Chapter 7

2288 Words
Nakahalumbaba ako sa isang mahabang table habang pinapanood ko si Crisler na umaarte. Nasa shooting niya kami ngayon pero iba ang location dahil isa raw ito sa upcoming movie niya. Romantic - action - comedy ang genre ng movie niya at isa siyang pulis kaya naman pinapanood ko siya kung paano siya umarte bilang pulis at para na rin ma-bash ko siya. "Cut!" Sigaw ng director nila kaya naman natigil sila sa pag-arte habang ako naman ay nakahalumbaba pa rin. Malapit ako sa pwesto ng direktor, nasa likod lang ako nito habang siya ay naka-upo sa isang upuan sa harapan ko. Nakikita ko rin ang maliit na screen ang kinukuhaang scene. Habang naglalakad si Crisler papunta sa pwesto niya na hindi naman kalayuan sa pwesto ko ay saglit niya akong tinapunan ng tingin bago niya inguso ang mineral water na nasa kaliwang side ko. Tiningnan ko lang ang mineral water bago ko taasan ng kilay. Bigla naman na may lumapit na isang babae kay Crisler may hawak iyong damit at binigay kay Crisler, kinuha iyon ni Crisler bago siya umalis papunta sa banyo. Magpapalit yata siya ng damit para sa ibang scene niya. "Direk, wala iyong isang extra, kulang tayo ng isang tao na extra para sa scene na bubugbugin si Crisler," sabi ng isang staff bigla naman akong nabuhayan at masiglang napatayo sa pwesto ko habang nakataas ang kanang kamay ko na akala mo ay nasa isang recitation ako. "Ako! Ako! Pwede akong pumalit doon kulang na bubogbog kay Crisler!" Malakas kong sabi habang tinuturo ko pa ang sarili ko. Napatingin naman sa akin ang director at ang ibang staff. Tiningnan ako ng director mula ulo hanggang paa. Straight naman akong tumayo habang nakangiti. "Masyado kang maliit, maliit din ang katawan mo," kunot noong sabi ng director. "Pero marunong po ako sa martial arts, magaling ako! Hindi naman batayan iyon, tsaka naliliitan po ba ako sa 5'3" kong height!" Taas noo kong sabi habang nakataas ang isang kilay ko. "Sigurado ka ba na kaya mo mapatumba si Crisler?" Tanong sa akin ng director. "Gusto ninyo po, sample ko sa inyo ngayon napapatumbahin kita, e," sabi ko. Bigla naman akong tinaasan ng isang kilay ng director. "I mean, ipakita ko sa inyo!" "Direk, wala na po tayong choice, pasuotin na lang po natin siya ng makapal na jacket para lumaki ang katawan niya, lagyan na lang din natin ng wig para matago ang buhok niya, kaunting make up na lang din po para magmukha siyang lalaki," sabi ng isang staff. "Bihisan at ayusan ninyo na siya," utos ng director may lumapit sa akin isang babae at sinama ako sa isang tent, walang tao roon puro mga damit ang nandoon. Naghanap ng isang makapal na jacket ang babae at pinasuot sa akin. Matapos noon ay lumabas kami at pumasok sa isang tent naman para make up-an ako. "Ang ganda ninyo naman po, Ma'am," puri sa akin noong bakla habang nilalagyan ako ng fake na balbas. "Salamat," nakangiti kong sabi. "Mas bagay sa inyo po mag-artista," sabi niya natawa naman ako. "Wala sa isip ko iyon," sabi ko. Nang matapos na akong ayusan ay nilagyan na ako ng wig na maikli lang ang buhok matapos noon ay sinuotan ako ng sumbrerong kulay itim. Matapos akong ayusan ay lumabas na kami sa tent, nakita ko si Crisler na minake-up-an. Nakapikit siya habang minake-up-an. "Sir, sakto po iyong ka-unting pasa ninyo sa mata para sa scene na ito," narinig ko na sabi ng make-up artist kay Crisler. Pigil naman akong napatawa. May pasa pa rin kasi sa mata si Crisler, tinakpan lang ng make-up para hindi makita tapos iyong medyo putok niya pang labi ay nilagyan lang din ng make-up pero ngayon ay tinanggal na. Matapos ma-make-up-an ni Crisler ay kumuha siya ng isang mineral water habang kunot noo na iniikot niya ang paningin niya sa paligid niya. "Nasaan na iyon?" Tanong nito sa sarili habang binuksan ang mineral water. "Hello," nakangisi kong bati sa kaniya. Kinunutan niya lang ako ng noo bago ako lagpasan at inikot niya ang paningin niya ulit sa paligid. Bumalik siya sa pwesto niya habang para may binulong. Hindi niya yata ako nakilala. Mayamaya ay tinawag kami ng director, sinabi niya ang scene na gusto niya. Ako naman ay na-excite dahil susuntukin ko si Crisler. Gustong-gusto ko talaga ito, sana araw-araw ganito. Mayamaya ay tinawag na rin si Crisler at sinabi ang mangyayari sa scene. "Crisler, kulang kasi tayo ng isang extra, may nakita kami na isang babae kaya napag-usapan namin na siya na lang ang susuntok sa iyo para hindi malakas ang pwersa." Paliwanag ng direktor, napangisi naman ako sa sinabi niya, pero si Crisler ay tumango lang at tumitingin-tingin ito sa paligid. "Crisler, nakikinig ka ba sa akin?" Tanong ng direktor. Lumipat naman ang tingin ni Crisler sa direktor. "Opo," sagot nito. Napatingin naman sa akin si Crisler at kunot noo na tiningnan ako. Bago nanglaki ang mata na tinuro ako. "Siya ang susuntok sa akin?" Malakas na tanong ni Crisler habang nanglalaki ang mga matang nakaturo sa akin. Nakangiti naman ako sa kaniya habang tinataas baba ang dalawang kilay ko. "Oo, bakit may problema ba?" Tanong ng director. "Direk, parang sampung tao kung sumuntok iyan!" Malakas na sabi ni Crisler habang nakaturo sa akin. Kinunutan naman siya ng noo ng director. "Maghanda ka na," utos ng director kay Crisler. Nakangisi naman akong napatingin sa kaniya, pinatunog ko ang dalawang kamao ko sa harapan ni Crisler. Bigla naman siyang napa-inom ng marami sa hawak niyang mineral water. Hinila ako ni Crisler na medyo malayo sa mga tao. "Huwag mo lalakasan ang suntok mo! May shooting pa ako para sa teleserye ko mamaya," sabi niya sa akin. "Sige, susuntukin lang kita na parang kagat lang ng langgam," nakangiti kong sabi sa kaniya. Napapikit naman siya at napahilamos sa mukha niya. "Bakit parang sinasabi ng instinct ko na nagsisinungaling ka?" Nagkibit balikat lang ako kay Crisler bago siya tapikin sa balikat. "Magtiwala ka, nasa mabuti kang kamay," sabi ko sa kaniya. Bigla ulit siyang napa-inom ng tubig. Mayamaya ay tinawag na kami ng director at magsisimula na raw. Nakangiti naman akong lumapit sa tinuro kung saan ako pupwesto. Si Crisler naman ay nakita ko na uminom ulit ng isang boteng mineral water. Mukhang kinakabahan siya. Hindi ko naman lalakasan, medyo lang siguro. Mayamaya ay nagsimula na kami, hawak ng dalawang lalaki si Crisler habang ako ay nakatayo sa harapan niya at nakangisi ako sa kaniya. Hindi arte ang nakita kong reaksyon ni Crisler, nakita ko talaga na totoong kinakabahan siya at iyong mata niya ay halatang nagsusumamong huwag ko lalakasan ang suntok. Nang susuntok na ako ay sinadya ko na hindi kita sa camera ang pagkakasuntok ko pero siniguro ko na natamaan sa mukha si Crisler. "Cut! Take two tayo, ayusin mo ang pagsuntok mo!" Sigaw ng director. "Opo!" Sigaw ko habang nakangisi kay Crisler na hawak ang pisngi niya. Tiningnan niya naman ako ng masama. Nagsimula ulit kami pero sinadya ko na hindi maganda ang kuha ng camera sa pagkakasuntok ko kay Crisler. Sobrang sama na ng tingin sa akin ni Crisler ngayon. Sa take three namin ay inayos ko na, solid kong pinatamaan sa kanang mata si Crisler. Maganda ang pagkakakuha noon kaya tuwang-tuwa ang director, ako rin naman ay tuwang-tuwa dahil nakita ko si Crisler na nakahawak sa kanang mata niya habang masama ang tingin sa akin. "Kaya pa?" Tanong ko sa kaniya. Binangga niya naman ako sa balikat at pumunta sa pwesto niya. Ako naman ay naghilamos at nag-ayos ng sarili ko, nang maayos na ako ay bumalik ako sa pwesto ni Crisler, kumuha muna ako ng tubig bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Crisler. "Bodyguard ba talaga kita o ikaw ang may planong patayin ako?" Tanong ni Crisler sa akin. Tiningnan ko naman siya. May ice bag siyang nilalagay sa kanang mata niya. "Ginawa ko lang utos sa akin ni Direk," sabi ko habang inosenteng nakatingin sa kaniya. Tiningnan niya lang naman ako ng masama. Ilang oras pa ang tinagal namin sa taping nila bago kami umalis ni Crisler at lumipat sa ibang location para sa teleserye niya naman niyang shooting. Medyo madilim na rin sa labas, mag-alas-syete na kasi ng gabi. Ako ang nagda-drive ng kotse ni Crisler nagka-emergency ang driver niya. Si Crisler naman ay tulog sa may backseat. Napagod yata kanina. Nang may makita ako na isang fast food chain ay nag-drive thru ako. Bumili ako ng dalawang order ng chicken at apat na extra rice, bumili rin ako ng burger tig-isa kami ni Crisler, bumili rin ako ng coke float dalawa rin para tig-isa kaming dalawa ni Crisler. Wala pa kaming kain kaya baka gutom na rin siya. Habang traffic pa ay kinuha ko iyong burger at kinagatan ko ng malaki. "Hoy! Gising! Kumain ka muna," sabi ko kay Crisler. Nagising naman siya. Tinuro ko sa kaniya ang pagkain na nasa passenger seat. Tiningnan niya naman iyon. "Ano iyan?" Tanong niya sa akin. "Bubuyog na may malaking p*wet," sabi ko habang tumatawa. Kinuha ko iyong coke float ko at uminom ako. Sabay kagat ng malaki sa burger. Walang salita na kinuha ni Crisler iyong isang box na may chicken. "May extra rice riyan kung gusto mo kumuha ka ng dalawa kung ayaw mo, e 'di, thank you," sabi ko sabay kagat sa natirang burger. Tinapon ko sa isang plastic ang nilagyan ng burger. Medyo mabagal ang daloy ng sasakyan dahil traffic na traffic talaga. Si Crisler naman ay tahimik na kumakain sa backseat. Magana siyang kumain, nang maubos niya ang isang rice ay kumuha pa siya ng isa. "Masarap?" Tanong ko sa kaniya. Tinapunan lang niya ako ng tingin tapos kumain na ulit siya. Napangisi naman ako, sa itsura ni Crisler ay mukhang ngayon lang siyang nakakain noon. "Kumain ka na?" Tanong niya sa akin habang kumakain siya. "Hindi pa, mukha ba akong makakakain?" Tanong ko sa kaniya. Kumain lang ulit siya at nakadalawang extra rice siya, bago niya kunin ang coke float niya at uminom doon. Patango-tango siya habang umiinom ng coke float. Mukhang na gustuhan niya. "Ako na magda-drive, kumain ka na," sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa salamin. Nakatingin din siya sa akin doon. "Mamaya na," sabi ko. "Alis diyan," utos niya sa akin. Napairap naman ako. Hindi na kami gumagalaw kaya naman tinanggal ko ang seatbelt ko. Saktong tatayo na sana ako sa pwesto ko ay tumayo na rin siya sa pwesto niya at mukhang lilipat sa driver's seat. Nagkatinginan tuloy kami at hindi makakilos. Kaya naman tinulak ko siya pabalik sa backseat bago ako umalis sa driver's seat. "Lipat doon!" Utos ko sa kaniya. Inirapan niya ako bago siya lumapit sa driver's seat. Sakto naman na umandar na kami, pero saglit lang ay natigil ulit. Kinuha ko iyong pagkain ko at nagsimula na akong kumain, enjoy na enjoy ako habang kumakain. Napansin ko naman na patingin-tingin sa salamin si Crisler. "Problema mo?" Tanong ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin. Inirapan ko naman siya bago ako nagpatuloy kumain. "May kwenta ka rin naman pala minsan," sabi niya sa akin. Inirapan ko naman siya. "May kwenta naman talaga ako, ikaw lang wala," sabi ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng masama. Hindi na ulit kami nagpansinan hanggang matapos akong kumain ay hindi pa rin kami nakakaalis sa traffic. Tumatawag na iyong sa director niya sa isang teleserye niya. Hindi na raw tuloy dahil mukhang matatagalan kami sa traffic. Medyo malayo pa kasi kami sa location nila. Tapos bigla pang umulan ng malakas. Tahimik lang kaming dalawang ni Crisler habang nakatingin ako sa may bintana ng kotse. Hindi ako nakakaramdam ng antok, natutuwa ako panoorin ang mga patak ng ulan sa salamin ng kotse. "So, bakit ka nagpulis?" Biglang tanong sa akin ni Crisler. "Gusto ng parents ko, ikaw bakit ka nag-artista?" Balik na tanong ko sa kaniya. "Gusto ko lang," kibit balikat na sabi niya. Tumango naman ako sa kaniya. "Hindi ba, Engineer ka?" Tanong ko. Bigla naman siyang napatingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Paano mo nalaman?" Tanong niya sa akin. "Nabasa ko sa personal information mo," sagot ko. Sa totoo lang ay hindi ko naman gaano binasa ang personal information niya, sadyang alam ko lang dahil siya ang g*gong ex ko. "Mas gusto ko umarte, minsan may tinatanggap akong project pero mga residential lang," sabi niya. "Sabagay, kapag residential saglit lang," sabi ko. Tumango naman siya sa akin. Natahimik na ulit kaming dalawa, medyo maluwag na ang traffic dahil nakaalis na kami roon sa mabagal na galaw. "Saan bahay ninyo? Hatid na kita," sabi niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko sa kaniya. "May motor ako na nasa mansyon ninyo," sagot ko. "Delikado, umuulan ngayon," sabi niya sa akin. "Kaya ko." "Address ninyo, saan nga?" Tanong niya. Sinabi ko sa kaniya ang address namin. Nag-drive siya papunta roon. Nang makapasok kami sa subdivision namin ay wala ng ulan. Tinuro ko sa kaniya kung saan kami baba. Kunot noo na napatingin siya sa bahay namin. "Pamilyar ang bahay ninyo," sabi niya noong nakababa na ako ay bumababa rin siya sa kotse. Malamang hinatid mo na ako rito noon. "Umalis ka na," sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin. Pagkaalis niya ay pabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako na hindi niya ako maalala. Pero mas nangingibabaw ang inis ko sa kaniya. Kahit na medyo mabait siya sa akin ngayon araw. G*go pa rin siya sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD