot niya habang nakapikit pa rin siya. "Hanggang eleven P.M ka lang at pagkatapos noon ay uuwi na tayo," sabi ko sa kaniya, napadilat naman siya ng mata bago ako tingnan ng masama roon sa may salamin. "Ano ka nanay ko?" Inis na tanong niya. "Eleven P.M, sa ayaw at sa gusto mo, at kapag hindi pa tayo umuwi ng ganoong oras kakaladkarin kita pauwi," sabi ko sa kaniya. "Kung kaya mo," mayabang na sagot niya sa akin. Nginisian ko lang siya. Nang makarating na kami sa sinabi niyang bar ay nag-park muna ako ng kotse bago kami sabay na bumaba roon. Na-una siyang maglakad sa akin at ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Pumasok kaming dalawa sa loob ng bar, pagkapasok namin ay sumalubong ang napakalakas ng sounds at mausok na paligid. Maraming mga tao roon at karamihan sa nakikita ko ay mga sikat na models at artista. Sumunod ako kay Crisler sa second floor at nang makarating na kami roon ay hinanap niya ang table ng mga barkada niya at nang makita niya iyon ay nakangiti siyang lumapit doon. Sumunod lang naman ako sa kaniya, pagka-upo na pagka-upo ni Crisler ay may babae agad siyang inakbayan. Isang sikat na model iyon. Napangisi na lang ako. "Ciara!" Tawag sa akin noong isang kaibigan ni Crisler. Iyon yata iyong tinanungan ko kahapon. Kumaway lang naman ako, umupo ako sa kabilang couch na walang tao. Doon kasi sa pwesto nila Crisler ay puno na pati ang table roon ay puno na rin ng mga alak. Mayamaya pa ay nakita ko na tumayo si Crisler kasama ang isang model, nakahawak siya sa baywang niya habang pababa sila ng hagdan. Sumunod din naman ang mga ibang kasama ni Crisler sa table mukhang magkakasiyahan sila sa baba. Wala ng tao sa table nila. Nang may makita ako ng isang bote ng beer na walang bawas ay kumuha ako at lumapit ako sa may railing ng second floor. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa may railing habang hinahanap ng mga mata ko ang binabantayan ko. Nang makita ko si Crisler na sumasayaw sa gitna ng marami tao kasama ang babaing kasama niya kanina ay lumagok ako ng alak habang hindi inaalis ang mga mata ko sa kaniya. Dikit na dikit na sila ng babae habang sumasayaw sila. Halata sa mukha ni Crisler na masayang-masaya. Pinagmamasdan ko lang ang mga ginagawa ni Crisler habang iniinom ko ang beer na nasa bote ng makalhati ko na iyon ay biglang nawala sa paningin ko si Crisler. Kaya naman mas nilinawan ko ang mga mata ko at hinanap ito. Hanggang sa makita ko may nagkakagulo sa may kanang bahagi ng bar. Nangliit ang mga mata ko ng mahagip nito si Crisler na sinapak ng isang lalaki. Iniinom ko ang beer na hawak ko at isang lagukan kong naubos iyon. Nang wala ng laman ay binalik ko sa table nila Crisler ay bumaba ako sa hagdan. Nang makababa na ako ay lumapit na ako sa nagkakagulo, nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang sa makarating ako sa mismong harap kung nasaan si Crisler at ang isang lalaki na hawak-hawak na sa dalawang kwelyo niya si Crisler. "Ano nangyari?" Tanong ko sa babaing katabi ko. "Si Crisler, nakipaghalikan doon sa girlfriend ni Renz," sagot sa akin napatango naman ako. Malandi talaga ang g*gong ito kaya napapahamak siya, e. Susuntukin pa sana ng lalaki sa mukha si Crisler kaya naman mabilis akong kumilos at pinigilan ko kamao nito na dapat ay tatama sa mukha ni Crisler. Gulat na napatingin naman sa akin si Crisler at ang lalaking susuntok sa kaniya. "Tama na iyan, tama na iyong nakasuntok ka na," sabi ko sa kaniya. "Sino ka ba?" Asar na tanong sa akin noong lalaki. "Personal bo---" "Personal assistant ko," maangas na sagot ni Crisler habang nakangisi. "Bakit ka nakikialam?" Sigaw sa akin ng lalaki. "Boss ko kasi iyan," sagot ko habang pinangdidiinan ang salitang boss. Mayabang na nangumisi naman si Crisler sa lalaki. "Bitawan mo siya," utos ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hawak ng isang kamay nito ang kwelyo ng damit ni Crisler. Mukhang hindi naman siya natakot sa akin kaya naman pinilipit ko ang kamay niya na hawak ko. Bigla naman siyang napa-aray at napabitaw kay Crisler. Matapos noon ay binitawan ko na rin ang kamay niya. Galit na galit naman siyang tumingin sa akin, sinugod niya ako ng suntok pero naka-iwas naman ako. Ilang beses silang sumubok na tamaan ako ng suntok pero hindi niya magawa. "Ako naman," sabi ko sabay suntok sa mukha niya. Isang malakas na suntok iyon at isang suntok ko lang ay tulog ito. "Ano ba iyan, nakailang suntok ka, samantalang ako isa lang tumba na," sabi ko. Mayamaya ay may lumapit na bouncer sa amin. Tinulungan nito makalabas ang lalaking sinuntok ko na hanggang ngayon ay tulog pa rin. "May kwenta ka naman pa lang bodyguard," bulong ni Crisler sa akin. Napalingon naman ako sa kaniya at sinikmuraan siya. "Isa pang kaguluhan ang kasangkutan mo ngayon, sinasabi ko kahit wala pang eleven, kakaladkarin na kita pauwi," sabi ko bago ko siya iwan sa pwesto niya. Muli naman naging maayos na ang lahat at bumalik na sa pagpa-party ang mga tao. Ako naman ay pumunta sa isang gilid habang nakabantay ang mga mata ko kay Crisler. Sa paglipas ang ilang oras ay mas umingay at nagkagulo pa sa loob ng bar. Mas dumami ang tao sa gitna at halos hindi ko na makita si Crisler. Mayamaya pa nakita ko si Crisler na nasa kabilang gilid habang may kahalikan na namang babae. Hindi ba natatakot ang lalaking ito na baka may sakit ang babaing kahalikan niya at mahawaan siya. Babaero talaga. Mayamaya pa ulit ay may lumapit na lalaki kay Crisler at tinulak ito. Na-iinis na lumapit naman ako sa kaniya. Susuntok na sana ang lalaki kay Crisler ng hindi iyon matuloy ng makita ako nito. "O, bakit hindi mo tinuloy?" Tanong ko sa lalaki ng binaba niya ang kamao niya ng makalapit ako nakita ko naman na napangisi si Crisler. Iyong lalaki naman ay hindi makatingin sa akin. "Suntukin mo, binibigyan kita ng permiso," sabi ko. Nanglalaking mata naman akong tiningnan ni Crisler. Gulat na tiningnan din ako ng lalaki. "Suntukin mo!" Utos ko habang pinanglalakihan ko siya ng mata. Humarap siya kay Crisler bago ito sinuntok natumba naman sa sahig si Crisler. Tinapik ko sa balikat ang lalaki. "Good, pero dapat mas nilakasan mo pa," sabi ko sa kaniya. Hindi mapakaniwala naman akong tiningnan ng lalaki at tipid na ngumiti sa akin bago niya hilahin ang girlfriend niya paalis. Naka-cross arm na tiningnan ko naman si Crisler na naka-upo sa sahig. Tiningnan niya ako ng masama. "Seriously? Hinayaan mo ako masuntok? Walang kwenta ka talagang bodyguard!" Inis na sabi niya habang hawak-hawak ang kanang labi niya na pumutok. "Tayo riyan, uuwi na tayo!" Sigaw ko sa kaniya. Malakas kasi ang sound ngayon. Tiningnan niya ako ng masama bago siya tumayo, tatalikuran na sana niya ako ng hawak ko siya sa braso niya. "At saan ka pupunta?" Tanong ko. "Wala ka ng paki-alam," inis na sabi niya. "Uuwi na tayo!" Sigaw ko sa kaniya. "Ayoko ko!" Sigaw niya rin. Nginisian ko siya at inabot ko ang tainga niya. Mas matangkad siya sa akin at hanggang balikat niya lang talaga ako. Kinaladkad ko siya habang hawak-hawak ko ang tainga niya. "Aray!" Sigaw niya. Yukong-yuko na siya dahil nga mas matangkad siya sa akin. Binitawan ko ang tainga niya at sa kwelyo ko naman siya hinawakan at kinaladkad ko palabas ng bar. Hila-hila ko lang siya hanggang makarating kami sa kotse. "Sakay!" Utos ko sa kaniya. Tiningnan niya ako ng masama habang nakahawak siya sa tainga niya na pulang-pula na. "Ayoko!" Matigas na sagot niya. Kaya naman kinuha ko ang baril ko na nasa may baywang ko. Kinasa ko iyon sa harapan niya at tinututok ko sa mukha niya. "Pumili ka, sa bahay ninyo ikaw uuwi o sa hospital kita dadalhin?" Tanong ko. Namumutla naman siyang nakatingin sa baril ko. "Sakay!" Sigaw ko sa kaniya. Mabilis naman siyang sumakay sa loob ng kotse. Nakangiti ko namang tinago sa baywang ko ang baril ko at sumakay ako sa driver's seat. Sinabi ko naman sa iyon Crisler hindi ka mananalo sa akin, kahit ano pang gawin mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD