Halos magsalubong na ang dalawang kilay ni Crisler habang seryosong nakatingin sa harapan ng kotse. Wala siyang imik pero halata ko na inis na inis siya. Napangisi naman ako, bigla siya napatingin sa akin at tiningnan ako ng masama. Saglit ko naman siyang tiningnan bago ko ibalik ang paningin ko sa kalsada.
"Masaya ka na?" Inis na sabi niya sa akin.
Natawa naman ako sa tanong niya sa akin. Pati sa boses niya alam ko na asar na asar na siya sa akin na parang anytime ay gusto na niya akong suntukin sa sobrang asar niya sa akin.
"Masunurin ka naman pala, e." Nakangisi ako sa kaniya habang nakatingin pa rin sa kalsada.
"Para kang hindi babae kung kumilos, tomboy ka ba?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko ulit siya at pinanglakihan ng mata bago ako muling humarap sa kalsada.
"Mukha ba akong tomboy?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo," mabilis na sagot niya sa akin.
"Hindi mo ba ako naalala?" Tanong ko sa kaniya.
"Bakit isa ka ba sa mga exes ko? Kung isa ka roon, napaka-imposible naman na patulan kita," sabi niya bago niya ako tingnan mula ulo hanggang paa. "Hindi ako pumapatol sa katulad mo."
Bigla naman ako napa-preno ng malakas kaya naman siya, ayon sobsob sa windshield. Hindi kasi siya naka-seatbelt.
"Ano ba! Hindi ka ba marunong mag-drive?" Inis na tanong niya matapos niyang makaupo ng maayos.
"Ikaw, hindi ka ba marunong mag-seatbelt?" Tanong ko sa kaniya.
Tiningnan niya ako ng masama bago siya magsuot ng seatbelt. Pinangliitan ko muna siya ng mata bago naman ako magsimula ulit mag-drive.
Tahimik na kaming dalawa habang nagda-drive ako. Nang makarating na kami sa mansion nila ay pinark ko lang ang kotse niya. Siya naman ay deretso pasok na sa bahay nila, pagka-park ko sa kotse niya ay pinuntahan ko naman ang motor ko na nasa grahe lang din nila. Nagsuot ako ng leather jacket, habang nagsusuot ako ng gloves ay biglang dumating si Crisler, nakataas ang dalawang kilay niyang nakatingin sa akin. Walang gana ko naman siyang tiningnan.
"Sa iyo pala iyan," sabi niya habang nakatingin sa motor ko.
"So?"
"Nice." Komento niya habang nakatingin sa motor ko. Pumunta siya sa kotse niya at binuksan iyon. Mukhang may kukunin siyang gamit niya.
Inayos ko naman ang buhok ko bago ko isuot ang helmet kong kulay itim.
Sumakay ako sa motor ko at pinaandar ko ang motor ko. Napatingin naman ako kay Crisler na, manghang-mangha na nakatingin sa akin. Inayos ko ng tayo ng motor ko. Nag-dirty finger ako kay Crisler bago ko mabilis na paandarin ang motor ko.
Relax na relax naman ako habang nagda-drive ng motor. Alas onse na rin ng gabi kaya wala masyadong mga sasakyan na at maluwag na ang kalsada.
Mabilis din akong nakarating sa bahay namin. Pagkarating ko ay nag-park lang ako ng motor sa grahe bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.
Pagkapasok ko ay nandoon si Papa na naka-upo sa may living room habang may hawak ng isang papel mukhang nagbabasa siya.
Lumapit ako kay Papa at nag-kiss ako sa pisngi niya.
"Gabi ka na, Antonia," sabi ni Papa. Napairap naman ako, ayoko talaga ng second name ko pang-matanda kasi ang datingan.
"Well, kung hindi ko pa kinaladkad ang binabantayan ko po baka mamaya pa ako talaga," sabi ko kay Papa sabay tabi ng upo sa kaniya. Ngumiti naman ako sa kaniya at yumakap sa braso niya bago ko siya tingnan na parang napakaamo ko.
"Papa, balik mo na ako sa action," sabi ko habang kumukurap-kurap pa ang mga mata ko.
Tiningnan ako ni Papa at ngumiti sa akin. Nilagay niya ang niyakap kong braso niya sa balikat ko at tinapik-tapik iyon.
"Hindi, mas panatag ang loob ko kung babantayan mo lang ang Canaleja, hindi ako natutuwa sa suicidal mong action," sabi ni Papa. Napasimangot naman ako sa kaniya.
"Papa naman, promise hindi ko na uulitin iyon," sabi ko.
"Hindi, mali nga yata ang desisyon namin ng Mama mo na pinag-pulis ka, ikaw na ikaw ako noong kabataan ko, e." Komento ni Papa habang natatawa pa ito na parang may naalala.
Napakamot naman ako sa ulo ko at dismayadong tumingin kay Papa.
"Papa, mas gusto ko rito sa pagpupulis may aksyon kasi kapag Engineer lang ako, nagso-solve lang ako, boring iyon," sagot ko naman. Napailing naman sa akin si Papa. Hinalikan niya ako sa noo ko.
"Matulog ka na, maaga ka pa bukas, sige na," utos sa akin ni Papa. Humalik ulit ako sa pisngi ni Papa at nag-good night ako bago ako umakyat sa second floor ng bahay namin kung nasaan ang kwarto ko.
Hindi naman kami ganoon kayaman, siguro mga tama lang. Iyong pamilya kasi nila Papa at Mama ay mayayaman talaga kaya lumaki rin ako na naibibigay nila ang mga pangangailangan ko. Ganoon din ang sa kapatid kong lalaki, bunso namin iyon at college na siya ngayon, engineering din ang kurso niya pero Mechanical Engineering ang kinukuha niya, gusto niya raw kasi gayahin ako pero gusto niya rin mag-imbento. Mahilig din kasi iyon kumalikot ng kung anu-ano.
Hindi naman pinipilit nila Papa na magpulis din ang kapatid ko, natakot na sila sa akin na agresibo raw talaga, sabi nga ni Mama nasa dugo raw talaga namin yata iyon. Noong nakaraang taon ay doon nila ako kinombensi na ituloy ko na lang daw ang pagiging Engineer ko kaysa sa pagpupulis, natakot kasi sila sa akin dahil noong nakaraang taon din ay muntik na akong mamatay dahil sa misyon ko.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay naglinis na agad ako ng katawan ko bago ako humiga sa kama ko.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Crisler kanina na hindi niya tipo ang katulad ko. Hindi niya yata talaga naalala kung sino ako.
"Nakaka-bw*sit ka talagang g*gong Crisler ka! Ang kapal ng mukha mo na hindi mo ako maalala!" Inis na sabi ko habang kinakalampag ang mga paa ko.
Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ano naman kung hindi niya ako maalala, pakialam ko nga ba.
Niyakap ko na lang ang kulay brown kong teddy bear at pinikit ko ang dalawang mata ko. Matutulog na lang ako dahil mahaba pa ang araw ko bukas.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili ko bago ako bumaba. Pagkababa ko ay dumeretso ako sa dinning room, doon ay nakaupo na sila Mama, Papa at ang bunso kong kapatid na si Tres. Mabilis siyang kumakain habang hawak ang isang libro.
Umupo ako sa tabi ni Tres at hinawakan siya sa ulo.
"Sipag mag-aral, a," sabi ko. Tinabig naman niya ang kamay ko at tiningnan ako ng masama.
"Mama, o, si Ate!" Sumbong ni Tres kay Mama. Napatingin naman sa amin si Mama at Papa.
"Sumbongero!" Pinangdilatan ko siya ng mata.
"Antonia, tama na iyan, kumain ka na," sabi sa akin ni Papa. Binelatan naman ako ni Tres bago siya sumubo ng hotdog at tingin ulit sa libro niya. Inambangan ko naman siya ng suntok.
"Antonia!" Sigaw ni Mama.
"Opo!"
Kumuha ako ng slice bread, inabutan naman ako ni Mama ng isang basong gatas. Nagpasalamat ako bago ako uminom ng gatas. Matapos noon ay sumubo ako ng isang buong slice bread at ng isang buong hotdog.
Biglang nag-ring ang cellphone ko na nakapatong lang sa table. Napatingin ako roon pati rin sila Mama at Papa, ganoon din ang kapatid ko. Nakita kita ko na pangalan iyon ni Crisler.
"Sino iyang, Dem*nyong G*go?" Tanong sa akin ni Papa. Napangisi naman ako sa kanila kahit punong-puno ng pagkain ang bibig ko.
"Si Crisler Canaleja po," sagot ko. Napatikhim naman si Papa habang si Mama naman at gulat na napatingin sa akin. Sinagot ko iyong tawag.
"Nasaan ka?" Bungad sa akin ni Crisler. Uminom muna ako ng tubig para malunok ko ang nginunguya ko.
"Nasa bahay, bakit? Anong problema mo?" Maangas na tanong ko sa kaniya.
"Bilisan mo, pumunta ka rito sa bahay," utos niya bago niya ako bababaan ng tawag. Pinagdutdot ko naman ang cellphone ko. Nakakainis kung maka-utos akala mo kung sino.
"Bakit daw?" Tanong ni Papa sa akin.
"Pinapapunta ako sa kanila," sabi ko. Tumango naman si Mama. Kumuha ako ng isang buong hotdog at sinubo ko ng isang subuan iyon bago ko inubos ang gatas na binigay ni Mama sa akin. Pagkatapos noon ay mabilis akong tumayo ay nagpaalam sa kanila. Kinuha ko agad ang susi ng motor ko at pumunta ako sa grahe.
Mabilis kong pinatakbo ang motor ko papunta sa mansion nila Crisler at nang makarating ako roon ay nag-park agad ako at pumasok sa loob ng bahay nila.
Nang makita ako ng isang kasambahay nila ay tinuro niya sa akin kung nasaan si Crisler kaya naman pinuntahan ko iyon.
Nasa labas ng bahay nila iyon, doon sa may pool may isang glass house roon. Nakita ko roon si Crisler na nagwo-work out. Pumasok ako roon.
Pagkapasok ko ay agad na tumingin sa akin si Crisler. Kasalukuyan siyang nagpu-push up at tinigil niya iyon ng matapos niya akong makita.
"Bakit ang tagal mo?" Reklamo niya sa akin. Inirapan ko naman siya.
"Paki-alam mo ba?" Mataray na sagot ko naman sa kaniya.
"Magaling ka sumuntok, hindi ba? Tara sparring tayo," paghahamon niya sa akin. Bigla naman akong nabuhayan ng dugo.
"Sure!" Masaya kong sagot sa kaniya.
May tinuro siyang sa akin kaya naman sinundan ko ng tingin ang tinuro niya, nakita ko na may isang paper bag doon. Kinuha ko iyon at tiningnan nakita ko na isang leggings at sport bra iyon.
"Ano ito, damit ng isa sa mga babae mo?" Mataray kong tanong.
"Kay Corrine iyan, sa kapatid ko," sabi niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tinuro lang niya sa akin iyong isang pintuan.
"Bilisan mo magbihis," sabi niya.
Lumakad naman ako sa may pintuan at pagbukas ko ay isang malaking shower room iyon. Mabilis akong nagpalit ng damit. Tinali ko rin ang lagpas balikat kong buhok.
Lumabas ako ng shower room na naka-sport bra na lang ako at leggings. Busy naman sa pag-warm up si Crisler.
Nag-warm up na rin ako, nag-sit up na rin ako, ilang araw na rin akong walang work out.
Matapos ang fifty sit ups ko ay tumayo na ako, nakita ko na seryosong nakatingin sa akin si Crisler. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Problema mo?"
Ngumisi lang siya sa akin at napailing bago niya ako abutan ng gloves. Sinuot ko naman agad iyong isa, iyong isa naman ay nagulat ako ng siya ang nagsuot sa kamay ko noon. Napatingin naman ako sa kaniya habang inaayos niya iyon. Matapos noon ay tiningnan niya ako at ngitian bago ako talikuran. Bigla naman ako napailing.
Ano ba! Ciara, umayos ka nga.
Matapos maglagay ni Crisler ng gloves sa kamay niya ay umakyat siya sa boxing ring na sa gitnang bahagi. Pumasok din ako roon.
Ngumisi ako kay Crisler bago kami magsimula, sinubukan niya ako suntukin sa kanang pisngi ko pero hindi siya nakatama dahil na iwasan ko iyon. Sumubok ulit siya sa kaliwang pisngi ko naman pero hindi siya nakatama.
"Iyan lang ba kaya mo?" Mayabang na tanong ko sa kaniya. Inis na tinginan niya naman ako bago siya sumugod sa akin. Sinubukan niya ako suntukin sa mukha ko pero naka-iwas ulit ako.
"Ako naman," sabi ko sa kaniya at sunod-sunod ko siyang inatake ng suntok nakaka-iwas siya sa tatlong sunod kong suntok pero sa pang-apat na makakita ako ng mapapasukan ng kamao ko sa mukha niya ay sinugod ko agad siya. Isang malakas at buong pwersa ko siyang sinuntok. Ayon natumba siya.
"Kaya pa?" Tanong ko sa kaniya. Pinagbangga ko ang dalawang kamay ko habang tumatalon-talon pa ako.
Asar na tumayo siya sa pagkakatumba niya, sinugod niya ulit ako pero mas mabilis ako, tinamaan ko siya sa kaliwang pisngi niya ayon. Tumamba na naman siya.
"Ang hina naman," pang-aasar ko sa kaniya.
Tumayo ulit siya this time at inis na inis na sa akin, sumugod na ulit siya pero mabagal na ang kilos niya ngayon. Hinayaan ko muna siyang sumugod sa akin pero hindi niya ako matamaan, kahit na anong subok niya ay wala siyang tamaan sa akin. Nang ako na ulit ang sumuntok at sinuntok ko siya straight sa mukha niya. Ayon tulog siya.
Nakarinig naman ako ng malakas na palakpak, nakita ko ang dalawang kapatid ni Crisler na parang tuwang-tuwa pa na napatulog ko ang kapatid nila.
"Burn! F*cker!" Sigaw noong babaing Canaleja habang nakatingin sa kapatid niyang tulog.
"Nice!" Nakangiting komento naman noong isang lalaking kapatid ni Crisler.
"Sa susunod na may kasalanan sa akin ito, ipapabugbog ko sa iyo ha," sabi sa akin noong babaing Canaleja.
Ngumiti naman ako sa kaniya at sunod-sunod na tumango.
"Sure," masayang kong sagot.
"Very good ka talaga, by the way ako si Corrine, siya naman si Chester."
"Ciara," sabi ko habang tinatanggal ang gloves sa kamay ko.
"Tara, kain muna tayo," sabi niya sa akin ng matanggal ko na ang gloves ko.
"Paano siya?" Tanong ko habang nakaturo sa kapatid niyang tulog sa loob ng boxing ring. Walang gana niya naman tiningnan ang kapatid niya.
"Hayaan mo siya," nakangiti niyang sabi habang hinihila ako.
Napasulyap ako kay Crisler na nakahiga sa boxing ring. Ngumisi lang ako bago siya talikuran.
Tama lang sa iyon iyan Crisler. Matulog ka lang diyan at paggising mo tatawanan talaga kita.