Pagkatapos nila magkulitan ay pumasok muna ako sa loob ng yatch para magpalit ng damit, nilinis ko na rin ang sugat ko, mabuti at hindi ngumanga iyon dahil sa mga isip batang kasama ko. Nagbanlaw na rin ako matapos noon ay sinuot ko na ang bohemian dress na natitirang damit ko, may isang extrang damit pa naman ako pero wala na akong extrang shorts. No choice na ako kung hindi suoting ko ang bohemian dress. Backless ito, nakatali sa leeg ito at may cut ito sa kanang hita ko, pero hindi naman halata kapag naglalakad lang ako ay lumalabas ang cut. Kulay brown ito kaya naman labas ang kutis ko suot ko na ito. Hindi ko na pinatuyo pa ng blower ang buhok ko, malakas naman ang hangin sa taas kaya hahayaan ko na. Kinuha ko lang ang sunglasses ko at sinout iyon bago ako umakyat muli sa taas.

