Hating gabi na at hindi pa rin tapos ang taping nila Crisler. Kailangan na raw nila matapos ang taping niya sa bagong movie niya ngayon kaya naman ay shino-shoot na nila ang mga dapat. Nanonood lang ako sa taping nila at minsan at bina-bash sa isipan ko ang mga ginagawa ni Crisler. Minsan kasi ay nagkakamali siya kaya naman nginingisian ko siya tuwing napapatingin siya sa akin. Hindi niya naman ako pinansin at nag-focus lang siya sa pag-arte niya. Halata naman na gustong-gusto niya ang pag-arte, pero kinuha niyang kurso noong college engineering, ang layo naman sa pag-arte niya. Ano iyon napag-tripan niya lang nag-engineering? Lakas din ng tama niya. Hirap-hirap sa engineering tapos trip niya lang. Police-Engineer ako, gusto ko ang engineering pero gusto naman ng parents ko ang police

