Chapter 6

2059 Words
Masamang tingin ang ginagawad sa akin ni Crisler habang naka-upo siya sa pang-isang sofa at may hawak-hawak na ice bag na nilalagay niya sa pasa niya sa mata at sa may putok na labi niya. "May galit ka ba sa akin?" Bigla niyang tanong sa akin. Tinapunan ko naman siya ng tingin at inosente siyang tiningnan. "Wala naman, nagpa-practice lang tayo, hindi ba? Hindi ko naman alam na mabilis ka lang pa lang patumbahin," sagot ko sa kaniya. "E, bakit parang may galit ang suntok mo?" Asar na asar na tanong niya sa akin. Kunwari na nagulat naman ako sa kaniya, "hindi pa nga malakas iyon, parang sumuntok nga lang ako noon sa bata." "Sa bata?" Tanong niya tapos tinuro niya ang sarili niya. "Ito parang suntok lang ng bata? Seryoso ka ba?" Nagkibit-balikat naman ako sa kaniya. "Kasalanan ko ba kung hindi ka marunong sa boxing? Lakas mo manghamon, hindi ka naman pala marunong." Inis na inis naman niya akong tiningnan at feeling ko ay gusto na niya ibato sa akin ang ice bag. "Paano ang shooting ko bukas? Mabuti na lang at wala akong shooting ngayon, paano kung hindi matanggal ang pasa ko at putok ng labi? Ikaw ang bodyguard ko, dapat ikaw ang magpo-protekta sa akin at hindi ang mananakit!" Gigil na gigil na sabi niya. Hindi ko naman siya pinansin at kunwari na wala akong narinig. Nasa bahay lang nila kami dahil wala pala siyang trabaho ngayon. Matapos niyang magising sa pagkakasuntok ko sa kaniya kanina ay hinanap niya agad ako at galit na galit sa akin. Ang isang lalaking kapatid niya naman ang umawat ako naman ay walang pakialam. At ang kapatid niya namang babae ay sinermunan siya at talagang walang tigil ang kakadada ang kapatid niya kahit ako ay sumakit ang tainga ko sa mga sinasabi niya. Sinigawan niya na kasi si Crisler kaya itong si Crisler hindi na makapalag, ni-hindi nga siya makapagsalita dahil hindi siya makasingit sa kapatid niyang nagger. Tapos makalipas ang ilang minuto ay naiwan na kaming dalawa ni Crisler dito sa living area nila ang kapatid niyang babae ay umakyat na sa taas para mag-review raw, ang kapatid niya naman na lalaki ay umalis dahil may gagawin daw ito. "Hoy!" Tawag niya sa akin. Hinayaan ko lang siya at nagkunwari na hindi siya narinig. "Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan ka?" Asar na tanong niya. Kinuha ko naman ang baril ko na nasa baywang ko ay pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko habang nakatingin sa kaniya. "Anong sabi mo?" Kalmadong tanong ko sa kaniya. "H-ha? W-wala." Iniwas niya ang tingin sa akin. Tumayo ako sa pagkaka-upo bago ko ibalik sa baywang ko ang baril ko. "Uuwi na ako, tiyak ako na hindi ka naman aalis ng bahay ninyo," sabi ko habang nakatingin sa kaniya. "Paano ka nakakasiguro?" Tanong niya sa akin. "Tingnan mo itsura mo, alam ko na ligtas ka naman dito, uuwi na lang ako," sabi ko sa kaniya. "Walang kwentang bodyguard talaga." Bulong-bulong niya. "May sinasabi ka? May sinasabi ka?" Tanong ko sa kaniya. "Wala!" Asar na sabi niya. "Good! Aalis na ako, tawag ka kapag patay ka na," sabi ko sa kaniya. "Ano?" Sigaw na tanong niya sa akin. "Sabi ko tawag ka kapag may kailangan ka! Bungol!" "Iba sinabi mo!" Sigaw niya sa akin. "Ang ingay!" Sigaw mula sa taas, sabay naman kaming napatingin ni Crisler sa taas. Nakita namin doon si Corrine na nakasuot ng salamin sa mata habang asar na asar na nakatingin sa amin. "Sorry," sabi ko. Blanko niya lang akong tiningnan at pinandilatan niya ang Kuya niya bago siya tumalikod at umalis. "Aalis na ako," sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya lang naman ako ng masama at nag-tss lang siya. Tinalikuran ko na siya at umalis na ako. Sumakay ako sa motor ko at pinaandar iyon papunta sa presinto namin. Pagkarating ko roon ay mabilis akong nagparada at tinanggal ko ang helmet ko, excited naman akong bumaba sa motor ko at masayang pumasok sa loob ng presinto. Ngiting-ngiti ako habang papasok sa loob. "Inspector Paz!" Sigaw ng isang kasamahan kong pulis. Kumaway lang ako bago ako umakyat sa second floor, doon ay nakita ko ang mga kasamahan ko na sila Inspector Dela Cruz at Inspector Galvez. "Inspector Paz, napadalaw ka?" Tanong sa akin ni Inspector Galvez. "Boring doon sa binabantayan ko, kamusta rito?" Tanong ko. "Okay naman, may bagong misyon kami ngayon." Balita ni Inspector Dela Cruz. "Ano?" Excited na tanong ko. "Confidential," sagot nilang dalawa. "Parang iba naman ako sa inyo," nakanguso kong sabi. Natawa naman silang dalawa. "Ba--" "Inspector Paz!" "Chief!" Sumaludo agad kaming tatlo ng makalapit sa amin si Chief. Sinaluduhan din naman kami ni Chief. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong sa akin ni Chief. Iyong dalawa naman ay nagpaalam na aalis na kaya kami na lang ni Papa ang naiwan doon. "Wala naman po akong ginagawa roon, kaya po umalis na ako," sabi ko. Kinunutan naman ako ng noo ni Chief. "Hindi porket wala ka ng ginagawa ay aalis ka na sa oras ng trabaho," istriktong sabi ni Chief sa akin. "Wala naman pong ginagawa, tsaka po, sir, nasa bahay lang nila siya," sagot ko. "Kahit na, bumalik ka na roon ngayon na," sabi nito sa akin. Napanguso naman ako saglit bago tumango at sumaludo. Tinanguan lang ako ni Chief bago ako talikuran. Salubong ang kilay ko habang papalabas ako ng presinto. Nakakainis talaga. Bumalik ako sa mansion ng mga Canaleja at pagkarating ko roon ay nagparada agad ako ng motor ko at pumasok sa loob ng bahay. Sumalubong agad sa akin ang pababang si Crisler may hawak pa rin siyang ice bag, nakangisi siya sa akin. "Bakit ka bumalik?" Pang-aasar na tanong niya sa akin. "Ikaw ba nagsabi sa Papa ko?" Asar na tanong ko sa kaniya. Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya at bago siya maglakad papunta sa kusina, sumunod naman ako sa kaniya. "Hoy! Tinatanong kita," asar na sabi ko sa kaniya. "Wala akong alam sa binibintang mo," maang-maangan niyang sabi bago siya kumuha ng tubig sa refrigerator. Matapos niyang uminom ng tubig ay sinipa ko siya sa paa niya napahawak naman siya sa sinipa ko. "Ano ba? Ikaw ba ang papatay sa akin?" Asar na tanong niya. "Oo, ako ang papatay talaga sa iyo," asar na sabi ko habang pinangdidilatan siya. "Isusumbong talaga kita sa Papa mo!" Pananakot niya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at pinandilatan siya ng mata. "Sumbungero!" "Tomboy!" Nanglaki ang mata ko pati ang butas ng ilong ko, sa asar ko sa kaniya ay kinuha ko ang kanang kamay niya at pinilipit ko iyon. "Aray! Aray!" Sigaw niya. "Anong sinabi mo?" Tanong ko habang mas hinigpitan ang pagpilipit sa braso niya. "Sabi ko tomboy ka! Walang kwentang bodyguard ka na nga, bingi ka pa," sabi niya sa akin. Sa inis ko ay kinuha ko ang kaliwang braso niya at pinilipit ko rin iyon. "Aray! Aray!" Sigaw niya sa sakit. "Anong sabi mo?" Ulit na tanong ko sa kaniya. "Sabi ko, maganda ka, babaing-babae ka, magaling kang bodyguard, perfect ka pa nga, e," sabi niya. Satisfied ko namang binitawan ang dalawang braso niya. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng masama. Tinapik-tapik ko ang kaliwang pisngi niya. "Very good!" Sagot ko bago ko siya talikuran. Naglakad na ako pero humarap ulit ako sa kaniya nakita ko na nakataas ang kanang kamao niya sa ire. "Suntukan ulit tayo?" Tanong ko sa kaniya. "Ha? Hindi nag-stretching lang ako," palusot niya. Nginisian ko siya bago ko talikuran ulit. Komportable akong umupo sa living room habang nakatingin sa paakyat sa hagdan na si Crisler. Tiningnan niya ako ng masama bago siya padabog na umakyat sa taas. Napangisi naman ako sa kaniya. Mayamaya ay narinig ko siya na tinatawag ako mula sa taas, sumisigaw kasi siya ng pagkalakas-lakas. Kaya naman umakyat ako nasa second floor pa lang ako ay narinig ko na ang boses ng kapatid ni Crisler. Mukha na-istorbo ni Crisler ang kapatid niyang babae. Pagka-akyat ko sa taas ay nakita ko si Corrine na hawak ang buhok ng Kuya niya. "Sabi ko, tumahimik kayo kapag nag-aaral ako, ikaw talaga ang hindi nakikinig sa akin! Nakaka-bw*sit ka!" Inis na inis na sabi ng kapatid ni Crisler sa kaniya. Gigil na gigil din ito habang sinasabunutan ang Kuya niya. Napangisi naman ako habang nakatingin sa kanila. Si Crisler kasi ay walang magawa sa kapatid niya na galit na galit sa kaniya. "Corrine, tama na, sorry na, hindi na ako sisigaw," pagmamakaawa ni Crisler ng makita niya ako ay sinenyasan niya ako na tulungan ko siya. "Manahimik ka, kapag narinig ko ulit ang boses mo! Iti-tape ko talaga ang bibig mo!" Galit na sabi ni Corrine rito. "Pwede mo rin na ibitin patiwarik siya, pwede kitang tulungan," sabi ko kay Corrine. Napatingin naman siya sa akin at napatango. "Good idea!" Masaya nitong sabi bago bitawan ang buhok ng kapatid niya. "Manahimik ka na, isa na lang talaga, ibibitin kita patiwarik!" Pagbabanta ni Corrine. Inambangan niya ng suntok si Crisler bago siya bumaba sa second floor. "Ano kailangan mo?" Tanong ko kay Crisler. "Kunin mo iyong box sa kotse ko dalhin mo rito," utos niya sabay tapon ng susi ng kotse niya. Inirapan ko lang siya bago ko talikuran. Bumaba ako at pumunta sa grahe nila, pinuntahan ko ang kotse ni Crisler at binuksan iyon. Mayroong isang maliit na box doon, kinuha ko iyon at dinala sa taas kung saan ang kwarto ni Crisler. Hindi naman iyon kabigatan tama lang ang bigat. Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Crisler ay sinipa ko ang pintuan niya. Ilang beses kong sinipa ang pintuan niya pero hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan kaya naman binaba ko ang box at binuksan ang pintuan pero naka-lock iyon. Kinalampag ko iyon pero wala pa rin, hindi niya pa rin binubuksan iyon. Malakas na kinalampag ko ulit iyon pero wala talaga. Sa inis ko ay sinipa ko ng malakas ang pintuan ng kwarto niya at ayon nasira. Nang liit ang mga mata ko ng makita ko si Crisler na nakatalikod sa may pintuan may headset siya at mukhang nakikinig ng music. Kinuha ko ang box na dala ko at lumapit sa kaniya. Sinipa ko ang kinauupuan niya kaya napatingin siya sa akin pagkaharap niya ay binagsak ko mismo sa tapat niya ang box na dala ko at tinamaan noon ng paa niya. Napasigaw naman siya sa sakit. Nang laki ang mga mata niya ng mapatingin siya sa likod ko at tinuturo niya iyon habang nakahawak sa isang paa niya. "Bakit mo sinira ang pinto ko?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko naman iyon at nagkibit balikat ako. "Alam mo ba na kanina pa ako nagtatawag sa iyo at kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot, tapos naka-lock pa ang pinto mo!" "Pero, bakit mo sinira?" Tanong niya. "Kasi ang tagal mong hindi buksan, malay ko ba na may nangyari na sa iyo," sagot ko naman. Bigla siyang napasigaw ng malakas sa frustration niya sa akin. "Sa susunod, huwag ka na magla-lock ng pinto, baka masira ulit sayang naman," sabi ko sa kaniya. "Malalagot ako kay Mommy nito," sabi niya. Kunwari na gulat na tiningnan ko siya. "Sorry, kasalanan ko," sabi ko habang nagpipigil ako ng tawa. Kinakagat ko na nga ang labi ko para hindi ako matawa. "Bw*sit ka talaga," inis na sabi niya sa akin. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at pinilipit ko ulit iyon. "Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya. Napa-aray naman siya sa sakit. "Sabi ko, bw*sit talaga ako!" Inis na sagot niya. Patulak na binitawan ko naman siya. Na-out of balance siya at nahawakan niya ako kaya naman ang nangyari ay nahulog kaming dalawa sa sahig. Nasa ibabaw niya ako habang siya ay nasa ilalim. Magkalapit na magkalapit din ang mukha naming dalawa, ilang inches lang ang layo noon. "Anong ingay na naman ang narinig ko? Nakakainis ka na talaga Cris--" sabay kaming napatingin sa may pintuan, nakita namin doon si Corrine na iritable ang mukha pero ng malipat ang tingin niya sa amin ay gulat itong napatakip sa bibig niya. "Are you having a s*x?" Deretsong tanong nito sa amin na ikinagulat naman namin ni Crisler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD