Buong araw kong hinanap si Crisler at ang g*go pinanindigan ang pagtatago pero nababahala rin ako baka kasi hindi niya na ako tinataguan baka mamaya na kuha na iyon ng mga gustong pumatay sa kaniya or baka patay na siya. Kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko na magtanong sa kapatid na babae ni Crisler, may number niya naman ako kaya siya na lang ang tinanong ko. Sinabi niya sa akin na wait lang daw. Pero iyong wait ay umabot na ng twelve hours. Alas otso ng gabi ako nagtanong sa kaniya at ngayon-ngayon lang siya nag-reply, alas otso na ng umaga ngayon. Binigay niya sa akin ang address ng condo ni Crisler nandoon daw ito ngayon kaya naman agad akong umalis ng bahay gamit ang motor ko. Mabilis akong nakarating sa address na binigay ng kapatid ni Crisler, sa Makati iyon at malapit lang

